‘Listen yanna, wala ka nang magagawa about that, alam mo ang tagal tagal na non kaya hayaan mo nalang yong mukong na yon...’- my friend jennie said
‘Sa tingin niyo ba hahayaan kong bumagsak yong company na pinaghirapan kp for four years no way, alam niyo namang grade 12 ako nong umpisahan ko tong business na to, sobrang dami kong pinaghirapan tapos ngayon unti unti nang bumabagsak dahil sa mukong na yon, this is so unfair, tita mommy always remind me to do well for all things, but what he did....’- i was crying in front of my friends because that f*c*ing bone boy! alam kong matagal na yon pero yong mga pinag hirapan ko unti unti na ding nawawala dahil sa kanya, i can't believe this was happening to me...
‘Sa bagay, grabe naman yong mukong na yon sana malasin siya ng malala.’- inis na saad ni cathy.
‘Sabay sabay nating ipagdasal yan!!!’- sigaw ko naman
‘Umpisahan na!!!’- pagsang-ayon naman tanya.
‘O ama nawa'y malasahin yong hangal na lalaki na sumira ng aking buhay nang sa gano'y matutunan niyang maging matinong tao’- pag umpisa ko, sabaysabay naman nila akong sinundan kaya napuno ng ingay ang condo ko, limang ulit pa namin eyon sinabi nang biglang may kumatok sa aking pintoan, nagulat kami at dahil lasing kami akala namin isa itong multo na humihingi ng tulong kaya naman sabay sabay kaming napasigaw, natahimik lang kami nong biglang nagsalita yong taong kumakatok.
‘Tao po pulis po ito, maaari po bang buksan ninyo ang pintoan!’- tugon nong pulis kaya naman nagkapit kapit kaming anim at dahan dahang pumunta sa may pintoan at binuksan din ito ng dahan dahan.
‘Magandang gabi ho, inireklamo ho kayo ng kapit bahay niyo dahil sa ingay ninyo sa gitna ng gabi, ano ho ba ginagawa ninyo?’ - tanong samin ng pulis agad naman kaming napalunok dahil hindi na namin namalayang gabing gabi na pala at ang ingay ingay pa namin..
‘Ah ano ho kasi mamang pulis ahm.. gumagawa ho kasi kami ng presentation, d-diba girls?’- pagsisinungaling ni Alena
‘H-ha, ahh o-oo, oho ganon na nga ha ha ha’- pagsabay ko naman sa kasinungalingan ni alena, tumango tango naman agad yong mga girls.
‘What kind of presentation is that? e muka kayong nagreretwal sa loob!’- galit na tugon naman nong neighbor ko, sumang-ayon naman ang iba pang neighbors
‘Ah, hahaha, ano ba kayo kaunting ingay lang naman ho yon...’ - saad naman ni tanya
‘Anong kunti ka dyan, kanina pa kayong umaga maingay no, pinagbigyan lang namin kayo!’- saad ulit nong isang neighbor ko at lahat naman sumang-ayon ulit
‘Oh tama na yan, sumama nalang kayo sakin mga Miss, at doon na kayo sa prisinto magpaliwanag’- saad ni manong pulis na ngayo'y hinihila na 'ko.
‘Po?!’- gulat kong tanong pero hinila parin ako nito habang ako naman ay hinihila na din ang iba.
‘Sir baka naman po bigyan niyo kami ng chance, pangako po hindi na kami uulit sir...’- tugon naman ni angel, sumang-ayon naman kaming lahat.
‘Ah basta kailangan niyo sumama sakin’- saad ni manong pulis.
PRISINTO
‘Sir parang awa niyo na titigil na naman ho kami...’- pag pupumiglas ni cathy
‘Oo nga ho sir’- saad naman ni tanya
‘Pwede ho kayong magbayad ng multa ng sa ganon makalaya kayo, dahil sa dami niyong nadestorbo baka kasuhan pa kayo...’- saad nong chef officer
‘Magkano ho ba yong multa i'll pay it’- saad ko naman
‘5,000 po isa’ - sagot naman ni chef officer
‘Okay then, give me a second i'll call my assistant...’- tugon ko pa at saka tinawagan ang aking assistant. naghintay kami ng ilang minuto bago dumating ang assistant ko..
‘Ms. Lim!’- tawag sakin ng assistant ko, kaya agad ko itong nilapitan
‘ Janine, okay na ba?’- tanong ko sa kanya
‘Oho ma'am, ano ho ba nangyari?’- tanong nito na may pag-alala
‘Tsaka ko na ipapaliwanag sa ngayon, alis na muna tayo rito...’- saad ko at ganon na nga ang ginawa namin umalis na kami roon at umuwi na tsaka pinaliwanag kay Janine ang nagyari...
‘Wag mo na to ipaalam kay tita mom ha...’- tugon ko pa kay Janine dahil uuwi na ito
‘Opo, wag po kayong mag-alala..’- saad niya pa.
KINABUKASAN
Nagising ako sa malakas na tunog galing sa alarm clock, kaya dali dali akong bumangon at nag ayos para pumasok na sa office ko, at saka papasok sa klase i'm in 4th year college kaya naman kailangan ko pang pumasok, actually gagraduate na ko next year at hindi na ko makapaghintay..
‘Elli!!’– hindi ko na kailangan pa lumingon dahil kilala ko na yong boses ni dapney, lumapit ito sa akin at sumabay sa paglalakad
‘Oh bakit?’- wala sa mood na tanong ko, habang nakatingin pa din sa daanan
‘Ano ha, inom ulit tayo mamaya?’- masiglang tanong nito na para bang walang nangyari kagabi
‘Pass muna..’- saad ko, habang patuloy pa ring naglalakad
‘At bakit?’- tanong niya naman sa akin at humarang sa harapan ko.
‘Alam mo na kung bakit diba?’- saad ko at saka dumaan sa may tabi niya
‘Ayst, kalimutan mo na yong kagabi, no ka ba?’- humarang ulit siya sa daanan, at saka sinabi ang mga linya.
‘hayst ano ba tumigil ka nga...’- iritado kong sabi saka naglakad ulit.
tanaw ko na ang classroom ko pero hindi ko pa din magawang makarating doon dahil sa pagharang at pangungulit ni dapney, kaya naman nakatingin ako ngayon sa pinto ng classroom at iniisip kong pano ako makakapunta don at makakaiwas kay dapney. May naisip ako bigla kaya tumakbo ako ng mabilis ng hindi napapansin ni dapney at saka pumasok sa classroom..hingal akong umupo sa upuan ko dahil kay dapney hay, bwisit na babae yon ang kulit kulit.
Natapos ko na ang klase ko ngayong araw at ngayo'y nasa office ako at iniisip kung paano ko makakausap si Mr. Hermados. At dahil hindi naman ako bobo, naisip ko na magpa- appointment kay Mr. Hermados at doon ko siya kukulitin ng kukulitin hehe.
‘Janine!’- tawag ko sa assistant ko
‘Yes ma'am?’- hingal na tugon nito
‘Kailangan kong makausap si Mr. Hermados, sa madaling panahon...’- saad ko habang ang dalawang braso ay nakapatong sa mesa at ang ulo ko namay nakapatong sa aking mga kamay.
‘A-ahm, s-sige po...’-saad nito
Ilang saglit lang pumasok si Janine sa office ko
‘Maam hindi daw ho pwede...’- saad nito
‘A-ano? hindi pwede to, magpadala ka ng food sa office niya kahit ano...’- saad ko pa
Ilang sandali pa
‘Ayaw ho talaga maam’
‘Ah ganon ha, patigasan, sige okay lang...’
send watch
‘Hindi parin po’
ilang araw ko din siyang kinukulit pero ayaw niya pa din, pinadalhan ko na siya ng mamahaling pabango na gawa ko, yong bagong gawa ko lang ha, tapos yong pangatlong araw pinadalhan ko siya ng bagong vintage shoes, ayaw pa rin, pang-apat na araw, pinadalhan ko siya ng pinaka mahal na tuksido na galing France ayaw pa din. And this time gagawin ko ang lahat para lang hindi niya na ako tanggihan pa. (i make an evil smile when i think about my plan.)