HINDI matanggal ang ngiti sa mga labi ni Charley habang inaalala niya ang naganap na concert ng Side A band sa MOA Arena nang nakaraang gabi. It was a superb and very blissful show, indeed. Sobrang nag-enjoy siya at ang iba pang mga fans na dumalo, nakisabay din siya nang buong puso sa pag-awit ni Joey G. ng mga kantang pinasikat ng mga ito, kahit halos lumabas-labas na ang ugat sa kanyang leeg dahil sa halos pasigaw niyang pagkanta.
Parang panaginip ang lahat, feeling niya ay nasa cloud nine pa rin siya dahil sa sayang nararamdaman niya, parang bumalik muli ang lahat sa kanyang pagkabata nang marinig niya ang mga kanta ng Side A—na madalas niya noong napapakinggang pinapakinggan ng kanyang mga magulang.
Kababalik lang niya sa kanyang totoong mundo—sa kanyang bahay. Napagod siya nang husto pero worth it dahil sa magandang experience na 'yon. Mabilis na niyang pinihit pabukas ang door knob, alam kasi niyang nasa loob lang ang Kuya at ang hipag niya dahil ang mga ito ang nagbabantay ng bahay. Pero nagtaka siya dahil naka-lock 'yon. Mabilis niyang kinapa sa backpack ang kanyang spare key, saka binuksan ang pintuan.
At ganoon na lang ang gulat niya nang makita niyang ibang-iba na ang ayos nang loob ng bahay niya. Halos masilaw siya sa sobrang linis at ayos ng bahay niya, bago ang mga sofa, flower vase, paintings at lahat-lahat ng mga naroon. Lumabas uli siya ng pintuan para tingnan kung tama ba siya ng bahay na pinasukan. Pero imposible naman kasing magkamali siya dahil nag-iisang lang ang nakatayong bahay sa lugar na 'yon, na malayo sa kabihasnan. Hindi kaya surpresa na naman ito ng Kuya niya sa kanya? Ang bilhan siya ng mga bagong kagamitan sa bahay niya? Napangiti na siya bago muling pumasok sa loob ng bahay.
Ngunit napatalon siya sa gulat nang biglang may magsalita sa kanyang likuran na mabilis niyang nilingon, isang naka-formal attire at nakasalamin na babaeng naka-buns ang buhok na marahil nasa lagpas thirty na ang edad.
"Sino ka?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
Napakamot siya ng ulo. "Ako po si Charley Rain delos Santos, ang may ari ng bahay na ito. Kayo po, sino kayo?" nagtataka ring tanong niya.
Hindi naman siguro nila ito kamag-anak, dahil hindi pa niya ito nakikita kahit kailan. At sa pagkakaalam niya, ang mga kamag-anak sa side ng Mommy niya ay nakatira na lahat sa North America at ang pamilya naman ng Daddy niya ay nasa ibang bansa rin. Kaya sino itong babaeng nasa harapan niya?
Hindi kaya magnanakaw ito—nakasuot ng formal attire? "Teka, trespassing po ang pagpasok niyo sa bahay nang may bahay." aniya.
Ngunit ni wala man lang siyang nakitang takot sa matapang na mukha ng babae. "I'm not a trespasser, baka ikaw." Ganti nito. Para itong si Miss Minchin sa gawi nang pananalita at mukha nito, na tinutukoy ang isang karakter sa Princess Sarah.
"Hindi po! Ako po ang may-ari ng bahay na ito, kayo po... sino kayo?"
"Ako si Mitchy." Pagpapakilala ng babae sa sarili nito. "Kung ikaw ang may-ari ng bahay na ito., hindi mo ba alam na nabili na ang bahay na ito nang bagong may-ari, last week? Kung ayaw mong maniwala, ipapakita ko sa 'yo ang mga dokumento at mga papeles na pinirmahan niya."
Mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata. "Nabili ang bahay na ito nang bagong may-ari? E hindi naman po for sale ang bahay na 'to ah." paliwanag niya.
"Sorry to tell you this Miss, but this house has already been sold by Lyndon delos Santos."
Nalaglag ang kanyang panga sa pagkakarinig sa sinabi ng babae, saglit siyang natigilan. "Sandali lang po, para malinawan tayong dalawa, kailangan ko pong makita at makausap ang kapatid ko." Aniya. "Kuya Don, nasaan ka?" sigaw niya sa buong kabahayan. Pero walang Don na sumasagot sa kanya. Nagsimula na siyang dagsain nang maraming kaba. Talaga nga bang ipinagbili ng Kuya niya ang bahay nilang ito? Hindi siya naniniwala. "Sandali po, tatawagan ko lang po siya." Mabilis niyang inilabas ang kanyang cell phone para tawagan ang kapatid, ngunit hindi niya ito matawagan. Hindi na niya alam ang gagawin niya! "M-Maaari ko po bang makita ang mga dokumento at mga papeles na sinasabi niyo." Kinakabahang sabi niya. Umaasa siyang sana ay hindi totoo ang sinasabi ng babaeng kaharap niya, kung hindi ay baka makalbo niya ang Kuya niya kapag nagkita sila.
BINABASA MO ANG
Strange Thing Called LOVE #Wattys2016
Humor"Sa de lata nga walang forever, sa tao pa kaya. At sa fairy tale story na lang may forever." Para kay Charley, hindi nag-e-esxist sa kanya ang salitang forever, dahil nabura na 'yon sa kanyang bokabularyo. Pero paano nga kaya kung ma-meet niya ang g...