Fifteen years later...
"THE END!"
Nag-inat ng mga braso at matagal na napahikab si Charley pagkatapos niyang i-save ang kanyang sinulat na story bago tuluyang i-turn off si taptap—ang pangalan ng kanyang black laptop, saka inayos ang kanyang suot na makapal na eyeglasses. Pagkatapos ng ilang linggong pakikibaka ni Charley, naitumba din niya ang ika-10th manuscript niya para sa taong ito.
May dalawang taon na siyang nagsusulat ng mga nobela at nagpapasa sa iba't ibang mga publishing house sa bansa, ngunit ni isang manuscript ay wala pang pumapasa sa panlasa ng mga nagiging editors niya. Ngunit ni minsan ay hindi siya nawalan ng pag-asa; dahil habang may buhay—may pag-asa!
She had a great and crazy time while writing her novel entitled 'The Cursed Badboy'. Natuwa siya sa mga characters na naging bida niya sa story. Perhaps, she is the only writer who never believes in what they called "Happily-ever-after" and "Forever". Kaya naman hindi niya nagagawang lagyan ng happy ending ang kanyang nobela—na rason ng pagkakaroon niya ng mga returned manuscripts.
Pagkatapos niyang ma-proofread at ma-edit ang kanyang nobela, plano niyang i-post 'yon sa Wattpad—isang writing community, kung saan maaaring mag-post ng stories, articles, fan fictions at iba pa.
Ang mga wattpad users naman ay maaaring basahin 'yon, mag-post ng kanilang mga comments at mag-like ng mga stories o sumali sa mga groups na associated doon. First time niyang magpo-post ng story doon, since kagagawa lang niya ng wattpad account niya, na-curious lang siya kung bakit karamihan sa mga kabataan ngayon ay naadik doon.
Hindi pa naman masasabing matanda na siya sa edad niyang twenty three para hindi maging "in" sa mga kaganapan sa mundo.
Graduate siya ng BS Biology sa isang kilalang University sa States may dalawang taon nang nakakaraan. Pinangarap ng mga magulang niya na maging Doctor siya na sunod sa yapak ng kanyang Mommy, ngunit wala ang puso niya doon—dahil simula pa no'ng nasa high school siya ay mahilig na siyang magsulat ng mga nobela na iba't ibang genre—pero mas gusto niyang isinusulat ang mga tragic love stories. She also dreamt of becoming a scriptwriter in a movie.
Ang Mommy niya ay isang Cardiologist sa isang private hospital sa States at may fourteen years na rin ito doon ngayon. Isinama sila ng Kuya Don niya sa States nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang. Sa States na rin nila itinuloy ng Kuya niya ang kanilang pag-aaral, hanggang sa makapag-graduate sila at napag-desisyonang muling bumalik sa bansa, sa dating tahanan nila, na naiwan sa pangangalaga ng isang naupahang caretaker.
Ang kanyang Daddy naman ay isang Engineer sa isang malaking construction firm sa Middle East. Hindi naman nawawala ang komunikasyon nilang magkapatid sa kanilang mga magulang at malapit pa rin naman sila sa isa't isa, ngunit nawalan na ng komunikasyon ang mga magulang nila sa isa't isa.
Kung sana ay maaari pang ibalik ang kahapon. Sinubukan din naman noong makipag-usap ng Daddy sa Mommy niya, pero huli na daw ang lahat ayon sa Mommy niya at nakasara na daw ang puso nito sa posibilidad nang pagbabalikan ng mga ito. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung ano ang puno at dulo nang pagkakahiwalay ng mga ito, walang sinuman sa pamilya nila ang nagsasabi sa kanya nang katotohanan.
Wala siyang social o love life dahil nakakulong lang siya sa kanilang malaki at mapayapang tahanan—na malayo sa ingay ng mga tao at polusyon. Napapaligiran ang tahanan nila nang mayayabong na halaman at mga puno sa paligid na siyang nagbibigay nang preskong hangin, para siyang nasa isang mala-paraisong lugar. Kaya hindi niya kayang umalis doon dahil bukod sa alaala ng kanilang pamilya, masarap din ang pakiramdam na manatili doon, kasama sina taptap ang kanyang laptop at si Dyesebel, ang kanyang alagang goldfish. At heto nga, nakatapos uli siya ng isang story sa taong ito.
BINABASA MO ANG
Strange Thing Called LOVE #Wattys2016
Humor"Sa de lata nga walang forever, sa tao pa kaya. At sa fairy tale story na lang may forever." Para kay Charley, hindi nag-e-esxist sa kanya ang salitang forever, dahil nabura na 'yon sa kanyang bokabularyo. Pero paano nga kaya kung ma-meet niya ang g...