Chapter Six: Development!

620 22 1
                                    

"YOU'RE not that pretty and tall; you're neither even attractive nor sexy. Why Daddy would choose someone like you to be his wife and my... Mom? I'm really thinking if Daddy had a major head injury or maybe you black mailed him or something, I really couldn't think why would he marry you."

Napakusot ng mga mata si Charley sa boses-batang naririnig niyang bumubulong-bulong sa tabi niya, kaya mabilis siyang nagbukas ng mga mata—at gano'n na lang ang panlalaki ng mga 'yon nang bigla niyang mabungaran ang mukha ng isang batang babae na titig na titig sa kanya.

"Aahhh! Tiyanak!" tili niya, saka siya mabilis na napatayo sa kanyang kama para kunin ang malaking crucifix at holy water na nakalagay na maliit na altar sa kuwarto niya—natulog kasi siya sa dating kuwarto niya kagabi, dahil na-miss niyang matulog doon at hindi naman siguro kalabisan kay Train 'yon dahil ginagawa pa rin naman niya ang mga trabaho niya—itinapat niya sa bata ang malaking cruifix. "Maglaho ka! Maglaho ka!" sigaw niya, saka niya mabilis binuksan ang holy water para isaboy sa tiyanak na nasa harapan niya.

"Stop!" sigaw ng tiyanak, na marahil nasa tatlo hanggang apat na taon ang edad. "You're making me drench all over."

"Aba! At napapa-ingles ka pa ha, itong bagay sa 'yo!" aniya, saka uli niya pinaulanan ng holy water ang bata.

"I'm not a monster!" narinig niyang sabi ng bata.

Napakurap-kurap siya—tiyanak nga ba ang batang kaharap niya? E sobrang cute nga nito; maputi, maganda ang kulay-kapeng mga mata nito, namumula-mula pa ang pisngi nito at napakahaba ng buhok na marahil hanggang baywang. Parang mas tamang sabihin na mukha itong baby doll kaysa tiyanak.

"Kung hindi ka monster, sino ka kung gano'n?" nagtatakang tanong niya, saka niya itinigil ang pagpapaulan ng holy water sa batang bigla na lang nakapasok sa kuwarto niya.

"My name is Andrea Sebastian, but you can call me Andie." Pagpapakilala ng cute at bibong bata.

Sebastian? "Don't tell me, Train is your—" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang sumingit ang bata.

"I am his daughter and I am here to visit my Dad. I opened the wrong room and found you here—next to my Dad's room and I assumed you're his girlfriend?" mahabang paliwanag ng bata na ikinalaglag ng kanyang mga panga—anak daw ito ni Train?

Ang akala niya ay kapatid nito ang lalaki—na medyo malaki lang ang age gap—may nakita kasi siyang larawan ng batang babae na nakalagay sa picture frame at nasa bedside table ni Train no'ng naglinis siya last time.

Hindi siya agad na nakasagot sa bata dahil hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkagulat. Big scoop! Kapag nalaman ito ng media, tiyak pagpipiyestahan ang mga ito. Muli siyang napatitig sa mukha ng bata—hindi niya makita ang feature ni Train dito, marahil ay namana ng bata ang lahat ng features ng Mommy nito, kaysa sa Daddy nito.

Mabuti naman kung gano'n! Pero hindi niya maikakalang sobrang cute ng batang ito. Andie? Parang narinig na niya ang pangalang ito na binanggit ni Train dati o baka guni-guni lang niya.

"Andie...? Baby, where are you?" nagkukumahog na pumasok si Train sa loob ng kuwarto niya, palibhasa ay nakabukas na ang pintuan ng kuwarto niya, kaya napakasok agad ang lalaki. "Andie!" anito, na tila gulat na gulat sa pagkakakita sa bata. "Y-You're already here! You and Mommy didn't tell me about this."

"Hello Daddy," nakangiting bati ni Andie sa Daddy nito, saka mabilis na tumakbo ang bata para yakapin ang Daddy nito. "Surprise! I missed you!"

"I-I've missed you too, sweety..." saka ito yumuko at gumanti nang yakap sa anak.

Now, Train looks like a different in her eyes. Mukhang miss na miss nga nito ang bata dahil halos maiyak ito sa tuwa. What a cute scenery.

"Daddy, have you seen yaya Mayang? She is in your kitchen, cooking for our breakfast." Anang bata.

Strange Thing Called LOVE #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon