NAMILOG ang mga mata ni Charley nang makita niya ang kabuuan ng Prince Hotel kung saan siya mananatili ng dalawang araw. It was magnificent! No, kulang pa ang salitang 'yon para ilarawan kung gaano 'yon kagarbo at kaganda! Palibhasa hindi siya gaanong naglalalabas ng bahay, kaya bihira siya makakita nang ganito kalaki at kagandang hotel. Mabilis siyang pumasok sa loob, mas lalo siyang napanganga nang makita ang loob.
"Yes ma'am, may I help you?" anang isang nakangiting babaeng nasa front desk.
Mabilis siyang lumapit dito para ipakita dito ang Hotel card na ibinigay sa kanya ni Sher last week. Kinuha naman agad 'yon ng babae saka tinignan.
"Ang sabi po ng Kuya at ng sister-in law ko, ipakita ko lang daw po ang hotel card na ito." nakangiting sabi niya.
Ngumiti naman ang babae sa kanya. "Opo ma'am, ang card po na ito ay isang priviledge card na kung saan maaari kayong manatili sa hotel na ito ng dalawang araw—for free."
Nanlaki ang mga mata niya, totoo nga! "Wow!" amazed niyang sabi.
"Kapatid po kayo ni Lyndon delos Santos?" tanong ng babae.
Tumango siya. "Paano niyo po nalaman?" nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ang babae sa kanya. "Ako po si Flordeliza, kaklase ni Sher no'ng college at ipinakilala niya kami ni Don sa isa't isa. Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Charley. Ipinakiusap ka sa akin ni Sher. Ang totoo niyan, siya ang nanalo ng priviledge card na ito, na ipinasa sa pangalan mo." Nakangiting imporma ng babae, tumango-tango naman siya. Saglit pa itong may ipinaliwanag sa kanya bago ito tumawag ng bellboy na magdadala ng gamit niya papunta sa kanyang designated room.
"Salamat." Nakangiting sabi niya sa babae, bago siya tuluyang nagpa-assist sa bellboy na tinawag ng babae.
Sa fourth floor matatagpuan ang kanyang kuwartong tutuluyan. Hiniram saglit ng bellboy ang keycard na hawak niya—na ibinigay sa kanya ng babae kanina sa front desk—saka nito ipinasok sa automated door at agad namang bumukas.
Mabilis nang ipinasok ng bellboy ang malaking backpack niya sa loob ng kuwarto—mukhang wala pa itong balak umalis kung hindi pa niya ito nginitian at pinasalamatan, bago isinara ang pintuan. At tutal maaga pa naman at mamayang gabi pa ang concert, magpapakasaya na muna siya doon.
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kanyang kuwarto—it's really so breathtaking; napakalinis, napakaayos, napakabango—isang ideal room na nalalayo sa kanyang magulong kuwarto. Pagkatapos niyang pagsawain ang kanyang mga mata sa pagmamasid sa buong kapaligiran ng kuwarto ay masaya niyang nilundag ang kanyang malambot na king size bed saka itinalbog-talbog ang kanyang katawan doon—hanggang sa mahulog siya sa carpeted floor.
"Aray!" daing niya, sabay hawak ng kanyang tumamang likuran. Pero imbes na tumayo siya ay nagpagulong-gulong pa siya sa carpeted floor. Ang saya-saya niya!
Natigil lang siya sakanyang pagsasaya nang biglang tumunog ang doorbell sa harapan ng kanyang pintuan. Mabilis siyang tumayo para pagbuksan kung sinuman 'yon at nabungaran niya ang isang babaeng may tulak na cart, na naglalaman ng mga pagkain.
"Good day ma'am, morning snack po." Nakangiting imporma nito.
Biglang nagningning ang kanyang mga mata. "T-Talaga po bang may free delivery kayo ng food sa Hotel na 'to?" hindi niya mapigilang tanong, niluwangan niya ang pagkakabukas ng pintuan para maipasok ng babae ang dala nitong cart na may mga pagkain.
Nakita niyang ngumiti ang babae. Saka nito inilapag ang mga dala nitong pagkain sa dining area niya. "Isa po kasi kayo sa mga VIP guests namin."
"Ako? VIP?" nagulat na tanong niya. Tumango ito bago magalang na nagpaalam sa kanya. Well, napangiti na lang siya.
BINABASA MO ANG
Strange Thing Called LOVE #Wattys2016
Humor"Sa de lata nga walang forever, sa tao pa kaya. At sa fairy tale story na lang may forever." Para kay Charley, hindi nag-e-esxist sa kanya ang salitang forever, dahil nabura na 'yon sa kanyang bokabularyo. Pero paano nga kaya kung ma-meet niya ang g...