Nagising ako dahil sa liwag na nakatapat sa muka ko. pagbangon ko napansin ko na agad na hindi ko to kwarto... nasaan ako?? ahh ang sakit ng ulo ko bwesit bat ba kasi ako nagpakalasing kagabi kainis... at dahil na curious ako kung nasaan ako dahan dahan akong tumayo habang nakahawak sa ulo, napansin ko ding napalitan ng pulo ang suot kong dress, buti nalang suot ko pa don cycling short ko. dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto saka sumilip sa labas, pero wala akong makitang tao, kaya tuloyan na akong lumabas, pinagmasdan ko muna ang bahay, napakalaki naman nito at halatang mayaman ang may ari.
Bumaba ako ng hagdan para tignan kong may tao ba sa baba, nang sa ganon makauwi na ako.
‘Your awake’- rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses kaya naman napalingon ako sa may dining area at nakita ko siya doon nakaupo.
‘Mr. Hermados?’- takang tanong ko
imbis na sagotin ako ng maayos nagtanong lang ito ‘How was your sleep?’
tumigil ito sandali at pinagmasdan ako habang ako'y nakahawak pa din sa ulo ko ‘Mukang maayos naman, i guess, umupo ka na at kumain...’- saad nito na para bang normal lang ang nangyari.‘Hindi na uuwi na ko’- iritadong sabi ko
‘You need to eat first, before you go...’ - sabi niya pa
‘Ayoko nga.’- inis kong sabi saka tinalikoran siya, maglalakad na sana ako ng bigla siyang tumayo at hilain ako, kaya namay nakakulong nako sa bisig niya
‘Where do you think your going?’ tanong nito na ngayo'y tinignan ako, umiiwas nalang ako sa mga tingin niya total matangkad naman siya.
‘Uuwi na nga ako! bitaw nga!’- inis kong sabi sabay sa pag pupumiglas.
‘Alam mo bang nasaan ka ngayon?’- tanong nito sakin
‘Hindi, nasaan ba ako?’ - matapang kong sabi
‘Nasa laguna tayo ngayon, at ito ang bahay dito...’- saad pa nito na ikinagulat ko.
‘Anong ginagawa natin dito??’- tanong ko
‘Your here because, i wanted you to look my house...’- nakangiting sabi nito sabay ng pagbitaw niya sa akin
‘H-huh? baliw ka ba?’- kunot noong sabi ko, dinala niya ako dito para lang tignan ang bahay niya wtf???????, imbis na sagotin ako'y tumawa lamang ito na para bang nakikipag biruan ako.
tinignan ko muli ang paligid ng bahay niya ng hindi umaalis sa pwesto, ang ganda ng design mukang babae ang nakatira dito dahil sa mga desenyo.
‘Mr. jacob?’- tawag ko sa kanya‘Hmm..’- tugon naman nito at saka humigop ng kape niya
‘Bakla ka ba?’- wala sa sariling tanong ko habang siya nama'y natapon ang kape dahil sa gulat, baghagya din akong nagulat
‘W-what?’- hindi makapaniwalang tanong nito sa akin
‘Bakla ka ba?’- pag ulit ko pa, gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa unti unting pagkunot ng noo nito at unti unti din itong lumapit sakin kaya napapaatras din ako. hangang sa wala na akong masandalan dahil sa hadan na pala tong nasa likoran ko
‘Can you repeat what you say earlier...’- saad nito tsaka dahan dahang inilapit ang muka sakin, at ako namay pinipilit ilayo ang muka sa kanya.
‘A-ang a-alin, yong k-kung b-bakla ka?’ shit bat ko sinabi yon, nagulat nalang ako sa paglapat ng mga labi niya sa labi ko, bakit ganon nanghihina ako dapat tinulak ko na to at pinagsasampal e, pero bakit? bakit ganito yong nararamdaman ko, mas lalong tumibok ng sobrang lakas yong puso ko... dahan dahan niyang inalis ang mga labi niya sa labi ko saka tumingin sakin, at saka niya ako muking hinalikan, napapikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam.
‘everytime you say that again and make me smile i'll kiss you...’- bulong nito sakin, napalunok naman ako, napatawa siya ng mahina tsaka niya inilayo ang muka sa akin at bahagyang inayos ang buhok ko... ‘Let's eat..’- saad nito saka lang din ako bumalik sa ulirat
‘A-ah s-sige...’- pagpayag ko pa, inalalayan niya naman ako hangang sa pag upo. tahimik lang akong kumakain habang siya'y nakatingin pa din sakin, naiilang ako pero pinipilit ko nalang lakasan ang loob ko. sandaling natahimik ang paligid.
‘Pagkatapos mo kumain, ihahatid kita sa bahay mo...’- nakangiting sabi nito, nakakapanibago, dahil hindi siya ang kilala kong jacob hermados, ang kilala kong jacob ay masungit, pangit ang ugali at napaka cold na tao. isang tanong isang sagot. tulad ng inaasahan pagkatapos ko kumain, ihinatid niya ako sa apartment, bago niya ako pababain sa kotse niya may salita siyang binitawang hindi ko makalimutan...
‘I like you.. and i want you to be my wife.. and i am sincere about my feelings for you, i hope you will trust me...’
Hindi ako makapag focus sa ginagawa ko dahil iniisip ko yong mga sinabi niya, may nararamdaman akong kilig at pag aalangan dahil na rin siguro hindi ko pa siya kilala at panong nagustohan niya ako sa mabilis na panahon? nakakapagtaka naman... talaga bang gusto niya ako?
bumalik lang ako sa aking sarili nang biglang tumunog ang phone ko, sinagot ko naman ito ng walang gana(hoy babaeta nasan ka gabi? san ka nag punta? bakit bigla ka nalang nawala ha? bakit mo kami iniwan? hindi ka man lang nagpaalam) bahagya kong nailayo sa tenga ko ang phone dahil sa ingay ni alena
‘Ano ka ba naman alena isa isa lang okay, nag iisang lang ako sis’- saad ko
(Tss san ka ba kasi nagpunta kagabi ha?) tanong niya
‘Nakatulog ako sa bahay ni mr. jacob.....’- pahina ng pahina ang boses ko dahil sa kahihiyan
(ANO????!!) Sigaw nito sa kabilang linya
‘Wag ka naman sumigaw ang sakit sa tenga...’
(Pano ba naman kasi nakakagulat yang sinabi mo, bakit mo siya kasama aber)
‘Ano kasi, nasa bar pala siya kagabi, nakita niya akong nalasing...’
(Oh tapos inuwi ka na niya, hays ikaw talaga oh, alam mo bang nababaliw kami kakahanap sayo kagabi)
‘Sorry na, hindi ko naman inaasahan yon e...’
(Okay sige na, chika mo nalang samin next time yong nangyari..)
‘Okay thank you, love you...’
(Love you too) saad nito bago binaba ang phone.
hindi ko na namalayan ang sarili ko at naka idlip na ko dahil sa antok... ilang oras lang nagising ako dahil may kumakatok sa apartment ko, agad naman akong bumangon para tignan kung sino yong kumakatok
‘Tophe?’- gulat kong tanong nang buksan ko ang pinto
‘Andito ka na pala, tinawagan kita pero di ka sumsagot’- sabi nito sabay yakap sa akin ‘ Alam mo bang pinag alala mo ko...’- dagdag pa nito
‘Pasensya na..’- tugon ko
‘Papasok nga..’- sabi niya pa saka pumasok, may mga dala pa itong pagkain
‘Para san yan?’- tanong ko
‘Ah ito ba..’- tanong nito sabay angat ng isang plastic na junk food, tumango ako hudyat para sabihing 'oo' ‘para satin to, nood tayo movie, di ka pa ba sanay’ dugtong nito na bahagyang tumawa.
‘Ah, sanay na pero kagulat ka, bigla bigla kang sumusulpot...’- sabi ko natawa naman ito, pagdating talaga sa movies at bonding laging si tophe ang kasama ko best bodies kasi kami nito simula noon.