HABANG pababa ng hagdan, hindi parin mawala sa utak ni Charity ang mga pangyayari, parang nasa alapaap parin siya hanggang ngayon. Naiiling natatawa na lamang siya dahil sa kapilyahang ginawa niya. Panigurado, pagpipiyestahan ng mga subscribers niya ang kaniyang komento.
"Good morning people!" magandang bati niya sa kaniyang pamilya na nasa hapag-kainan na. "Good morning mga manang!" ngiting bati niya sa kanilang katulong.
"You sound enthusiastic, sweetie. Mukhang masarap ang tulog mo, ah?" her mom said.
Humalik muna siya sa pisngi ng kaniyang ina at sa kaniyang ama bago umupo sa tabi nito, kaharap naman niya ang kaniyang kuya.
"Maybe because its Friday mom, weekend is fast approaching." ngising sagot niya at kumuha ng sunny-side up, bacon and hotdog at inilagay sa kaniyang plato. "Tsaka, my youtube subcribers is increasing, that's why I am very happy."
"Hindi mo naman pinapabayaan ang pag-aaral mo habang nagba-vlog ka, Charity?" ani ama niya.
She smiled.
"Don't worry dad, I'm still the top students in our class. Nakalimutan niyo atang namana ng anak niyo ang pagiging multitasker niyo." her dad chuckled and smiled at her.
She heard her kuya Henry tsked. "Malaman ko lang talaga na may boyfriend or manliligaw ka na dahil sa vlogging na'yan, better hide that boy dahil talagang babangasan ko yun." banta nito na ikinangiwi niya.
"Kuya, you're so bad and harsh... And for your information, I don't have a boyfriend nor suitors, takot lang nun sa inyo ni dad." Tsaka I like Tyron better compare to my male classmates. He's a definition of a fictional male lead in a story. "Kaya makakaasa kayo na walang lalaking umaaligid sa akin ngayon."
Her dad smiled even more. "Good to know that, sweetie. I know it's a hassle for you, pero ginagawa lang namin to ng kuya mo for your own good. Don't worry, we'll let you decide on your own once you get eighteen--"
"Dad!" Henry interject.
"Henry, malaki na ang kapatid mo, Let her decide on her own kapag eighteen na siya." sabat naman ng kaniyang mom. Her mom looked at her. "So Charity, sweetie, you better behave and follow what your dad and kuya Henry told you so, dahil malapit naman na ang debut mo, you can have your freedom one you will be eighteen, sweetie."
Ngumiti siya at tumango sa kaniyang ina.
"Huwag mo lang abusuhin ang freedom na yun, Reesy. Because I will still keep an eye on you, young lady." his kuya Henry said.
Somehow naiinis siya kapag mahigpit ang kaniyang kuya Henry sa kaniya, mas mahigpit pa sa dad nila. But she knows he just do his duty as his eldest brother, at naiitindihan niya iyun.
"Yes, kuya, duly noted." nagsalute pa siya sa kapatid na ikina-iling nito at ngumiti. Tumikhim siya. "By the way, kuya... kumusta na nga pala si Tyron?"
Pansin niya ang pag-angat nito ng tingin sa kaniya at bahagyang pang tumaas ang kilay nito.
"Did I heard it, right? Kinakamusta mo si Tyron? And you just called him with his name, mag-kaedad kayo?" sarkasmo nitong tanong sa huli na ikina-irap niya.
"Bakit? Di ba pwedeng kamustahin yung tao, tsaka I'm comfortable with him last night, and we even talked some things." aniya na parang isa iyung valid na rason. "So I think its okay to call him with his name, without thinking our age gap." depensa niya.
Henry snorted. "Kahit na, you should call him kuya Tyron, not just Tyron, Reesy. And he's okay and he'll be very okay kahit hindi ka magtanong, magiging okay siya." sumimangot siya sa tinuran nito. "Make it fast, brat, sasabay ka sakin." he drink a glass of water and wipe his lips and stood up.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 3 : Tyron Montezero
Ficción GeneralMature Content || R-18 || SPG