Tatayo na sana ako noon nang pigilan niya ako. Muling nagtama ang aming paningin.
"Pag-isipan mong mabuti kung itutuloy pa natin 'to. Mas marami pa akong pwedeng gawin sa'yo habang natutulog ka," seryoso ang mukhang sabi niya sa akin.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi niya.
"How dare you? Kinuha kita para magpanggap, hindi para molestiyahin mo ako," mariing sabi ko sa kanya.
Nangingiti pa si Jared habang nakahawak sa pisngi niya.
"Ngayon pa-inosente ka naman? Sa tingin mo maniniwala ako sa inaarte mong 'yan? Can a decent girl really do this dirty stuff? Ang tabihan sa kama ang isang lalaking hindi niya kilala?"
Napailing na lang ako. Gaanon pala talaga kaliit ang tingin niya sa akin.
"Wala na ba 'tong katapusan, Jared? Talaga bang kailangan mong araw-arawin na ipamukhaan sa akin kung gaano kamali ang desisyong ginawa ko? Alam ko naman kung anong pwede mong gawin sa akin eh. At hindi ako tanga para hindi bantayan ang sarili ko buong magdamag laban sa'yo. At para lang alam mo, hindi ako interesado sa'yo. Nagkataon lang na kailangan ko ang tulong mo," mariing sabi ko at muli akong nagtangkang tumayo pero nahablot niya ang isang kamay ko at muli akong napaupo.
"May gusto nga pala akong idagdag sa rules natin.," aniya na noo'y yumakap pa mula sa likuran ko. Tila may boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko nang masagi ng labi niya ang tenga ko. Napaupo kasi ako noon patalikod sa kanya. Pilit akong kumakawala sa pagkakayakap niya pero mas lalo pa niya iyong hinihigpitan.
"Stop it, please," nanginginig na ang boses na sabi ko.
"Stop what?" sarkastikong sabi niya na noo'y sinisimulan na akong halikan sa leeg. Mas lalo pang gumapang ang kuryente sa buo kong katawan at tuluyan na akong napaiyak.
"Stop it! " sigaw ko.
Bigla namang tumigil si Jared sa ginagawa at unti-unting bumitaw sa akin.
" Ngayon alam mo na kung gaano kabigat itong kalokohang pinasok mo? Kaya kong mag-take advantage sa'yo, anytime I want to. Kaya hindi mo dapat isinusubo ng ganito ang sarili mo. Mag-isip-isip ka na, habang nagiging mabait pa ako sa'yo," sabi niya sabay pisil sa baba ko.
Hindi ko alam kong paalala ba iyon o pagbabanta. Pero aaminin kong nakaramdam ako ng takot sa mga sandaling iyon. Patakbong lumabas ako ng kwarto. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko noon. Hindi ko akalaing magiging ganoon kahirap ang lahat.
Para makapag-de-stress ibinaling ko ang atensiyon ko sa mga halaman, gaya nang lagi kong ginagawa kapag mabigat ang loob ko. Katulong ang hardinero namin, pinagpalit-palit namin ang pwesto ng mga halaman na nasa paso atsaka ako nagpunla ng mga bagong binhi.
Medyo relax na ako noon nang bumaba si Jared. Nagulat na lang ako nang abutan niya ako ng towel. Natanaw niya siguro mula sa itaas ang ginagawa ko. Alanganin ang ngiting sumilay sa labi ko. Ang husay niya kasing umarte. Sino namang mag-iisip na hindi kame okay sa ginagawa niyang iyon.
"Gutom na ako, Hon," bulong niya sa akin na tila hindi kami nag-away sa itaas. Pagkatapos noon ay inabot niya pa ang hawak kong paso. Napailing na lang ko. Kung hindi siguro ako masasanay sa mala-roller coaster niyang ugali. Malamang sa mabaliw ako sa kanya.
Kasalukuyan na kaming nag-aalmusal sa may garden nang mapansin ko ang pananahimik ng kasambahay naming si Lisa. Sanay kasi ako na maingay ito at bida-bida.
"Lisa, may sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo?" tanong ko.
Pilit naman itong ngumiti sa akin.
" Okay lang po ako, Ma'am Jade. May problema lang po sa bahay," malungkot ang mukhang sagot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My FAKE Husband
RomansaMeet Jared dela Vega ang gwapong chinito na na-trap sa isang kasunduang pakana ni Jade Chua Alamin kung paano ang simpleng pagpapanggap ay mauuwi sa totohanan