Chapter 1: Bakit?

56 4 0
                                    


Bakit?


[Tamara's POV]

Nandito ako ngayon sa kwarto ni jake. May project kasi kami hindi ito group project pero dahil mag kababata kami ni Jake sabay kaming gagawa. By the way magpapakilala muna ako. Ako si Tamara Chua, 1st Year College, ipapakilala ko nadin sainyo ang best friend ko, siya si Jake Lee, classmate ko sya at childhood friend nadin tulad nang mga parents ko. Mahal ko ang bestfriend ko na hingit pa sa isang kaibigan, mahal ko sya simula 1st year palang kami hanggang ngayon mahal ko parin siya at hanggang ngayon din hindi pa nya alam na may gusto ako sakanya.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa non ang yaya nila jake at may dala itong pagkain. Ang pagkain na favorite naming dalawa.

"sir? ma'am? Eto na po ung favorite niyong mocha cake."
pagbungad ni manang rose.

"salamat manang. At manang  wag mo na akong tawaging sir,  jake nalang nalang po at wag niyo na din po kayong magpa po sakin."

"Sige sir este jake. sige po aalis na ako sir - este jake"

"manang!! Sabing wag ho niyo akong tawaging sir at wag na din ho kayong magpa po sakin"

"sige jake"

Yan ding ang nagustuhan ko kay jake ea. Kahit na mayaman down to earth parin at parang pamilya narin niya ang mga kasama nila sa bahay. Hayyyy. Ang bait talaga niya.

Pagkalabas ni manang sa kwarto ni jake kinain na namin ung dala nyang mocha cake at juice. Ang sarap talaga.

Hindi ko agad napansin na nakatitig pala sakin si jake.

"Jake? B-bakit mo ako tinititigan? May dumi ba ako?"

Lumapit sakin si Jake at nilapat niya ang daliri niya sa gilid nang labi ko. Nataranta ako kaya medyo na concious ako.

"bakit hindi mo naman sinabi sana ako nalang ang nagtangal"

"wala na natangal kona ea."

Dahi naconcious ako hindi kona tinapos ung kinakain ko at hindi nalang ako nagsalita.

Napuno nang katahimikan ang loob nang kwarto ni jake. Halos 10 minuto kaming hindi nagsasalita. Nang biglang basagin ni jake ang katahimikan.

"bestfriend! May sasabihin ako!" halatang masaya siya.

"ano yon?"

"Tam? Kami na ni Kaye!" masayang sabi ni jake.

"huh? k-kelan pa?" may pagkabigla at halong lungkot na saad ko.

"ayos kalang tam? Parang hindi ka masaya?"

"h--hindi! Masaya ako. Congratulation nga pala sainyo. M-masaya ako para sainyo."

"salamat best friend"

"best friend, una nako. Sumakit ulo ko ea. " hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at talikod nako dahil alam kong hindi ko na mapipigilan ang mga luha kong unti - unti nang pumamatak. Tumakbo nako para hindi nya makita ang mga luha ko.

Bakit ang bilis naman? Ang alam ko 1 week palang silang magkakilala ni kaye ea. Bakit ang bilis? Bakit ang bilis nyang magkagusto kay Kaye samantalang ako bata palang kami magkasama na hindi niya ako kayang mahalin na hingit pa sa isang kaibigan? Ang sakit! Bakit hindi niya ako kayang mahalin tulad nang pagmamahal niya kay kate? May kulang ba sakin? May kung anong meron ba sakanya na wala sakin? Ng bang kulang? Bakit hindi nya ako kayang mahalin na hingit pa sa isang kaibigan? 

Bakit?


Itutuloy.............

Best Friend, Mahal Kita. (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon