Eighteen

227 15 0
                                    

Wala ako sa ayos ng hinarap ko si Nicolai. Sa totoo lang ay balak kong di na pumunta or what at magkulong na lang sa unit ko buong araw. Ang masaklap pa dito ay parang nagdeactivate si Ivahn sa lahat ng pwede kong makontact.




Maski si Kevin ay di ko na din makontact which alam ko namang utos na din niya na wag muna akong kausin or bigyan ng info sa gustong gawin sa buhay ng doctor.




Di ko rin naman sinasadyang masampal si Nicolai kanina nung naiinis na akong tanong siya ng tanong kung anong nangyari kagabi saakin. Parang siyang concern na concern saakin knowing na alam naman niyang may boyfriend ako pero di ko na din sure kung boyfriend ko ba talaga iyon.




Dumagdag pa yung pagkahilo ko at mayat mayang pagsusuka, dala siguro ito ng hormones ko na din pero di ko sukat akalain na hinalikan ako ni Nicolai.



Well, di naman na bago saakin iyon dahil naranasan ko naman na iyon sa isa pero iba ang naging epekto nito sa sistema ko. Parang nagulo lahat ng nasa isipan ko at bukod pa rito ay ang mayat maya nitong pagtingin saakin sa salamin.




May gusto ba sakin ito?




O nantritrip lang?




Karamihan na din kasi ngayon saaming mga trans ay ginagawang sex fantasy or sabihin na nating parausan ng mga libog na libog na mga lalaki.



But then again, heto ako na hinila siya papunta saaking unit. Pagkapasok namin sa loob ay nag init bigla yung pisngi ko sa ginawa ko kaya inalok ko na muna itong kumain dahil parehas kami nitong walang almusal, lunch at maski meryenda sana kaso wala.



Nagluto na lang ako ng tatlong homi beef at nagprito ng tuyo. Buti na lang ay may extra pa kong tofu kaya sinama ko na sa niluluto kong noodles. Nagpasuyo na din ako sa kanya na tumawag ng nagdedeliver ng milktea na agad naman na niyang ginawa at siya na din nagbayad.




"Baka wala ka nang allowance" mahina kong sambit pero ngumiti lang din ito saakin habang nililibot yung paningin niya sa loob ng unit ko.




"Luto na, tara na Nicolai" agad naman na siyang nag asikaso ng mga dapat gawin para makakain na kami. Inopen ko na din yung TV ko at nag play ng movie. Pipiliin ko pa sana yung horror na category kaso kinuha niya yung remote saakin at siya na daw pipili.




"Call me by your name?" Napataas kilay ko nung nabanggit niya yung movie na iyan.




"BL yan pero sobrang ganda ng story. Actually may books ako niyan na hard bound" ngumiti lang din ito saakin at ayun na nga clinick niya ang play botton.




Natapos kaming kumain at naiinom na din namin yung milktea. Nanonood lang din siya na tila ayaw niyang mamiss ang ilang nangyayari. Nasa part na kami nung dinala ni Elio si Oliver sa secret place niya which is very romantic para sakin yung nangyari sa part na nasa damuhan na sila.




Habang nangyayari yung scene na yun ay napatingin ako kay Nicolai na nakatingin din pala sakin. Nag init ulet yung pisngi ko at ako na yung unang umiwas ng tingin.



"Uuwi ka ba?"




"Ano oras na ba?"




"8:30 pm na"




"Gusto mo ba akong umuwi pagkatapos nitong palabas?" Hindi ito nakatingin saakin at focus lang siya sa panonood. Ano nga ba dapat kong isagot sa tanong niya?



"Ikaw bahala. Basta patayin mo na lang yang TV at ilock yung pinto. Bukas na lang ng gabi ulet duty mo." Kinuha ko na yung mga pinagkainan namin pero akma na sana akong tatayo ng nagsalita ulet siya.



Jello's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon