Part 2

8 0 0
                                    

Si Aling Mercy na ang tumayong nanay at tatay kay Faye. Namatay ang kaniyang mga magulang noong 2016 sa isang car accident sa Baguio noong nasa  Grade 4 pa lamang siya. Negosyo ng kaniyang mga magulang ang pag- aangkat ng mga gulay sa Baguio at dinadala naman ito sa mga suki nila sa palengke. Habang paakyat ang kanilang sasakyan patungo sa St. Martin Market ay may isang truck naman na pasalubong na mabilis na sumalpok sa kanilang sasakyan. Sa lakas ng pagkakabangga ay agad na binawian ng buhay ang kaniyang mga magulang. Ayon sa imbestigasyon ay lasing ang driver ng truck habang nagmamaneho. 2018 naman nang sumunod na namatay ang kaniyang lolo dahil sa atake sa puso. Hindi nito matanggap ang pagkawala ng anak nito na kaniyang ama.  Palagi itong nag-iisip at nalulungkot kapag naalala ang malagim na aksidente.  Sila na lamang maglola ang naiwan sa bahay. Nagtinda ng mga damit, tsinelas at unan ang kaniyang lola para maitaguyod siya sa pag aaral. At ngayon nga na tapos na siya sa kolehiyo sa kursong Management at may maganda nang trabaho, siya naman ang tumatayong breadwinner sa pamilya.

"Faye, Faye! Ano ba? Hindi mo ba ako talaga pakikinggan?"Galit na ang boses ng lola ni Faye at di na ito nakatiis at inakyat na sa kwarto ang dalaga. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Faye. Nakita niya ang lola niya sa ka kaniyang harapan habang nakatingin ito at nakapameywang. Pinanlakihan siya ng mga mata nito na naghihintay ng sagot mula sa kaniya.

"Lo...lo...la.., ang pautal-utal na nabanggit ni Faye. Dahil sa pagkabigla ay hindi ito makatingn ng deretso.
"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, kaya inakyat na kita. Ano ba ang problema mo at ilang araw ka ng hindi bumababa. Napapanis palagi ang mga pagkaing niluluto ko para sayo. Naiiwan lang sa lamesa hindi mo kinakain. Dalawang araw ka ng nagkukulong sa kwarto. At itong damit mo, nung isang araw mo pa suot ito, ah!" Habang minumwestra ang kamay sa suot nyang daster ay nakataas na ang kilay nito. "Naaamoy na rin kita, mabaho ka na, 'di ka pa naliligo.

Napatigil si Aling Mercy nang mapansin nito na namumula ang mata ng kanyang apo, nangangalumata ito at tila pumayat. Umiwas ng tingin si Faye at tumalikod. Pumunta siya sa kanyang kulay puting cabinet na may kalumaan na. Binuksan ang drawer niyon at nagkunwaring siyang may hinahanap.

Sinundan siya ng kanyang lola. "Faye..."ang mahina nitong tinig ay may halo ng pag-aalala sa kanya. Muling tumalikod si Faye at pumunta naman sa tokador at kinuha ang hairbrush at nagsuklay ng buhok. Sinundan pa rin siya ng matanda. Hindi maalis ang paningin nito sa maamo at magandang mukha ng apo.

At sa mababang tinig nito ay nagtanong, "Anong nagyayari sayo? Lola mo ako, sabihin mo sa akin ang mga problema mo. "Lola wala po akong problema," mahina ang boses ni Faye at pinipilit na maging matatag,  para hindi siya mahalata na may problema siya.

Iwas na iwas din ang tingin nya dito upang ikubli ang sakit na nararamdaman nya. Ayaw na ayaw niya talagang mag-aalala ito ng sobra sa kanya. Maysakit ito at hindi na kailangan pang sabihin pa ang pinagdaraanan niya. Sasarilinin nya na lamang ito.

"Huwag mo akong paglihiman apo. Matagal na tayong magkasama na tayong dalawa lamang. Namatay na ang magulang mo nasa elementarya ka pa lang. Ang lolo mo naman binawian na rin ng buhay limang taon na ang nakakaraan. Mahirap para sa akin na hindi ka magsabi ng mga gumugulo sa isip mo. Kilala kita kapag may problema ka," pagpipilit ng kaniyang lola.

"Lola... lola..." sinasambit niya ang salitang lola habang bigla na lamang tumulo ang kaniyang mga luha. Magkasalikop ang dalawang kamay at parang batang takot na takot na nagsusumbong. "Wala na po kami ni Mark. Lola ang sakit. Hindi ko kaya na wala siya."

Inakap siya ng kaniyang lola at hinagod- hagod ang kaniyang likod. "Nandito lang ako apo, nakikinig sayo."

"Nahuli ko po siya sa text dahil nawrong send po sya. Pinakita ni Faye ang message ni Mark. At nang kausapin ko po siya, inamin po niya sa akin ang totoo. May mahal na daw siyang iba at di niya na ako kaya pang mahalin." Bumuhos na ng todo ang luha ni Faye habang nakasubsob sa balikat ng kaniyang lola.

Alalang-alala ang ito sa kaniya at niyakap sya habang ang isa nitong kamay ay humahaplos sa mahaba at makintab niyang buhok. "Pakalmahin mo apo ang puso mo, ang sakit na iyan ay lilipas din. Magugulat ka na lang isang araw nawala na ang sakit. Tibayan mo ang loob mo at tanggapin mo ang mga pagbabago sa buhay mo ngayon. Lagi kong sinasabi sa iyo na kapag ikaw ay nalulungkot, isipin mo na lang ang bilyon-bilyong tao sa mundo na lumuluhang katulad mo. Na maaaring ang dahilan ng pagkalungkot nila ay dahil sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay, matinding trahedya na kanilang pinagdaraanan at maaaring galing sila sa malaking sakuna gaya ng lindol, matinding bagyo o baha. Kaya isipin mo na lang na may nagmamahal sayo, nandito sa tabi mo, ang lola mo. At syempre apo huwag kang makakalimot sa Diyos. Nariyan siya palagi upang gabayan tayo."

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Faye sa mga narinig sa kaniyang lola. Ito talaga ang totoong sandigan niya sa lahat ng oras. Pawang magagandang salita ang sinsabi nito palagi sa kaniya na nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Mahal na mahal niya ang kaniyang lola. Lagi itong nakasuporta sa anumang nagaganap sa buhay niya. At nagpapasalamat siya palagi dito. "Salamat lola, ikaw ang palaging nagbibigay sa akin ng inspirasyon para magkaroon ng liwanag sa buhay. Niyakap niya ang lola niya ng mahigpit na parang di na pakakawalan pa.

"Apo, hindi ako makahinga," pagbibiro nito at sabay silang napahalakhak ni Faye. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Faye ay may isang tagapagtanggol siyang bumaba mula sa langit at ito ay sa katauhan ng kaniyang lola.

Hinawakan ni Aling Mercy ang kamay ng apo. "Halika na nga sa baba at kumain na tayo, kanina pa pinagpipiyestahan ng mga langaw yung kakainin natin 'dun." "Sige po,"ang nakangiti nang sambit ni Faye.

Masaya nilang pinagsaluhan ang masarap at mainit-init pang kanin at mechado na expertise na ng kaniyang lola. Sinabi ni Faye sa kaniyang sarili na kakalimutan niya muna ang hapdi at sakit. Magpopokus muna siya sa tunay na nagmamahal sa kaniya. At lihim na hiniling na sana kinabukasan ay wala na ang kalungkutan at puro kaligayan na lamang ang manatili sa kaniyang dibdib.

My Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon