Part 3

4 0 0
                                    

Tiktilaok...tiktilaok!
Malakas at sunud-sunod ang pagtilaok ng manok ni Mang Teban. Para bang nag-eensayo sila sa paparating na konsyerto. Hindi na kailangan ni Faye ng alarm clock dahil sa ingay ng mga manok. Si Mang Teban ang may-ari ng katabing bahay nila Faye. Isa na siyang byudo. May kani-kaniyang pamilya na rin ang mga anak niya kaya mag- isa na lng ito sa bahay at puro mga manok na lang ang inaasikaso nito.

"Hay, alas singko na pala. Kailangan ko ng magmadali para di malate sa trabaho" usal ni Faye sa kaniyang sarili habang tinitiklop ang kumot at inaayos ang unan sa kamang tinulugan niya.

Nagmamadali na siyang naligo at nagbihis. Habang nagbibihis ay napatingin siya sa salamin. Pinagmasdan niya ang sarili. Nakita niyang lalong ngflat ang tiyan niya. Bumagay ito sa makurba niyang katawan. Siguro nga ay dahil naging workaholic siya kaya di siya tumataba. Bahagya siyang pumayat pero seksi pa din. Lumapit pa siya ng husto sa salamin at tiningnan ang mukha niya. Makinis pa rin ito. Walang tigyawat, closed pores ang skin niya kaya di basta basta nagkakaroon ng mga blackheads at pimples. Matangos ang kaniyang ilong, medyo bilugan ang kaniyang mga mata. Maliit lang ang kaniyang mukha na hugis puso. Sa madaling salita maganda siya. Sabi ng iba kamukha raw niya ang artistang si Dina Bonnevie noong kabataan nito. Hindi siya masyadong kaputian. Di rin nman sya kayumanggi. Tamang-tama lang ang kulay ng kaniyang balat para mamukadkad ang kaniyang ganda. Sinuklay niya ang kaniyang lampas-balikat na buhok. Itim na itim
ang kulay nito. Peo marami- rami na ding split ends ang dulo.

"Time na yata para magpaparlor ako, ang dami ko ng split ends." sabi ni Faye sa sarili. Mula kasi ng nagbreak sila ni Mark, tinamad na siyang pumunta sa parlor. Iniisip niya kasi na panay na ang paganda niya noon pero iniwan pa rin siya ng boyfriend.

Isang taon na ang nakakaraan mula ng mgbreak sila ng boyfriend na si Mark. Isang taon na rin niyang sinubsob ang sarili sa pagtatrabaho. Ito lamang ang nakikita niyang paraan para makalimot. Ang magpakabusy.

Ngayon ay isang executive assistant na siya sa Wildon Company. Isang kompanya ito ng mga textiles. After niya makagraduate ay nag-apply siya dito at natanggap naman agad. Dahil sa angking talino at sipag ay napagkatiwalaan siya ng kaniyang boss at napromote na executive assistant. Dati ay karaniwang clerk lang siya at tamang-tama lamang ang sahod. Ngayon ay mas mataas na ang sahod niya, mas nakakaipon na siya at nabibili na ang lahat ng gusto at pangangailangan nilang maglola. Pati ang mga gamot nito sa puso ay nasusuportahan na niya. Pinatigil na din niya ito sa pagtitinda.

Pagbaba niya galing sa kwarto ay nadatnan niya ang kaniyang lola na nakaupo na sa lamesa at hinihintay na siya para mag-agahan. Kahit sa gulang na 62 ay mababakas pa din ang kagandahan nito. Payat pa rin ito katulad ng dati. Namana ni Faye ang pagiging balingkinitan ng katawan nito. Matangos din ang ilong at maliit din ang mukha. Makikita na sa mukha nito ang kaunting kulubot pero parang bata pa rin itong tingnan sa totoong edad niya. Kapag ngumiti ito, makikita ang mapuputing ngipin nito na walang pustiso ni isa. Maalaga ito sa katawan maging sa mga ngipin. Palaging itim ang kulay ng buhok niya dahil lagi itong nagpapakulay ng buhok. Ayaw niya daw magmukha siyang lola. Kaya buwan-buwan nasa parlor ito.

"Apo mag-almusal ka muna bago pumasok. At itong baon mo dalin mo."
Umupo na si Faye at nagsimulang kumain. Nagluto ang kaniyang lola ng sinangag, itlog at ginisang sardinas.

"Lola birthday nga pala ni Tricia ngayon. Ililibre daw niya kami ng lunch. At sa hapon naman ay may meeting kami baka malate po ako ng uwi."

"Ah, ganun ba? O basta magpakabusog ka, wag kang magpakagutom ha? Kapag ginabi ka o nahirapan kang umuwi ay tumawag ka sakin ha. 'Wag mo akong pinag-aalala."

"Opo lola, alis na po ako, sabay halik sa kaniyang lola at niyakap ito ng mahigpit at inamoy amoy nya ang leeg nito..Hmm.. ang bango talaga ng lola ko."

My Second LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon