CHAPTER 2

1 0 0
                                    

At dahil may naisip na akong plano, hindi ko na dapat pa ito pinapalampas. i decided to go to his office without his permission.

'Pero ma'am hindi ho talaga pwede pumasok, lalo na po kung walang permission ni sir jacob...'- pigil ng security guard sakin.

'Ano ba kuya, i told you, he knows me... so can you please let me in.'- iritado kong sabi.

'Sorry ho ma'am pero kung talagang kilala ka niya dapat po kanina niya po sinabing papasokin kayo, kanina pa po siya nakatingin sa inyo...'- saad pa nito

'Sorry what?? so all This time pinapanood niya lang ako???'- inis kong tanong.

'Opo ma'am, kaya kung ako po sa inyo umalis na ho kayo...'- tugon ulit ni kuyang guard.

'What the hell?' tugon ko sa sarili ko, hindi to pwede, kailangan kong mag wala ng magwala dito para hindi niya ko matiis.

'ho?'- tanong ni manong guard.

'Ah basta manong papasokin moko ngayon na.'- pagpupumilit ko pa.

'Hindi ho talaga pwede maam..'- saad niya pa.

'Manong guard naman, magkano ba sinasahod niya sayo i'll double it, just let me in.'- pangungumbensi ko pa.

'Talagang wala kang balak tumigil Ms. Lim, huh'- biglang singit ng isang pamilyar na boses kaya naman napatingin ako sa kanya ng naka ngiti.

'Oh... hi mr. tuazon...'- nakangiting bati ko, pero tinaasan lang ako nito ng kilay. 'It's been a while ha ha..'- dagdag ko pa.

'yeah.. what do you want?'- tanong nito habang pormal na nakatayo ngayon sa harapan ko.. may itsura si mr. tuazon at muka siyang kagalang galang, i think his 25 years old because he look so young tapos matangkad na matipuno kung titignan, maswerte girlfriend nito pogi e,masungit nga lang.

'Hmmm... you know what i want mr. tuazon...'- saad ko pa nang nakangiti.

'Follow me then...'- sabi pa nito at nag umpisa nang maglakad kaya naman sumunod na ko, at sinulyapan si kuyang guard ng nakangisi. nakasunod lang ako kay mr. tuazon hangang sa pumasok kami sa isang kwartong sa tingin ko office ni mr. jacob. pagpasok namin, bumungad samin ang isang lalaking nakatalikod sa amin ngayon at tila may pinagmamasdan sa ibaba ng office, kita kasi mula rito ang entrance ng kanyang kompanya.

'Sir jacob, nandito na ho siya...'- tugon ni mr. tuazon

'Paupuin mo na, at pwede ka nang lumabas.'- ang cold ng pagkakasabi niya, nakakatakot, pero i need to be brave enough and do my best to approve my proposal, hindi pwedeng masayang ang oras at paghihirap ko dahil lang sa natatakot ako. at ganon na nga ang ginawa ni mr. tuazon inalok niya akong umupo at saka umalis.

'Nakakabilib ka din ms. Lim..... handa mong gawin lahat.... para masurvive....'- huminto saglit at saka lumingon sakin.'Ang company mo...'- aaminin ko medyo kinakabahan ako sa kanya dahil sa buo nitong boses at napaka cold pa, pero kahit ganon napakaganda ng maaamo niyang mga muka at hindi mo aakalaing sa napakagwapo niyang muka, ay masungit pala.

'Kahit sino naman siguro kayang gawin, ang mga pinaggagawa ko ngayon.... maski ikaw... hindi ka naman siguro papayag malugi yong negosyong pinaghirapan mo?'- matapang kong sabi.

'Hmmm.. then why are you here?'- tanong nito.

'kaya ako nandito dahil gusto kong mag proposed ng panibagong product na paniguradong hinding hindi mo makakalimutan ang amoy at paniguradong magugustohan mo...'- saad ko.

'You don't need to make some proposal.... but... i have one condition...'- biglang tugon nito na ikinagulat ko. wtf is this really mr. hermados? totoo bang nangyayari to? no need a proposal?? pero teka ano naman kaya condition nito. napataas ang isang kilay ko sa naisip ko.

'What is that then?'- matapang kong tanong

'I want you to marry me.'- seryosong tugon nito at saka umupo sa wheelchair niya, habang ako napatayo bigla dahil sa hindi inaasahang tanong, at gosh nagawa niya pang ngumiti pagkatapos magsabi ng mga biro. wait is that a joke????

'Wag ka namang magbiro mr. herma-'

'Im not joking, I'm serious...'- bigla nitong putol sa habang nagsasalita ako.

'Sorry.. pero masyado pa akong bata para magpakasal.'- inis kong sabi.

'Kung ayaw mo, okay then I'll accept it, but... wag mong asahang tatanggapin ko ang proposal mo...'- nakangising tugon nito na tila ba nangangasar. kunot noo akong nakatingin sa kanya ngayon.

'Give me a days to think about it then.'- i calmly said it, dahil importante siya sa negosyo ko.

'Oh... sure...'- may ngiti sa mga labi nitong saad. agad ko namang kinuha ang bag ko at nagmadaling umalis, kunot noong naglalakad palabas ng office niya. and then i make my self calm. inhale... exhale... dalwang beses ko iyon ginawa bago tuloyang maglakad paalis ng company niya. padabog akong pumasok sa loob ng kotse.

'Ano ba naman tong napasok ko!!!'- pasigaw kong sabi sabay damog sa loob ng kotse ko. 'kainis talaga!!!' naiiyak nako sa inis.

Dali dali ko nalang pinaandar ang kotse ko at nagtungo sa paborito kong lugar kung saan kitang kita ang lungsod ng rizal, walang nagpupuntang tao dito, at kakaalam ko lang sa lugar na to nong mga panahong napuno ako ng problema at halos lahat ng problema ng pamilya'y nasalo ko, hiwalay ang parents ko at pinipilit nalang nila ang sariling magsama dahil saming magkakapatid. Sobrang malaking pasasalamat ko kay tita mommy simula nang makilala ko siya, natutunan kong maging matapang at dumeskarte. at si tita mommy din ang dahilan kung bakit ako nakapag tayo ng sariling negosyo kahit mahirap lang ako noon. kaya naman ayaw ko madesmaya siya sakin at masayang yong mga pinaghirapan namin. naiiyak nalang ako habang pinagmamasdan ang sikat ng araw, may mga puno rito kaya hindi ganon ka init.

Nagiisip ako ngayon kung ano dapat kung gawin, at pano ko ito masusolusyonan, sa dinami dami ba naman kasing tao sa mundong to ako pa ang napunta sa sitwasyon nato. pano ko kaya ito sasabihin sa parents ko? lalo na kay tita mommy. gwapo naman si mr. hermados pero kasi, hindi ko naman pinangarap ang mag asawa ng hindi ko pa ganon kakilala, at tsaka pangatlong beses palang namin na pag kikita tapos kasal ang ibubungad niya, nahihibang na ba siya, ni hindi niya pa ako kilala atsaka ang bata ko pa kaya, look nasa fourth year college palang ako at madami pa akong plano sa sarili. pagkatapos ko mag muni muni naisipan ko nang pumunta sa bahay ni angel, dahil nandon silang lahat ngayon.

'Oh sis...'- bungad sakin ni angel nong pagkapasok ko sa bahay niya.

'hi angel, iinom ba tayo ngayon?'- matamlay kong sabi.

'Ikaw kung gusto mo, pero teka nga bat ka matamlay ngayon?'- tanong ni angel na may bakas ng pag alala.

'oo nga'- sang-ayon naman ng iba.

'mahabang kwento...'- tugon ko pa.

'Share mo yan girl..'- tugon ni dapney

at kwento ko na nga sa kanila yong mga nangyari ngayong araw.

WHEN YOU COME TO MY LIFEWhere stories live. Discover now