Nakahiga ako sa papag namin na gawa sa kawayan dito sa sala. Nagpapahinga ako dahil kakagaling ko lang ng palengke. "Karylle, huwag ka munang humilata dyan at magwalis ka muna!" sigaw ni mama galing sa likod-bahay namin. Tumayo ako agad at nagbihis sa kwarto.
Nag-iisa akong anak at wala akong malapit na pinsan. Nag-aaral ako ngayon bilang grade 12 students, 18 years old. Wala na akong tatay at ang mama ko naman ay nagtatrabaho bilang tindera sa palengke, may pwesto din kami at doon ako minsan namamalagi.
"Karylle, bukas pala ay sabado, magpapamigay sila kapitan ng auyda dyan sa court ng barangay, ikaw na ang pumila at ako na ang mag-babantay sa pwesto" tumango na lang ako. Nakakatamad ang araw na ito. Wala na kaming pasok ngayon dahil tapos na ang klase, kaya heto ako at nakatambay na lang sa bahay. Minsan na lang kasi ako papuntahin ni mama sa pwesto at baka daw mahawa ako sa virus.
Ngayon ay nasa pila na ako, sa court. Nasa loob kasi ng court ang barangay hall. May dumating na dalawang truck na ang laman ay ang mga ayuda para sa mga tao. "Ang lakas talaga ng kapitan natin kay mayor, tiba-tiba nanaman tayo nito" wika ni Shenelle, naging kaklase ko sya, hindi kami ganoon ka-close pero maituturing ko syang kaibigan. "Kaya nga, isang linggo ko nanaman makikita ang sardinas" pagbibiro ko, parehas naman kaming natawa.
"Number 47!" sigaw nung lalaking may hawak ng mega phone. "Malapit na pala tayo" wika ni Shenelle. Lumilipat na kami ng upuan nang may dumating na tatlong kotse. Lumabas ang isang lalaking naka-black polo at black pants. Binuksan nya ang pintuan ng pangalawang kotse. Lumabas naman doon ang isang matikas na lalaki, nakaputi itong polo na may kuwelyo at naka-itim na pantalon. Mukha syang propesyunal sa ayos nya. "Ang gwapo talaga ni Mayor Jackson 'no" sabi ni Shenelle, napakibit-balikat na lang ako, tama naman sya. Tumingin na ako sa pila dahil malapit na ang numero ko. 53.
"Number 52!" sigaw muli ng lalaki sa harap. "Magandang umaga po Mayor" bati ng mga tao sa dumadaang alkalde. "Magandang umaga din po, nay" magalang na bati nito. Mabait ang mayor nila, mapagbigay at marami na ring naipanukala sa aming lungsod. Marami rin ang nagsasabi na mas umunlad ang aming bayan noong si Mayor Jackson na ang namumuno sa aming lungsod.
"Number 53!" tumayo na ako at nagtungo sa harapan. Di ko naman mapigilang yumuko dahil nakatingin sa akin ang lahat. "Pangalan, ineng" wika ng babae, sya ang secretary ng barangay. "Karylle Del Rosario po" sagot ko naman. "Ikaw pala ang anak ni Karen, kay gandang bata" ngumiti na lang ako sakanya at kinuha ang inabot nyang naka-plastic na relief goods.
Sinabihan kong mauuna na ako sa aming bahay dahil mag-lilinis pa ako, tumango naman sya kaya umalis na ako. Naglalakad ako nang hinarang ako ni Asio. "Hi Karylle, tulungan na kita dyan" mabait 'tong si Asio, kahit alam ng lahat na may kinabibilangan syang gang dito sa amin. "Salamat" ngumiti ako sakanya at naglakad na kami. "Nasa palengke si Nanay Karen?" pagtatanong nya, nanay ang tawag nya kay mama dahil magiging nanay nya rin daw ito. "Oo, sya daw muna ang magbabantay doon" sagot ko. Napatangu-tango naman sya. Nakarating kami sa bahay, inabot nya sa akin ang aking dala at nagpa-alam na.
Lunes ngayon at pupunta ako sa munisipyo para kumuha ng national ID. Sabi kasi ni Shenelle ay dito daw sila kumuha. "Good afternoon po, miss. Sino po ba yung registrar para po sa pagkuha ng national ID?" tanong ko sa babaeng nasa information desk. "Ahh doon yun oh" tinuro nya ang table na nasa labas ng building ng munisipyo. Nagpasalamat ako at umalis. Pumila ako sa pinakadulo, may bubong naman dito kaya hindi masyadong mainit, tsaka alas tres na rin kasi ng hapon. Napatingin ako sa bintanang salamin na nasa second floor. Para kasing may nakatingin sa akin. Tinted ang salamin kaya wala akong makita.
Kumibit balikat na lang ako at pumila. Hindi naman ganun karami ang mga nakapila, ngunit wala akong makitang ka-edad ko. Halos mga nanay na rin ang mga kumukuha ngayon. Bumukas ang pintuan ng munisipyo kaya napatingin kami doon, si Mayor Jackson pala ang lumabas. Pinagbuksan sya ng isa sa mga bodyguard nya. Dumapo /ang kanyang mata sa akin, tumagal ang aming titigan hanggang sa ako na ang umiwas ng tingin. Hinarap ko na lamang ang mahabang pila. Tumigin ako sa card na hawak ko, nakasulat doon ang numero ko sa pila, (65).
YOU ARE READING
A Compilation of Oneshot Stories
RomantikThis is a compilation of my Oneshot written stories. -Damara