Prologue

10 0 0
                                    

"Hala! Bakit ganto?"


nahihilo na ako, ba't parang umiikot yung buong paligid? nagdidiliryo na ba ako? teka, ano ba pinagkaiba nung nagdidiliryo sa nahihilo? anlabo eh. ayst bahala na nga.


"ganyan talaga! humiling ka eh."


teka? may iba pa bang taong parang katulad ko ngayon? at anong sinasabi nyang humiling ako? well oo humiling lang naman akong mayaman ako. jusq ano naman konek non? paki explain nga miss labyu.


"Teka? sino ka? anong konek ng paghiling ko sa pagdidiliryo ko aber?!?" tanong ko sa kanya, hindi ko sya nakikita pero feeling ko kasama ko syang nahihilo ngayon. mas masaya siguro yun di lang ako nakakaranas netong paghihirap na to. damay damay na! sakit sa ulo eh.


"sooner or later, you will know the truth." sabi naman nya.


anong 'you will know the truth ' pauso neto? ayaw na lang sabihin para happy na tayong lahat diba?


unti unti ng lumiliwanag yung paligid, the next thing i knew is naka-higa na ako sa matigas at makating kahoy.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon