Chapter Six

179 2 0
                                    

SECONDS TURNS TO MINUTES, and minutes turns to hours, but there's no Tyron showed. Ilang juice na ang naubos niya at ilang desserts na ang nakain niya pero hindi parin dumarating ang binata sa pinag-usapan nilang lugar na kung saan magkikita silang dalawa. She already texted him the exact time and location, hindi man siya nakatanggap ng reply mula rito ngunit alam naman niya na nabasa na ito ng binata, she just know. Imposibleng hindi darating yun, eh, alam na alam nito ang lugar kung saan sila magkikita, sa hotel lang naman ang pagmamay-ari ng pamilya ng binata, she's in Luxury Hotel.

She frowned.

Gumising pa siya ng maaga, she prepared herself and even make an effort to make herself beautiful and well-dressed para sa pagkikita nila. She arrived at the exact time na si-net niya, she picked the VIP suite just for the two of them and for her plan for today. Well, wala din naman kasi siyang naisip na lugar na pwedeng magkita sila ni Tyron na walang istorbo, private, walang maingay, not crowded and any unnecesary scenarious that will ruin her plan for today, kaya hotel agad ang unang pumasok sa isip niya, aside from it's very private dahil nasa loob lang sila ng kwarto, wala ring istorbo kung ano man ang gagawin nila sa loob.

Wait... That sounds very disturbing.

Oh, well. Wala na siyang pakialam, pero halos apat na oras na siyang naghihintay kay Tyron, She arrived at exactly 8am para maaga silang matapos ng binata dahil inaalala niya ang deat anniversary ng lolo nito, kaya mas pinaagad na lamang niya ang oras. But the time is fucking running and now it's already 11:55am, so what?! Maghihintay na naman siya ng another hour for his arrival? What the hell!

Agd niyang binuhay ang phone at tinadtad ng mensahe ang binata.

'Where the hell are you?'

'It's been three hours! Are you coming?'

'I hate you!'

'Mag-reply ka naman! Gosh! Malapit nang mamuti tong mata ko kakahintay sayo!'

'Come here now, Tyron! Let's finish this instant para makauwi na'ko at para wala ng iistorbo sayo!'

Nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit. Wala parin siyang natatanggap na reply mula kay Tyron. He's now getting into her nerves, and she's very patient kind of person, pero kung sinasagad naman ng tao ang pasensiya niya, pasensiyahan na lang silang dalawa dahil iba siya magalit. She has no choice, her last resort, ang tawagan ito. She dialed his number and called him... Still, walang sumasagot, nagri-ring pero namatay din kalaunan. She called his number three times, still, no response. Naiinis na siya.

She heard a knock on the door. Umirap siya at tumayo papalapit sa pinto at binuksan iyun. Sumimangot siya at umiling sa dalawang tao na kaharap niya ngayon.

"He's still not here?" Allyson asked.

She nodded.

"Seriously?! We've been calling the room service to order foods and drinks just to pass the time, and yet, wala parin ang Tyron mo. Gosh! Ako yung naaawa sa tao, pabalik-balik sa suite namin. Are you sure na sisipot yun?" ani Jane na halatang naiinis narin dahil sa paghihintay ng dalawa sa kaniya.

Tamad siyang bumalik sa loob at pasalampak na umupo sa mahabang sofa.

"He's not replying to my texts, but I'm pretty sure he already read one of those."

"That's it? You're not really sure of that, Charity." wika ni Allyson.

Humalukipkip siya. Hindi niya alam, but she's really sure of that.

"Natawagan mo na ba?" tanong ni Jane sa kaniya.

"I did, but still, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko." nawawala na siya ng gana para sa gagawin nila ngayon, gusto na tuloy niyang umuwi. "You think hindi na sisipot yun?"

Lionel Princes Series 3 : Tyron MontezeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon