Chapter 5: Kiss

39 4 0
                                    

Chapter 5: Kiss



Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko. Ang sakit naman nito.

Agad kong pinunasan ang mga butil nang luha na patuloy sa pag agos. Tumalikod nako sakanila at tuloy tuloy nang naglakad papalayo. Ayaw parin tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Ganito na ba ako nasasaktan at kahit anong gawin ko ayaw tumigil ng mga luha ko?

Pumunta ako sa may park kung saan laging kaming nagbobonding ni jake. Umupo ako sa isang swing, kaunti lang ang nga tao sa parte na ito. Duon ako umiyak nang umiyak. Dati kapag umiiyak ako nandito si jake para patahanin ako, nandito siya sa tabi ko at sasabihing magiging maayos ang lahat, nandito lang ako sa tabi mo, kung kailangan moko nandito ako para tulungan ka. At siya pa yung grabe magalit sa mga nagpapaiyak saakin. Pero eto ngayon, siya  yung dahilan kung bakit ako nasasaktan kung bakit ako umiiyak. Ang sakit lang isipin na yung dating nagpapatahan saakin ay siya yung iniiyakan ko ngayon.

"Sana jake nandito ka sa tabi ko at sasabihing mawawala din tong sakit. Magiging masaya din ako. Pero wala eh. Nasa tabi kaniya, nang taong mahal mo. Alam moba gusto kong maging masaya dahil masaya ka. Pero hindi ko kaya eh, hindi ko kayang maging masaya dahil hinihiling ko na sana ako yung mahal mo, na sana ako yung kasama mo ngayon, na sana ako yung dahil nang bawat tawa at ngiti mo pero hindi eh. Ang hirap naman maging isang hamak na best friend lang. Ang hirap naman na mahalin mo ang taong kaibigan lang ang turing sayo. Gusto ko nang kalimutan ka. Gusto ko nang maging masaya. Gusto ko nang makawala sa sakit na'to. Gusto ko nang kalimutan ang mararamdaman ko sayo. Sana ganon lang kadali na sa oras na naiyak mo na mawawala na yung sakit. Mawawala na yung inggit. Oo naiingit ako. Naiinggit ako sakanya. Kasi siya mahal mo, ako isang hamak na best Friend mo lang." Mahinang sabi ko habang patuloy pati sa pagagos ang mga luha ko. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Gusto kong iiyak lahat para kahit kaunti man lang mawala yung sakit na nararamdaman ko. Patuloy parin ako sa pagiyak. Humagulgol nako dahil gusto kong ilabas lahat nang sakit.

Bigla akong napatigin sa pagiyak nang may makita akong mga paa sa harap ko, inangat ko ang tingin ko at nakita ko siya...... Si Travis.

Bigla niya akong hinigit patayo, nakita ko nalang akong sarili na nasa bisig niya. Nabigla ako sa ginawa niyang pagyakap sakin.

"Ang ingay mo naman!!" Nakasimangot na saad niya.

"Ewan ko sayo!! Bitawan mo nga ako!"

"Tss. Iiyak mona lahat, ilabas mo lahat nang sakit." Naging seryoso siya.

" ayoko! Uuwi nako!" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin.

"Dali na. Iiyak mo na lahat, nandito ako hindi man ako marunong magbigay nang payo pero nandito ako para pakinggan ka." Sincere niyang sabi.

Hindi ko na napigilan humagulgol na din ako nang iyak habang nakayakap ako sakanya. Naramdaman kong hinahagod niya akong likod ko. Ilang sandali lang medyo gumagaan na ang loob ko. Doon nako nagsimulang magopen sakanya.

"Ang sakit pala no? Ang sakit na yung taong mahal mo kaibigan lang ang turing sayo. Yung pinipilit mong maging masaya para sakanya pero hindi mo kaya kasi umaasa ka na sana ikaw nalang yung mahal niya. Yung umaasa ka na sana mahalin ka niya na higit pa sa isang kaibigan?" Paguumpisa ko sakanya.

"Ganyan talaga, pagnagmahal ka siguradong masasaktan ka kasi kung hindi ka nasasaktan hindi ka totoong nagmamahal." Seryoso niyang tugon.

"Gagu! NapakaHugot mo!" Binakutan ko siya sabay tawa nang tawa.

"Tss. Stupid! I'm here to comfort you and now you making fun of me?!" Kunot noo niyang sabi.

"Oh I'm so Sorry mister." Natatawang sagot ko.

Bigla niya ulit akong hinigit at niyakap nang mahigpit.

"Be thankful because i like you." Bulong niya.

"H-ha? Anong sinabi mo?" Pagtatanong ko. Gusto ko lang marinig ulit yung sinabi niya. Bala nagkamali lang ako nang rinig.

" ah nothing, don't mind it." Then he touches my face and kiss me in my forehead.  Pinikit ko ang mata ko dinaramdam ang paghalik niya saakin.

"I think, nagustuhan mo May papikit pikit kapang nalalaman!" Natatawang puna niya.
Naramdaman kong uminit ang mukaha ko dahil sa hiya!

"Gagu! Uuwi nako!"


To be continued..........

Best Friend, Mahal Kita. (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon