NAPAKURAP-KURAP si Charley habang kinikilala ang lugar kung nasaan siya. It looks familiar. Hanggang sa ma-realize din niyang nasa loob siya ng maid's quarter.
"Mukhang gising ka na." Napapitlag nang biglang may nagsalita sa kanyang paanan—si Miss Mitchy!
Tumango-tango siya sa babae saka muling inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Ang huling pagkakatanda niya ay nagtayo siya ng tent sa bakuran ng bahay kagabi, para doon muna mamalagi nang pansamantala. "Ano pong ginagawa ko dito?" aniya. Saka siya dahan-dahang naupo sa kama.
"Ang taas ng lagnat mo kaninang umaga, kaya dinala ka ni Train dito sa kuwarto." Napatingin siya sa wall clock—alas nuwebe na ng gabi. Naaalala nga niyang inaapoy siya ng lagnat kagabi. Teka, dinala daw siya nino?
"Si Train po?" nagtatakang tanong niya.
Tumango-tango ang babae. "Ngapala, kumain ka na muna bago ka uminom nitong gamot." Anito, na inilapag ang tray na may mainit-init pang sopas.
Hindi naiwasang maantig ang kanyang puso, ngayon lang uli kasi niya maramdaman ang gano'ng care sa ibang tao. "Naku, nag-abala pa po kayo. Salamat po ng marami." Nakangiting sabi niya. Kahit pala may pagka-masungit ang anyo ni Miss Mitchy, mabait din naman pala ito.
Umiling ito. "Si Train ang dapat mong pasalamatan dahil siya ang nag-alaga sa 'yo kaninang umaga. Nang umalis ako kanina for a meeting, siya ang nagpunas sa 'yo nang maligamgam na tubig." Imporma nito na ikinagulat niya.
"Bakit po?" hindi niya makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit-balikat ang babae. "Mabait naman talaga 'yon e, hindi lang halata." Anito, tuluyan na siyang tumayo mula sa kama. "Saan ka pupunta?" tanong ni Mitchy.
Napangiti siya dito. "Magpapasalamat po kay Train."
Umiling ito. "Huwag na! Hindi 'yon tumatanggap nang pasasalamat, saka pagod 'yon dahil kagagaling lang namin sa taping niya kanina, pagkatapos mag-stable ang temperature mo. Nagluto pa nga siya ng mushroom soup kanina baka daw magising ka at magutom, kaya lang mukhang ngayon ka lang nagising at hindi mo nagalaw 'yon, kaya pinalitan ko na ang mushroom soup nitong sopas." Paliwanag nito.
Tumango-tango na lang siya at very thankful sa mga ito. "Salamat po talaga." Nakangiting sabi niya. tumango naman ang babae, umupo uli siya sa kama. "Ahm, miss Mitch, artista po talaga si Train?" curious na tanong niya na tinanguan naman ng babae.
Lihim siyang napailing. Gano'n siya ka-outdated sa mga showbiz news! Kaya pala dinadagsa ito ng maraming tao sa hotel noon. Hindi lang 'yon, ang sikat na lalaki—ang siya pang nagpunas ng bimpo at nag-alaga sa kanya. Naku! Malaman lang ito ng mga tagahanga nito, tiyak, kaiingitan siya!
KATATAPOS lang ni Train sa kanyang morning jogging. Sa kusina na siya agad nagtungo para makapag-prepare ng kanyang agahan. May taping pa siya mamaya para sa movie at tiyak na uumagahin siya nang uwi.
Napapa-isip na nga siyang kumuha uli ng katulong, para hindi na siya ang nagluluto para sa kanyang sarili. Hindi naman na siguro mangyayari sa kanya ang nangyari dati—ninakawan kasi siya nang dati niyang katulong, kaya nawalan na siya ng tiwala sa sinumang hindi kakilala. Nagha-hire lang siya ng temporary maid—pati na rin PA—para sa isang araw o kung minsan ay siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay, kapag wala siyang ginagawa.
Pero dahil limitado na ang kanyang free time, wala na siyang time para maghanap ng katulong, kaya ipapaubaya na lang niya 'yon sa kanyang Manager—pati na ang pagkuha ng PA at driver, 'yong hindi gagawa ng tsismis at kung anu-ano pa tulad ng ginawa ng mga datihan.
Nagulat siya nang papasok na sana siya sa kusina ay may narinig siyang mga kalansing nang nahulog na kubyertos. Sa pagkakaalam niya ay mag-isa lang siya sa bahay. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at muntik na siyang mapasigaw nang bigla na lang may tumayo mula sa kanyang harapan—it was that sick girl, from yesterday. How could he forget?
BINABASA MO ANG
Strange Thing Called LOVE #Wattys2016
Humor"Sa de lata nga walang forever, sa tao pa kaya. At sa fairy tale story na lang may forever." Para kay Charley, hindi nag-e-esxist sa kanya ang salitang forever, dahil nabura na 'yon sa kanyang bokabularyo. Pero paano nga kaya kung ma-meet niya ang g...