Chapter 5

7.6K 198 3
                                    

Kinabukasan masayang bumungad sa akin si Jared habang nagkakape ako sa balcony.

"Good morning, Honey ko," naniningkit ang mga matang sabi niya na noo'y naupo pa sa katapat na upuan. Akmang hahalik siya sa akin nang bigla kong maalala ang sinabi niya nang nagdaang gabi.

"I will make you fall in love with and then I'll dump you the way you dumped me."

Bigla akong kinabahan at natadyakan ko papalayo ang upuan niya dahilan para ma-out of balance siya. Pero sa kasamang palad nahila niya ako at kasabay niya akong bumagsak sa sahig.

"Sorry," natatawang sabi niya na noo'y inabot sa akin ang isang kamay atsaka ako inalalayang tumayo.

"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya habang pinapagpagan ang dumi sa tuhod ko.

Napaawang ang mga labi ko. Ibang Jared kasi ang nakikita ko ngayon. Lumingon ako sa gawing likuran namin, naisip ko kasi na baka may ibang tao lang na nakakakita kaya ganoon siya. Pero walang tao roon para magpanggap siya nang ganoon. Napakunot na lang ang noo ko.

"Pwede ba akong umalis?" tanong niya matapos pagpagan ang tuhod ko. So iyon pala 'yon, baka tatakas na ang loko kaya kunwaring bumait.

"Ikaw, bahala ka," maikling sagot ko.

"Hindi ka natatakot na baka hindi na ako bumalik?" tanong niya na noo'y pinisil pa ang baba ko. Naasar na iwinaksi ko ang kamay niya.

"It's up to you, kung gusto mo pang bumalik o hindi. Hindi na kita pipilitin. Tama ka naman kasi, wala namang pinagkaiba ang kinatatakutan ko sa gusto kong pasukin ngayon. Okay lang sa akin kung mas piliin mong huwag na lang bumalik," malamlam ang mga matang sabi ko.

Sa haba ng sinabi ko, wala man lang isinagot si Jared. Hindi ko naman siya matanong ng diretso dahil hindi ko alam kung paano. Sa pagkakatanda ko kasi, sinabi niyang ipapakilala niya ako sa kanila pero hindi naman na niya iyon nabanggit pa, siguro nagbago na nga ang isip niya at iiwan na niya ako.

"I'll go ahead," sabi niya atsaka siya humalik sa pisngi ko.

Mabigat ang loob ko noon na hindi ko mawari. May parte sa akin na gustong tumutol at pigilan siya. Pero sa huli mas pinili kong huwag na lang. Nakakatawa man, pero mukhang tumama sa akin ang sinabi niya nang nagdaang gabi na,

"It will only takes a second for us to fall in love."

Totoo naman kasi iyon. Isang awkward situation lang kayang pakabugin ang dibdib mo, gaya nang nangyari sa akin. Alam kong sinasadya ang lahat pero hindi ko magawang masabi 'yon sa puso ko na noo'y alam kong nahuhulog na sa kanya. Napailing na lang ako. Naisahan na naman ako ni Jared. Malamang kasi ito na 'yung ganti niya sa akin.

Halos manlambot ang mga tuhod ko nang mula sa balcony, natanaw ko siyang bitbit ang maleta habang naglalakad papalabas ng gate. Masakit sa loob ko na hindi man lang niya ako nilingon kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon. Isang patunay lang na laro-laro lang ang lahat sa kanya.

Kinabukasan nagpa-book ako ng ticket pabalik sa Canada. Mahirap na kasing asahan ang pagbalik ni Jared. Hindi ko naman kasi hawak ang isip niya. Bahala na kung paano ko malulusutan si Papa. Hindi naman siguro magiging ganoon kahirap ang lahat.

Bago ako pumunta sa ospital para kumustahin ang anak ni Lisa, dumaan muna ako sa parlor para magpaiksi ng buhok medyo mainit na rin kasi ang panahon.

Nagtagal din ako sa ospital dahil inantay ko pang matapos ang operasyon ng anak ni Lisa. Mangiyak-ngiyak si Lisa na yumakap sa akin nang ibalita ng doktor na matagumpay ang operasyon. Walang pagsidlan ang saya niya na noo'y abot-abot ang pasasalamat sa akin. Hulog daw ako ng langit sa kanila.

My FAKE HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon