C-1

15 1 0
                                    

habang nagsusulat ako sa wish list ko, naisip ko, posible kaya na yumaman ako? posible kaya na mas gumanda ako? posible kayang maging famous ako? tsk. my life sucks! i hate it. buti pa yung mga campus crush samin, habang naglalakad sila, tabihan mga student. pwede kaya kahit isang araw lang mangyare saken? yung ma-feel ko nman na special ako. sawang sawa na kasi ako sa paulit ulit na nangyayare sa buhay ko.


narinig ko naman yung mga yabag ng paa ni mama na papunta sa kwarto ko.


"Zhey, bumaba ka na at kakain na tayo."


"opo ma, susunod na po." umalis na si mama habang ako naman tinago sa drawer yung notebook na pinagsusulatan ko ng mga wish ko. Hindi naman kami ganoong kahirap, kaso may time lang talaga na kapos kami kaya hinihiling ko yung mga bagay na yun.


Ako nga pala si Sazhey Dee, 15 yrs old, nakatira sa bahay. (bakit totoo naman?) di ko alam kung bakit ganyan apilyedo ko eh, baka naman may lahi ako? ewan. wala na din akong pakelam kasi mukhang wala namang planong sabihin sakin ni mama yun. mag-isa lang kaming tinaguyod ni mama. 2 kaming magkapatid si Shaile naman yung isa. at wala na din akong pakelam sa tatay ko, kung sino man syang damuho sya sana di na sya nage-exist sa panahon ngayon.


Bumaba na ako para kumain ng hapunan, pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng plato at natulog na.


~kinabukasan~


naglalakad ako ngayon para sunduin ang bespren kong si Gil, walngyang yun eh! ako tong babae tapos ako pa tong susundo sa kanya! kung bakit kasi naging bakla tong animal na to eh. pogi pa naman.


"Gil! tara na male-late na tayo!" sigaw ko sa labas ng pintuan nila.


"Oo wait lang ateng! Kukunin ko lang ang aking borloloys. chareng!"


"Basta bilisan mo na!" sigaw ko ulit


malelate na kaya kami! 7:55 na oh! 5min na lang di na kami papapasukin ng guard sa lintik na school na yun! kala mo ang ganda ng turo pwe.


Maya maya lumabas na din si Gil at tinakbo na namin ang way papuntang school kasi nilalakad lang namin yun kasi malapit naman saaming kabahayan. pero ngayon tinatakbo na namin kasi malayo pa kami sa school piste! ang gulo. basta pupunta na kaming school.


"Ateng wait lang! reretouch lang ako, paano ba naman di pa tayo nakakatapak sa school haggard na tayo kakatakbo!"


Jusko! ngayon nya pa ba naisipan mag retouch? kung kelan late na kami? minsan napapaisip din ako bakit kaya kami naging close nito?


"Hoy Giltoto! late na tayo magme-make up ka pa?"


tapos tinakpan nya yung bibig ko, anak ng! may sinabi ba akong masama?


"Hmpfpfp@#%@&^#$ naku naku naku zheynaya! bakit mo ba ako tinatawag sa buo kong name? ambaho baho kaya non! kainis ka naman! bestfriend ba talaga kita ha?" inis na sabi nya sakin, wow sya pa nagalit? imba talaga tong si giltoto alarkon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon