"QUÉ SIGNIFICA ESTO?!"
Wala siyang pinalampas na segundo at umalis sa pagkakadagan ng binata. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi at tenga dahil sa insidente. Akmang aalis nang makitang may matandang nakatayo mula sa pinto, may mga kasama itong tatlong Men In Black. Nakarehistro sa mestisang mukha ng matanda ang gulat habang pinagmamasdan silang dalawa ni Tyron.
"Abuelita..."
Nilingon niya ang binata na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakahiga. Agad niyang iniwas ang tingin nang tumingin si Tyron sa kaniya, mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi at lihim na kinastigo ang sarili dahil sa katangahan niya kanina.
"Qué acabo de ver, Tyron?!"
Napaigtad siya sa sigaw ng matanda. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtantong nakatitig ang mata nito sa kaniya, like she's scanning her face or something.
"Quién es esta mujer contigo, hijo?"
"Ella no es nadie, abuelita."
"Really? Y crees que te creeré. Acabo de verlos a ustedes dos, estando cerca uno del otro en el suelo! Anong ginagawa niyo?"
Napanganga na lamang siya at napapakunot-noo na lamang dahil ni isang salita wala siyang naiintindihan. Are they speaking Spanish? Though, the langauge was familiar to her. Tiningnan niya ang binata, marunong pala itong magsalita ng Spanish. Multilingual, yarn.
Tumikhim siya.
"Good morning po," sabat niya. "Aalis na po ako--"
"Stay!" napatigil siya nang biglang sumabat ang matanda. Nakataas ang kilay nito habang pinagmamasdan siya. "I want to talk you."
"P-po?"
"Abuelita, I'm telling you she's no one--"
"Mi nieto, out. Gusto kong makausap ang mujer na ito."
"But Abuelita--"
"Out, Tyron. Go to your office, pupuntahan lang kita dun kapag tapos ko ng kausapin ang kasama mo." may ngiti sa labi ng matanda ngunit may diin ang pagsasalita nito.
Rinig niya ang mahinang pagmura ni Tyron, habang siya na nakatunganga lang dahil walang kaalam-alam sa kung ano ang pinag-uusapan nito. Pinagmumura ba siya ng mga ito? Possible, ang sama kasi ng tingin ng matanda sa kaniya, tapos bad trip si Tyron. Yeah, maybe they're badmouthing her.
Lumapit si Tyron sa kaniya.
"Careful with your words to her," anito na mas lalong nagpagulo sa utak niya. "Pag kakaiba ang mga tanong niya, just answer no."
"B-bakit? Ano bang pinag-usapan niyo? I don't understand what you guys talking, care to translate?"
Bumuga ng marahas ang binata.
"Just do what I said."
"I'm waiting, apo." sabat ng matanda.
Humarap ang binata sa matanda at lumapit sa gawi nito, nagnakaw pa ng tingin si Tyron sa kaniya bago lumabas, sumunod rin ang tatlong lalaki na nasa likuran ng matanda. Napalunok na lamang siya nang wala sa oras ngayong mag-isa na lamang siya, kasama ang matanda na mukhang mas maldita pa sa kaniya.
"Now, let's talk..." dahan-dahan itong lumapit sa kaniya, dahilan para kabahan siya. "Anong ginagawa niyo ng apo ko dito?"
Apo? She's Tyron's grandmother. That explains.
BINABASA MO ANG
Lionel Princes Series 3 : Tyron Montezero
General FictionMature Content || R-18 || SPG