Chapter 2

8.5K 215 7
                                    

 Gabi na noon pero hindi pa rin nagigising si Jared. Napasarap yata ang tulog niya. Maging ang pagkaing inakyat ay hindi niya rin nagalaw. Nakaupo ako noon sa balcony at nagpapahingan. Hindi ko maiwasang maisip ang kakatwang sitwasyong pinasok ko. Kung hindi kasi magbabago ang pakikitungo sa akin ni Jared siguradong isang taong impiyerno rin ang daranasin at titiisin ko. Pero huli na para umurong pa ako.

Naluluha akong tumingin sa langit. Sa mga sitwasyong gaya nito, naiisip ko na sana, may mama ako na matatakbuhan. 'Yung yayakapin ako at sasabihing magiging ayos din ang lahat. Pero aasa pa ba ako ngayon? Noon nga halos na kailangan ko ng ina, wala si Mama. Lagi akong mag-isa at kawawa sa school fair. Habang ang lahat ng mga kaklase ko ay nagkakasiyahan kasama ng mga magulang nila. Nakaupo lang ako sa isang sulok at luhaan ang mga matang nakatanaw sa kanila. Sa kabila ng yamang mayroon ako, ni minsan hindi ako naging masaya.

Kasalanan ko ba kung maghangad ako ngayon na maiba ang kapalaran ko at nang posibleng magiging mga anak ko? Hindi ko na napigilang maluha sa puntong iyon. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nababawasan ang bigat ng loob ko kapag naiisip ko ang nakaraan. Kung paano ako nagsakripisyo sa maling desisyon ng mga magulang ko.

Kasalukuyan na akong nagpupunas nang luha nang mapansin ko si Jared na nakatanaw sa akin, pero mabilis siyang umiwas ng tingin at pumasok sa kwarto nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Agad akong tumayo at sinundan ko siya.

Nakahiga na ulit siya sa kama nang datnan ko.

"Kumain na tayo, nakahanda na ang dinner," aya ko sa kanya. Masama ang mukhang tumayo siya sa kama atsaka sumunod sa akin.

Agad kong napansin ang pagsalubong ng kilay niya nang makita niyang nakaupo sa mahabang mesa ang mga kasambahay namin. Mula sa hardinero hanggang sa driver, lahat kasabay naming kumakain, gaya ng isang malaki at buong pamilya. Marami talaga ang napapataas ang kilay kapag kinukuwento ko iyon. Marahil hindi iyon normal sa iba, pero sa tulad ko na sabik sa pagkakaroon ng isang buong pamilya, blessing nang maituturing na mayroong mga taong itinuturing akong pamilya. Sila 'yung mga taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na kailanma'y hindi ko natanggap sa sarili kong ina.

"Are you sick?"

Nagulat ako sa tanong na iyon ni Jared.Hindi ko alam na pinagmamasdan niya pala ako habang tamilmil ako sa pagkain. Iniisip ko rin kasi ang kasalukuyan naming sitwasyon.

"No," pilit ang ngiting sagot ko.

Pero tila hindi siya kunbinsido, kaya sinalat niya pa ang noo ko.

"Are you sure?" kunot ang noong tanong niya.

"Yeah," maikling sagot ko.

Napaisip ako habang nakatingin ako sa kanya. Nagsisimula na kaya siyang umarte o talagang naaawa siya akin dahil nahuli niya akong umiiyak. Humipa na kaya talaga ang galit niya sa akin o parte 'yon ng pagpapanggap. Kung ganoon man, mukhang sanay na sanay siyang umarte, napalundag niya kasi ang puso ko nang salatin niya ang noo ko. Ramdam ko na totoo ang pag-aalala niya sa akin.

Nakaupo kami isang bench sa garden noon at nagpapahangin, nang biglang siyang magtanong sa akin.

"Wala yata ang papa mo? Bakit hindi natin kasabay kumain?"

Tumingin muna ako sa kanya bago ako sumagot.

"Kapag gabi, hindi na sumasabay sa amin si Papa. Dinadalhan na lang siya ng pagkain sa opisina niya. Tambak kasi ang trabaho niya. Halos wala na siyang oras magpahinga. Maswerte na nga ako at nasalubong niya ako sa airport kanina. Lagi kasi siyang abala sa negosyo niya kaya halos hindi na kami nagkikita. Kaya nga gusto na niya akong mag-asawa para raw may tutulong na sa kanyang magpatakbo ng company.

My FAKE HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon