Epilogue

328 18 4
                                    

May 7, 2025



"Happy Birthday Nicolai" nasa harap ako nang puntod nito ngayon. Nagdala din ako nang isang maliit na cup nang ice cream at mga bulaklak. Kaarawan nang taong buong buhay ko ay hinding hindi ko makakalimutan. Ilang taon na din ang nakalipas nang mangyari ang gabing iyon.



Matapos mangyari ang gabing iyon ay namatay din si Ivahn dahil sa ilang tama ng baril ang kanyang natamo. Hindi nakulong si Kevin dahil sa alam ko namang prinotektahan lang din ako nito mula kay Ivahn. Walang araw ding hindi dumating na umiiyak ako at higit sa lahat ay ang pagtatangkang tapusin na din ang aking sariling buhay ngunit mas pinili kong lakasan pa aking pananampalataya na magpatuloy sa buhay.



Sa ilang taon ding nagdaan ay lumago at napalaki ko ang The House of Med Pharmacy. Pero sa araw ding ito ay balak ko na ding ibenta ito dahil sa balak ko na ding magpakalayo layo at magsimula muli sa isang lugar na walang nakakakilala saakin.



Habang nag-aayos ako nang mga gamit ko ay muli kong nakita yung dapat ireregalo ni Nicolai saakin ng gabing iyon. Isang bagong phone actually pero ang phone na ito ay punong puno nang mga pictures na mayroon kaming dalawa noon. May mga pictures din akong tulog na tila kinukuhanan niya ako ng litrato habang tulog at ilang mga pictures na alam kong muling magpapaalala saakin ang isang Nicolai Flores.



Pero ang pinakamahalaga dito ay ang isang video recording na naroon siya. Sa huling pagkakataon ay muli ko itong pinanood at pinakinggan.



Baby!

Merry christmas saiyo baby ko. Pasensya na dahil ito lang yung alam kong maibibigay ko muna saiyo ngayon. Pero siyempre hehe buong katawan ko sayong sayo lalo na ang pagmamahal ko. Salamat Jello dahil ako yung pinili mo. Pinili mong makasama habangbuhay. Salamat dahil ako yung alam mong magbibigay sayo nang masaya at puno nang pag asang relasyon. Salamat kasi alam kong may araw na tila nakukulitan ka saakin o di kayo naiinis na din siguro. Pero ikaw at ikaw lang din yung hahanap-hanapin ko at pangako iyan na lagi lang akong narito para saiyo. Pangako din na never akong magmamahal ng iba dahil ikaw lamang yung kailangan ko Jello, ikaw lamang yung taong alam kong hinding hindi ako iiwanan. Mahal na mahal kita Jello. Mahal na mahal kita.

Sorry din kasi ngayon ko lang ito sasabihin sayo na alam ko yung tungkol sainyo ni dad. Nakausap ko na din siya regarding sa kung anong mayroon kayo. Nagulat din ako sa sinabi nito na ako yung pipiliin mo dahil ako yung taong matagal mo nang hinihintay at makasama.

Maraming maraming salamat doon Jello. Salamat dahil ako yung pinili mo at hindi yung alam kong unang taong minahal mo ng lubos.

Ikaw ba baby? Mahal na mahal mo ba ako kahit na alam kong pangalawang lalaki na ako sa buhay mo? Siyempre kahit di mo sasabihin saakin ay alam kong oo na agad yung sagot mo. Tsaka ayokong pangalawa dahil ako na yung una at huling lalaking mamahalin mo.

Andami ko nang dada hehe pero lahat nang sinabi ko at pangako ko sayo ay gagawin ko Jello. Merry christmas ulet sayo at saatin baby at yung phone na regalo ka na ito ay mapupuno nang pictures nating dalawa dahil sa December 31 ay nasa ibang bansa tayo upang salubungin ang bagong taon na tayong dalawa lamang ang magkasama.

Saan mo gusto Jello? I love you po.



At heto ako't umiiyak na naman dahil sa video na ginawa niya na parang kasama ko lang din siya ngayon.



"Miss na miss na kita Nico. Miss na miss na kita." At muli kong niyakap ang aking sarili sa lungkot at pagdadalamhati. Sa larong nasimulan ko ay tanggap kong ako yung natalo sa larong nasimulan ko.



The End. 

Jello's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon