NASA ENTRANCE pa lang siya ng kompanya ngunit nangangatog na ang kaniyang mga paa, her hands are sweating and her heart beats insanely fast, parang gusto na lang niya kumaripas ng takbo papalayo sa kompanya nina Tyron.
No, you need to do this Charity. Image mo ang pinag-uusapan, kaya lunukin mo lahat yang takot mo. Fighting girl!
"Dito lang ba ako maghihintay, Charity?" tanong sa kaniya ng kaniyang Tatay Allan.
Nilingon niya ang matanda.
"Baka po matagalan ako, Tay." for sure. "Mauna na lang po kayo, magta-taxi na lang po ako pauwi."
"Pero baka ako naman ang pagalitan ni Henry niyan kapag hindi kita hinintay."
"Tatawagan ko na lang po si kuya pagkatapos, huwag po kayong mag-alala, Tatay."
"Sigurado ka, Charity?"
Ngumiti siya at tumango.
"Yes po, Tatay Allan. Take care po."
"Mag-ingat ka rin."
Kumaway siya sa matanda anng umalis na ito. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pumasok na sa loob. She composed herself, chin-up, breast in, and walked flawlessly. She flipped her hair exposing her shoulder and collarbone, sopistikada siyang naglakad papuntang front desk. Pansin niya ang pagtingin sa kaniya ng mga taong dumadaan, she confidently smiled at them, ngumiti naman ang mga ito sa kaniya.
"Good morning," she greeted. "I'm here for Tyron Montezero, your boss."
"He's in the middle of a meeting, ma'am." sagot nito. "May appointment po ba kayo sa kaniya?" tanong nito.
She pressed her lips.
"Oh. Well, I'm here for an interview, with your boss. By the way, I'm Charity Reese Asuncion, the youngest sister of Henry Asuncion. Best friend and business partner of your boss." she really emphasized the word best friend and business partner para maniwala ang babaeng kausap niya. "He knew me, miss."
"I'll just call his secretary, ma'am."
She sweetly smiled. "Thank you."
Pumunta muna siya sa waiting area at doon umupo. She crossed her legs and patiently waiting. Nang biglang tumunog ang kaniyang telepono sa loob ng kaniyang purse. She took her phone, at nang makita na si Jane ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
"Hello, Jane..."
(Hey, Charity. So, what's the fuss? Nakausap mo na ba siya?)
"Not yet, but nasa kompanya na nila ako. May meeting pa siya, kaya baka mamaya ko pa siya makakausap."
(Oh, that's okay, I think. At least, you're there na. Few steps na lang at makakausap mo na siya, and you'll make him say yes to our plan)
She sighed.
"I hope so, Jane. I really hope so." nanlulumo niyang sabi.
(Ano ba girl! Hindi mo pa nga siya nakakausap, parang sumusuko ka na diyan!)
Kumunot ang kaniyang noo.
"Allyson, is that you?"
(The one and only. Nasa starbucks kami ngayon, girl. Nagboboy-hunting while sipping our favorite drinks and dessert, I hope you're here, masaya sana)
Bakas sa boses nito ang panunukso.
"May time pa talaga kayong mag-enjoy while I'm getting nervous here, on how to start my plan to tame Tyron and make him say yes to our plan?! Bitches." pagtataray niya sa dalawa over the phone, but they just laughed.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 3 : Tyron Montezero
General FictionMature Content || R-18 || SPG