Seventeen

217 12 0
                                    

Alas otso na ng umaga nang di ko parin nakikita si Jello sa pharmacy. Darating pa kaya siya?



Sa totoo lang eh medyo excited akong sumama sa kanya knowing na wala pa akong tulog. Pasalamat na lang din ako dahil pumayag siyang sumama ako at siyempre magkaroon na din ng time na makipagkwentuhan sa kanya katulad nung isang araw.



Mga kalahating oras pa siguro ay natanaw ko na siya sa labas pero may kakaiba dito na di ko alam kung bakit tila naramdaman ko ding wala itong enerhiya sa katawan.



"Good morning sayo Jello" bati ko rito ng lumabas na ako sa pharmacy at isasara na din muna.



Ngumiti lang ito saakin at sumenyas na maglakad na muna kami pero napansin kung may band aid sa pisngi nito.



"Nangyari sa pisngi mo? Bakit may band aid?"



"Wala"



"Huh? Anong wala? "



"Wala nga" hinawakan ko ang braso nito dahilan upang mahinto siya sa paglalakad.



"May nangyari ba kagabi?" nakayuko lang ito saaking harap pero nakahawak parin ako sa magkabilang braso niya. Parang may mali. Napansin ko din na tila may pasa ito leeg niya.



"Jello? May nangyari ba kagabi?" Hindi ito sumagot kundi nabigla ako nang biglaan niya akong sinampal sa pisngi. Halos nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.



"Hindi lahat dapat pwede mong alamin at itanong saakin. Naiintindihan mo ba?" Hindi ako sumagot pero hawak hawak ko parin siya sa kanyang braso.



"Naiintindihan mo ba Nicolai?" Sa puntong ito ay tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Walang emosyon na nababasa dito. Ano nga ba ang nangyari kagabi sa kanya at bakit tila nagbago siya.




"Sorry" pagkasabi ko nito ay agad niyang tinggal yung kamay ko mula sa pagkakahawak ng kanyang braso at muling nagpatuloy sa paglalakad.




Ilang saglit pa ay pumara na ito ng taxi. Naupo siya sa harap at ang ending ko ay nasa likuran ako. Ilang oras din na katahimikan yung namalagi saamin liban na lang sa music ni manong driver. Ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya kagabi? Inaamin ko naman na nag-aalala ako rito at di ko sukat akalain na masasampal niya ko.




Masama na din palang magtanong. Haysss. Sa sobrang haba ng biyahe ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Tinignan ko yung oras sa phone ko at saktong 1:11 pm ng sabihin na din niya na nandito na kami sa pharmaceutical company na pagbibilhan niya ng mga gamot na kulang namin.




Hindi na ako sumama sa loob at hinintay na lang din siya sa labas. Napansin ko din na di kami nagtitinginan nito na dalawa. Awkward pero sige lang ako sa paghihintay sa kanya tsaka ayoko din naman na iwanan siya dahil lang sa nangyari kanina.




Buti na lang din ay may upuan sa labas kaya naupo na muna ako at sinandal yung ulo ko sa pader at di sinasadyang muli akong nakatulog. Hinayaan ko na lang din sarili ko na dalawin na nang antok knowing na maski sa panaginip ko ay tila magkasama parin kami ni Jello.



Muli na lang akong nagising nang tila nangalay na batok ko at pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita ko itong katabi ko na at nakatitig lang din ito sa paligid. Palubog na din pala ang araw.



"Di ko sinasadya yung nagawa ko kanina Nicolai. Sorry." Mahina pero alam kong mula sa puso yung pagsasabi nito at di ko alam sa sarili ko kung bakit ko tila nagawa yung dapat di ko ginawa.



I kissed Jello on her lips.




Gulat kaming parehas sa ginawa ko pero wala na din akong nagawa kundi napayuko sa kahihiyang ginawa ko.




Di na rin ako makatingin sa kanya at narinig ko na lang din sa kanya na kailangan na naming bumalik bago abutan ng dilim pero literal na kaming naabutan ng gabi dahil sa biglaang lakas ng ulan at sobrang tagal at bagal na traffic.




Nasa harapan ako ngayon naupo at nasa likuran lang din si Jello, tahimik parin kaming parehas. Nakatingin lang siya sa bintana habang walang tila yung ulan at heto ako na tinitignan siya sa salamin ng sasakyan. Bakit ko nga ba kasi hinalikan ito nang biglaan at ano na lang din pwedeng mangyari saakin kung nabastos ko man sa ginawa ko si Jello.




Ilang oras pa ay nagsabi ito na sa apartment na lang kami bababa dahil sa lalong lumakas yung ulan at masaklap pa rito ay wala akong dalang payong.



Nasa tapat na kami ng building nito at nasa loob parin kami ng taxi. Nakatingin lang ako sa salamin at minamasdan parin siya hanggang sa nagsalita na ito.



"No choice, maligo sa ulan" nanlaki yung mga mata ko sa narinig ko at agad na nga itong sumugod sa ulan at tanging ginawa ko na lamang ay hinila siya at tinauban ang aming ulo ng jacket na mayroon ako sa bag. Mabilis lang din yung mga nangyari kaya agad na nakapasok na kami sa loob ng building.



"Nabasa ka ba?" Inosenteng tanong ko dito. Napatingin ako sa katawan nito na nabasa ng kaunti ng ulan pero napako yung mga mata ko sa basa na nitong dibdib dahilan upang masilayan ko yung kulay at suot nitong bra. Agad akong namula dahilan upang nagbigay ako ng distansiya sa kanya.



"Mukhang matagal pa yan titila, kung gusto mo ay sa apartment ka na lang muna"



"A-ah, di-"




"Okay" magsasalita pa sana ako nang nagsabi na ito ng okay saakin. Pumunta na ito sa harap ng elevator at agad na pumasok loob. Pasara na pero naharang ko gamit ang aking katawan. Tumingin lang din saakin ito at sinabi ko na




"Makikitulog muna ako saiyo Jello kung okay lang din naman sayo." Lakas ng tibok ng puso ko sa nangyayari at agad na akong  tumabi na rito ng tahimik at sobrang ingat.





Katahimikan.





Wala na ako siguro sa katinuan nang hinawakan ko ang kamay nito habang nasa elevator kami. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.



Pangalawa ko na itong ginawa na di ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagkakaroon ng ganitong asal sa kanya ngayon.




Ano nga ba ang pakay at gusto mo Nicolai? Ano nga ba?




Pero isa sa kinagulat ko ay ang paghila nito saakin papunta sa loob ng unit niya.

Jello's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon