My Second Love

55 0 0
                                    

There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night.
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night.

Habang tumutugtog ang Forevermore ng Side A sa radyo ay kasabay naman nito ang hindi matigil na pag-agos ng luha ni Faye sa magkabila niyang pisngi. Kanina pa siya nakatayo sa bintana ng kwarto niya, nakadungaw sa labas. Na tila may hinihintay. Gulo-gulo ang buhok, blangko ang mukha, walang ganang kumilos. Umaalingasaw na din ang amoy ng damit niyang daster dahil ilang araw na siyang hindi nakakaligo. Hindi pa siya lumalabas ng kwarto, may dalawang araw na.

"Faye, ano ka bang bata ka kanina pa ko tawag ng tawag sayo. Sinabi ko ng bumaba ka na dito at kumain." Tinatawag na siya ng kanyang lola pero hindi niya napapansin ito dahil malalim ang kanyang iniisip. Naglalaro sa gunita niya ang mga nangyari sa kanila ng kaniyang ex-boyfriend na si Mark.

Masayang-masaya siya ng araw na iyon dahil inaasahan niya na darating ang kanyang boyfriend at lalabas sila, magdedate, kakain sa paborito nilang restaurant. May limang taon na silang magkasintahan. Ito ang una niyang boyfriend. At inaasahan na ng lahat na sila na ang magkakatuluyan. Pero may isang text message na bumago sa mood niya at nakapagpabago ng lahat.

"Hi love! Sunduin kita mamaya ha. Love you."
Nanlaki ang kaniyang mga mata at pinanlamigan siya ng mga kamay habang parang mauupos na kandila na napaupo sa kanilang mahabang sofa. Ilang beses niyang binalikan ang message. Paulit- ulit na binasa. Hanggang sa marealized niya na text ito mula kay Mark. Ang tawagan nila ay Mahal at hindi Love. Alam niyang hindi para sa kaniya ang text na iyon.

Tinawagan niya si Mark. "He...llo.. ang mahina at gumaralgal na tinig nya, hindi niya mapigilan. "Bakit Mark? Sino itong tinext mo na love? At susunduin? Wala tayong usapan na susunduin mo ako? Sino yan Mark? Niloloko mo ba ako? Sabihin mo 'yung totoo!"

Hindi na napigilan ni Faye ang kaniyang damdamin. Sumambulat na talaga ang kaniyang emosyon. Isa-isa ng pumapatak ang luha niya, pinipigil niya dahil ayaw niyang marinig sya ni Mark na umiiyak. Ayaw niyang kaawaan siya nito. Gusto niyang ang maging sagot ni Mark ay hindi, na nagkamali lamang ito.

Pero iba ang naging tugon nito. "Oo Faye, para sa iba ang message ko na yan. Nawrong send ako sayo. Aaminin ko sayo yung totoo. May iba na kong mahal."

Tuluyan nang humagulgol ng iyak si Faye. "Bakit, bakit?! Bakit Mark!? Sumisigaw na siya. Magkahalong galit at awa sa sarili ang nararamdaman niya. Nanginginig ang kalamnan niya. Hindi niya maintindihan kung dahil ba sa galit o sa matinding pagkabigla. Parang kasing bombang sumabog sa harapan niya ang text message na iyon.

"Faye, Im sorry. Hindi ko na kayang mahalin ka." At pinatay na ni Mark ang phone sa kabilang linya. Iyak ng iyak si Faye. Walang tigil. Gusto niyang humingi ng saklolo dahil ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Habang basang- basa na ang cellphone niya sa kakaiyak, pinipilit naman niyang matawagan muli si Mark pero hindi na ito sumasagot.

Mag-isa lang siya sa bahay ng panahong iyon. Namalengke ang kaniyang lola. Nang mga oras na iyon,  ang pakiramdam niya ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, parang nasa isa siyang sakuna o aksidente at hindi siya makatayo. Nakakagat na niya ang labi niya sa sobrang pagpipigil na huwang maging maingay sa pag-iyak. Ayaw niyang marinig siya ng kapitbhay at malaman pa ng lola niya ang mga nangyari. Maysakit ito sa puso, at ayaw niyang makadagdag ng alalahanin dito.

My Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon