Three

494 25 0
                                    

October 11, 2022


Ito na siguro yung araw na tila unti unti na akong napipiga sa school works ko. Feeling ko ay parang hihimatayin na ako sa ilang sunod sunod na school activities sa college of pharmacy sa pinapasukan kong school.


Ang Capitol State University.


Hi! Nicolai pala. You may call me Nico for short pero karaniwan sa mga nakakakilala saakin ay Nicolai yung naririnig ko sa kanila pero alin man sa dalawa ay oks lang naman saakin. 4th year pharmacy college student ako. Irregular at buti na lang din ay nasurvive ko yung course na ito knowing naman na di ko rin gusto at pinili ito para lang pagsilbihan ang ating bansa.


It's the fact na ito lang din yung pasok sa taste ng mga nagpaparal saakin. Ulila na din ako at yung nakagisnan ko na lang na mga magulang ay yung mag asawang doctor na tinuring ko na ding mga magulang ko.


Pero di ko mafeel yung parenting na sinasabi ng iba. Mas nafifeel ko lamang yung binibigay nilang pressure at ilang dictation sa bawat dapat ikilos at dapat igawi ko at always nilang sinasabi saakin na kailangan ko nang magwork sa sarili nilang hospital. Their owns a private hospital which is ito yung bumubuhay na saakin noong high school pa lang ako.


I don't know why pero di ko maramdaman yung pagmamahal.


What is love?


Masasabi ko din namang I am doing my best sa course na binigay nila saakin kahit na medyo bobo talaga ako sa subject na chemistry but still I survive. Buti na lang din ay itong paparating kong 2nd semester ay OJT na lang din dahil dalawang summer class ay pinuno ko nang ilang major at minor subjects.


Ito na lang din yung problem ko.


Tumawag saakin kanina yung tinuring ko nang nanay, si Doc Laudencia, Veronica Laudencia. Family medicine specialist at isang ding pharmacist. Mabait siya na medyo strikto pero may konting salitang care naman sa kanya specially kung may urgent needs ako regarding sa school ko o kahit yung ilang basic needs ko. Natanong na din nito kung saan ako mag-oojt pero sinagot ko na lang din siya na hindi ko pa alam.


Why? Dahil ayoko sa hospital ninyo.


"Be sure na alam mo yung isasagot mo sa dad mo regarding sa word mo na di mo pa alam" naupo ako sa mga nagkalat ng bench at nilabas yung favorite ko na ensaymada na mula sa goldilocks.


"Hoping matulungan po ninyo ako dito. Gusto ko lang din maghanap nang sarili kong mapapag-ojtihan na siyempre wala yung tulong ninyo parehas."


"The pride of Nicolai. Were here to help you always at alam mo iyan."


"I know, I know. Walang hanggan akong magpapasalamat sainyong dalawa. So please just let this one be my own decision na alam kong ako lang yung magbibigay ng kontrol. Please." Ilang minuto din yung katahimikan na bumalot saamin.


"I'll let you know kung ano man masasabi niya Nicolai."


Jello's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon