"PDalawa na lang, dalawa na lang, aalis na ang jeep."Malakas ang pagtatawag ni Mang Boy. Naghihintay din ang mga pasahero na mapuno ang jeep. Abala ang nga ito sa mga ginagawa nila. May batang ngumunguya ng chewing gum. May estudyanteng paindak-indak, nakikinig ng music habang may suot na air pods sa magkabilang tenga. May isang lolang nakasaklay kasama ang kaniyang apo, mukhang papunta sa isang clinic para magpacheck up. May aleng kandong ang tatlong taong gulang na anak habang pinatatahan ito sa pag-iyak. Ang iba naman ay grupo ng kababaihan na abala sa pagkukwentuhan. May isa ding medyo may edad ng lalaki na natutulog, mukhang puyat o may hang-over sa kalasingan kagabi. Sari- sari ang mga pasahero sa jeep. Iba- iba ang kwento. Iba- iba ang mga problema sa buhay. Pero lahat sa araw na iyon ay may iisang hangarin. Ang makarating sa Cubao. Sumakay na ang isang ale na may dalang bayong. Isa na lang at aalis na.
"Isa na lang, sakay na, bilisan nyo, aalis na kami. Cubao, Cubao! Muling nagtawag si Mang Boy. May isang lalaki ang lumapit kay Mang Ador, ang drayber ng jeep, tila may sinabi ito at pumasok na sa loob. Naupo ito sa tapat ni Faye.
Umalis na ang jeep.
Habang nagbibiyahe sila ay napansin ni Faye na nakatingin sa kaniya ang lalaking nasa tapat niya. Malahigante ito sa paningin niya dahil sa tangkad nito na sa estimate nya ay nasa 6'3 ang taas. Maamo ang mukha nito. Mestiso. May katamtamang tangos ng ilong. Makapal nang kaunti ang kilay na bumagay sa mga mata nitong nangungusap. May pagkapula ang labi na mukhang natural. Nakasuot ito ng asul na long sleeves na nkatucked in sa kulay khaki na pantalon. At nakarubber shoes ito na white. Ang cool ng dating niya. Parang ang bango-bango. Ngumiti ito nang marahan sa kaniya na ikinakunot ng noo ni Faye."Bakit ngingiti- ngiti ang lalaking ito sa akin? Di ko naman siya kilala," usal ni Faye sa sarili. Hindi matigil sa pagngiti ang lalaki at tumititig pa talaga sa kaniya.
Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ni Faye. "Manyakis ba ang lalaking ito at gusto akong halayin? O holdaper kaya ito? Ang pogi namang holdaper nito."
Hindi magkandatuto si Faye sa ngiting iyon ng kaharap. "Bakit kasi ang ganda ng ngiti niya at bakit parang apektado ako. Naconscious akong bigla. Pero bakit kumakabog ang dibdib ko? Yung mga titig niya bakit parang matutunaw ako? Ano ba itong nararamdaman ko?" Bulong ni Faye sa sarili, habang ramdam na ramdam na niya na nag-iinit na ang mga pisngi niya. Siguradong pulang-pula na siya sa harapan nito.
Para ding napapaso na ang puwitan niya sa pagkakaupo. Di sya mapakali. "Help!" Gusto niyang sumigaw. Pero di niya magawa. Sumigaw ba dahil natatakot siya o sumigaw para mawala ang malakas na tunog sa dibdib niya.
Binaling ni Faye ang paningin sa labas. At sa mga sasakyan sa labas niya itinuon ang atensyon. Nagbalik sa alaala niya ang di niya malilimutang karanasan sa jeep na iyon.
"Sakay na, sakay na. Kapag single, kapit lang sa hawakan at maupo lang ng seksi. Kapag may jowa kapit kay mahal at upong pangcouple. Pwedeng magkiss at magyakapan pero 'wag kalimutang magbayad." Pabiro ang pagsasalita ni Mang Boy pero parang nasasaktan si Faye. Nabanggit kasi ang mga salitang 'mahal,' 'couple,' 'kiss,' 'yakap,' mga salitang ayaw niya muna sanang marinig sa ngayon. Ilang araw pa lang ang lumilipas mula ng magbreak sila ng bf niyang si Mark. Pinilit lang niyang pumasok sa trabaho dahil sa kaniyang lola. Hangga't maaari ayaw niyang nakakita ng sweet couple o kaya makakarinig ng mga sweet messages. Galit pa din siya kay Mark. Nandoon pa din ang sakit sa dibdib niya dahil sa ginawa nitong biglang pag-iwan sa kaniya.Napalingon si Faye sa paligid niya. Nagtaka siya bakit yata lahat ng sumasakay sa jeep na iyon ay puro magjowa. At may dala pang bulaklak ang iba. Yung iba naman ay may dalang teddy bear at chocolate. Mga magkaakbay pa. Ang iba naman ay halos maghalikan na sa harap niya. Ano bang meron? Tiningnan niya ang celphone nya. Nagulat siya sa nakita.
"OMG! February 14 pala ngayon! Bakit kasi may pasok ngayon at hindi na lang ginawang holiday ang araw na ito. Papatayin ba nila ko sa inggit?! May pinagdadaanan ako. Hello! Alam nyo bang kabebreak lang namin ng boyfriend ko?!" Huli na para humanap pa siya ng ibang jeep na masasakyan at baka ganun din naman ang mga pasaherong sakay. Nayayamot man ay sumakay na rin ng jeep si Faye.
Sa tabi ni Faye ay may nagyayakapan. Sa harap naman niya ay mga naghahalikan. Gusto na niyang bumaba kaso sigurado na mahihirapan siyang sumakay. Medyo traffic pa dahil siguro sa mga magkasintahang magdedate sa araw na 'yun. Si Mang Ador mahilig talaga sa music. Pero para bang nang-iinis Nagpatugtog ng kantang 'How do you heal a broken heart.' Hiwalay sa asawa si Mang Ador. Sumama ang asawa nito sa ibang lalaki na may kaya sa buhay. Kasama na lang niya sa bahay ang nag-iisa niyang anak na si Elsa na graduating na din sa Junior High School. Nagsimulang tumugtog ang awitin.How do you heal a broken heart
That feels like it will never beat this much again
Oh no
I just can't let go
How do you heal a broken heart
That feels like it will never love this much again
Oh no
"Sana ilipat na ni Mang Ador sa ibang station ang radyo. Baka bumaha ng luha dito." Naidasal ni Faye sa sarili.
Nilipat nga ni Mang Ador sa ibang station ang radyo. Pero ang sumunod na tinugtog naman sa station ay 'How did you know,' ang theme song nila ni Mark.
Tumugtog ang awitin...My life started to change
I'd wake up each day feeling alright
With you right by my side
Makes me feel things will work out just fineTuluyan ng tumulo ang luha ni Faye sa magkabila niyang pisngi. Tuluy-tuloy ang pag-agos nito. Walang tigil din siya sa kakapunas ng tissue sa mga mata niya.
Sumunod naman na awitin na tinugtog ay ang Through the Years..
I can't remember when you weren't there
When I didn't care for anyone but you
I swear we've been through everything there is
Can't imagine anything we've missed
Can't imagine anything the two of us can't doLalo siyang naiyak sa kantang ito. Ito kasi ang kanta nila ni Mark ng nagsisimula pa lang sila na magkarelasyon. Ipinangako nila sa isa't isa na hindi sila maghihiwalay. Na sa huli sila ang magkakatuluyan. Si Mark ang naging sandalan niya sa mga oras na may problema siya. Ito ang palaging nagpapangiti at nagpapahinahon sa kaniya. Pero ngayon, lahat ng pangako nito ay parang bulang naglaho. Ang sakit- sakit! Ah! Tama na! Tila piping bulong ni Faye sa sarili.
Iyak siya ng iyak na may kasama ng paghikbi. Bumaba na ang dalawang magkasintahang katabi ni Faye. May isang matangkad na lalaking sumakay. Tumabi ito sa kaniya. Walang pakialam si Faye. Sa isip niya di niya mapipigilan ang sakit, kailangan niya itong ilabas sa pamamagitan ng pag-iyak. Wala na rin siyang pakialam kung sa loob man 'yun ng jeep at pagtinginan siya ng mga tao. Tinotorture siya ng mga awiting pinatutugtog ni Mang Ador. Patuloy sa pag iyak si Faye. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao sa loob ng jeep. May isang naglakas-loob at tinanong siya ng babae."Miss okey ka lang ba?" may pag- aalalang tanong nito sa kaniya.
Umiling lng si Faye at muling umiyak. Masikip ang dibdib niya. Gusto lang talaga niyang umiyak ng umiyak. Di niya namalayan naubos na pala ang tissue paper niya. Hanggang naramdaman na lng niya na may nag-aabot ng puting panyo sa kaniya. Ito ay walang iba, kundi ang katabi niyang lalaki. Hilam na sa luha si Faye kaya di na niya maaaninagan ang mukha nito. Kinuha niya ang panyo dito at tinakpan ang buo niyang mukha. Kasabay ng pagluha niya ay ang biglang pagbuhos naman ng malakas na ulan.
Naririnig pa niya ang mga sinasabi ng mga pasahero."Kawawa naman 'yung babae, mukhang may malaki siyang problema."
"Baka naghiwalay sila ng boyfriend niya, Valentine's day pa naman ngayon.
"Miss tatagan mo ang loob mo, makakatagpo ka rin ng para sayo.""Tahan na..." mahina pero buo ang boses ng lalaking nagsalita. Alam niya iyon ay ang katabi niya. Bahagya niyang inaangat ang panyo at napatingin sa baba. Nakita niyang nakasuot ito ng leather shoes. 'Yung uri ng sapatos na di mo mabibili sa kung saan lang. Mukhang mamahaling klase ng leather katulad sa sapatos na sinusuot ng boss niya sa Wildon. Di na nagawa pang mag-angat ng tingin ni Faye para makita ang katabi. Para na kasing bombang sasabog ang kaniyang dibdib. Alam niyang malakas ang ulan pero nais na niyang mawala sa jeep na iyon. Para na siyang lulubog sa kahihiyan sa ginagawa niyang pag-iyak. Sinilid niya ang puting panyo sa loob ng bag.
"Paraaaaaa!!!!" malakas na sigaw ni Faye. Huminto ang sasakyan. Mabilis na bumaba si Faye. At sa gitna ng kalsada ay tumakbo siya. Tumakbo siya ng umiiyak. Maraming sasakyan at ang lakas ng ulan. Pinilit niyang tumakbo ng mabilis pero di niya magawa dahil baha na sa kalsada. Basang-basa na siya. Basa na pati bag niya. Hilam sa luha at babad na ang mga binti at paa niya sa baha. Parang isang eksena sa pelikula na naghihintay lang siya na isigaq ng director ang 'cut,' para magbalik sa normal ang lahat. Lakad dito, lakad doon. Di niya alam ang patutunguhan. Palinga-linga siya. Nahihilo na siya. Napagawi siya sa bandang kaliwa habang may parating na isang jeep. Muntik pa siyang masagasaan nito. "Oy miss, magpapakamatay ka ba?" Sinigawan siya ng drayber ng jeep na muntik ng makabunggo sa kaniya.
Unti-unti ng nawawala ang paningin niya. Pero bago pa man siya tuluyang mawalan ng ulirat ay may mga malalakas na bisig na sumalo sa kaniya. Nakita niya pa ang leather shoes na yun ng katabi nya sa upuan sa jeep kanina ay suot ng lalaking ito na sumalo sa kaniya. Hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay si Faye. Ang huling alaala niya ay ang lalaking iyon na nakasuot ng leather shoes.
BINABASA MO ANG
My Second Love
RomanceMasakit ang first love experience para kay Faye. Naging mahirap sa kaniya ang pagmove on. Pero ang lahat ng mga pagdurusa niya ay may katapusan dahil natagpuan niya ang kaniyang second love -si Marco. Siya ang naging sandalan niya sa mga oras na...