Chapter 3: Panaginip
Tamara's POV
Lumipas ang mga araw. ang sakit palang magkagusto sa taong kaibigan lang ang turing sayo.
Masakit umasa na sana mahalin ka din niya, na sana mabigay niya yung pagmamahal na gusto mo. Pero sabi nga ni kharrie may mga bagay na kahit gusto mo hindi mo makukuha.
Ang hirap pala, ang hirap palang magpanggap na masaya ka para sakanila, na kaya mong gawin lahat para sakanila. Nakakabaliw. Pero wala naman akong magagawa eh. Mahal ko siya, pero hindi na niya ako mahal.
Kelan kaya yung panahon na sana mahalin ako ng taong mahal? Napakaunfair naman nang buhay! Kelang yung panahon na dapat kung may nagmamahal sayo mahalin mo din! Grrrr. -.-
"hoy! Nakatunganga ka diyan!" - jake
"Hmmm. Wala may iniisip lang"
"Ah. Tamara? Favor naman oh!"
"Ano yun? Bilisan mo marami pa akong ginagawa!"
"Sungit! PMS? Hahahahahahahahahaha. *poke* bakit ka nambabatok?!"
" Gago ka pala eh! Pinagtatawanan mo ako tapos tinatanong mo kung bakit kita binatok?! Sinasaktan mo na nga ako. Pinagtatawanan mo pa ako."
"Ha? Paanong sinasaktan?"
Od*mn! Ang tanga ko! Bakit ko nasabi yon? Lupa kainin mo ko! Bumuka ka kainin mo ko! Grabe nakakahiya! >.<
"Ahhh wala! Aalis nako may gagawin pa'ko! Bye jake! Ingat! " at dali dali akong umalis. Nakakahiya! Ang tanga tanga mo tamara! Wala akong ibang ginawa kundi kumakbo. Magnakakabungo na ako pero tuloy parin ako sa pagtakbo. Grabe hindi ako makaget over sa katangahang ginawa ko. -.- sa sobrang pagmamadali ko bigla akong natumba.
*boink* *boink* *boink*
(Low quality ang sound effect. Peace! ✌🏻)"HEYY!! TIGNAN MO NGA GHNG DINADAANAN MO!! ANG LAMPA LAMPA MO!!" - unknown creature
" Wow! Nahiya naman daw ako sayo! Kung hindi ka rin tatanga tanga satingin mo ba mabubungo ka?! Ang kapal naman niyang mukha mo!!"
"Tss! Stupid!"
Bigla siyang tumayo at naglakad palayo
"Hoy!! Mister!! Hindi mo man lang ako tutulungan?! Ang Gentleman mo naman!"
Tinignan lang niya ako with his serious expression at nag lakad parin siya papalayo
"SALAMAT HA! NAPAKAGENTLEMAN MO TALAGA!! NICE MEETING YOU!!" Sarcastic na sigaw ko.
Nakakabadtrip naman yun! Napaka niya!! Hassst!!
-*-
*kriiiiing*
Hay. Buti nalang agad natapos ang araw na ito. Ang boring kaya! After that sinasaktan and bungguan scenario. Wala nang ibang nangyari. Pero hindi ko parin makakalimutan yung lalaking yon! NapakaArogante niya!
Nagmadali akong lumabas ng classroom. Sa dalawang rason, una dahil gusto ko nang umuwi! Inaantok nako! Ant PANGALAWA, ayokong makita si jake! Nahihiya parin ako sa sinabi ko! Ang tanga naman kasi eh.
Nakarating ako nang matiwasay sa aming mumunting tahanan. (Wow lalim nang tagalog ha!)
Pumasok na ako sa aming bahay. Hayyy. Nakakapagod ang araw na ito. Agad akong pumunta sa ating kwarto at humilata sa kama.
_*_
"Tamara? Mahal kita, mahal na mahal kita." - jake
"*sobs* alam moba jake ang tagal kong hiniling yan, Hiniling na sana mahalin mo ako higit pa sa isang kaibigan. Alam mo ba ang sarap palang mahalin nang taong mahal mo no? Yung walang salitang makakapantay sa sayang nararamdaman mo dahil yung mahal mo, mahal ka din. Jake, salamat ha? Salamat dahil mahal mo din ako. Mahal na mahal din kita jake. Matagal na. "
"Shhh. Wag kanang umiyak. Nandito lang ako. Aalagaan kita, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang." Nasa pisngi ko parin ang mga kamay niya na nagtatanggal nang mga luha ko. Luha na dahil sa saya, saya dahil mahal ako nang taong mahal ko.
Tinitignan niya ako sa aking mga mata. Hindi parin natatangal ang mga kamay niya sa aking mukha. Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan ba niya ako? Sh*t hindi ako handa! Naglapat ang mga labi namin. The kiss was slow and passionate. Mararamdaman mo yung pagmamahal niya sayo. Nakapikit parin ako. Dinadamdam ang labi niya sa labi ko. Bigla na naman tumulo ang mga luha ko dahil sa sobrang galak.
_*_
*kriingg* *kriingg* (alarm clock sound effect)
Bigla akong nagising dahil sa ingay mula sa alarm clock ko.
Doon kolang narealize na panaginip lang pala.
Panaginip lang pala. Panaginip na hihiling ko na sana maging totoo nalang. Na sana sabihin niyang mahal niya talaga ako. Na sana ako yung niyayakap niya at hinahalikan. Ang sarap isipin pero alam kong imposible. Imposibleng mahalin ako ni jake.
Tumulo ang mga luha ko. Luha bunga nang sakit at hinagpis. Sana hindi nalang pala ako nagising. Tama nga sila minsan ang sarap takasan ng realidad. Realidad na punong puno nang sakit at kalung kutan.
To be continued.....
Note:
I hope you leave a comment. Anong masasabi niyo?. Good or Violent reaction is acceptable. So, comment to express your thoughts.