Hindi ako mapakali habang sakay ng eroplano pabalik sa Pilipinas. Habang papalapit nang papalapit sa Manila, pakiramdam ko nauubusan na ako ng oras. Wala pa kasi ako akong nahahanap na magpapanggap na asawa ko. Iyon kasi ang sinabi ko kay Papa nang huli kaming mag-usap. Ayoko kasing ipagkasundo niya ako sa iba, gaya nang naging tradisyon ng pamilya.
Bunga ako ng isang arranged marriage, at masasabi kong hindi iyon masaya. Maaring ang iba ay nagiging successful at napapabuti sa ganoon, pero hindi ang lahat. Saksi ako sa away-bating relasyon nina Papa at Mama. Sigawan dito, sigawan doon. Bato rito, bato roon. Walang katapusang isyu at sumbatan na iisa lang ang pinag-ugatan, ang arranged marriage nila. Hindi kasi mahal ni Mama si Papa dahil may karelasyon na siya noong mga panahong iyon. Pilit daw pinaghiwalay nina Lolo at Lola si Mama at ang nobyo niya para lang makasal siya kay Papa dahil gustong- gusto siya ni Papa noon. Masama ang loob ni Mama dahil pakiramdam niya, pinambayad utang lang siya. Baon na raw kasi sa utang noon ang pamilya ni Mama sa pamilya ni Papa kaya naman ganoon na lang ang galit ni Mama.
Pero sa paglipas ng panahon, hindi natutunang mahalin ni Mama si Papa. Madalas tumatakas siya noon, sabi ni Papa nakikipagkita raw ito sa lalaki niya. Sa sobrang galit, halos nasasaktan na siya noon ni Papa pero hindi pa rin siya tumitigil. Tandang-tanda ko pa ang huling pag-aaway nila.
"Saan ka na naman pupunta, babae ka? Sa tuwing magkakagulo tayo wala kang ginawa kung hindi lumayas at tumakbo sa lalaki mo," mariig sabi ni Papa.
"At ano ang gusto mo? Magtiis ako sa impiyernong bahay na 'to?" sumisigaw na sagot ni Mama hababg inilalabas ang mga damit niya sa cabinet.
"Kung alam ko lang na ganyan ka, hindi na sa ako pumayag na makasal sa'yo," sigaw ni Papa.
"Bakit, sa tingin mo ba gusto kong makasal sa'yo, ha? Kung hindi lang nabaon sa utang sa inyo ang pamilya ko, hinding-hindi ako magpapakasal sa'yo," ganting sigaw ni Mama.
Nasa likod lang ako noon ng pintuan at nakatakio ang tenga, pero dinig na dinig ko pa rin ang pag-aaway nila.
"So, lumabas din ang totoo, pera ko lang ang habol mo," nanggagalaiting sigaw ni Papa.
"Tigilan na natin 'to, Armando, maghiwalay na tayo," narinig kong sabi ni Mama.
Doon na ako lumabas sa pinagkukublihan ko. Patakbong sumugod ako sa kanila at niyakap ko ang baywang ni Mama.
"Mama, please don't leave us," umiiyak na sabi ko.
Pero pilit kinalas ni Mama ang mga kamay ko atsaka nagpatuloy sa paglakad papalabas, bitbit ang malaking maleta.
" Kapag lumabas ka ng bahay na 'to. Hindi ka na muling makakabalik pa?" banta ni Papa.
Pero sa halip na matakot, mas lalo pang natuwa si Mama.
"Buti naman kung ganoon. Huwag kang mag-aalala, hindi ko kukunin sa'yo ang anak mo dahil ayokong magkaroon ng kahit anong alaala mula sa'yo," sigaw ni Mama.
Tumatak sa puso ko ang mga salitang iyon ni Mama. Isa lang pala akong masamang alaala para sa kanya. Alaala na sigurado akong hindi niya na gustong balikan pa. Kaya naman pala ni minsan hindi ko naramdaman ang pagiging ina niya sa akin. Hindi pala niya ako gusto. Para sa kanya ay isa lang akong bahagi ng mapait na karanasan niya sa buhay.
Pitong taong gulang palang ako noon pero sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Mas lalo pang naging miserable ang buhay namin nang umalis si Mama. Dahil lagi na lang umuuwing lasing si Papa. Tanging ang mga kasambahay na lang ang nagmamalasakit sa akin. Mula kasi noon hindi na nagparamdam pa si Mama. Ang huling balita ni Papa, nangibang-bansa na raw si Mama kasama ng lalaki niya.
BINABASA MO ANG
My FAKE Husband
RomanceMeet Jared dela Vega ang gwapong chinito na na-trap sa isang kasunduang pakana ni Jade Chua Alamin kung paano ang simpleng pagpapanggap ay mauuwi sa totohanan