Twenty Five

190 13 1
                                    

"Happy birthday ulet Nicolai" nasa labas na ito ng unit at dala yung bag niya. Iniwan niya na lang din yung mga ilang damit niya saakin which is natatawa ako sa reason niya na babalik din naman daw siya agad.




"Sira ka ba?"




"Bakit? Eh. Babalik din naman ako kaagad Jello. Kukuha lang ako ng ilang damit sa bahay then deretso na ko dito."




"Jusko po. Magtigil ka. Mauwi kana muna sainyo dahil sa baka hinahanap kana doon tsaka Nicolai, no worries din naman kasi dahil marunong akong magkeep ng promises. Ewan ko na nga lang din sayo?" Biglaan ako nitong hinala papunta sa kanyang bisig at dito ay hinalikan niya ako sa aking noo at saaking labi.




Pinasok din nito ang kanyang malikot na dila saaking bunganga dahilan ako naman yung sumipsip dito. Kusa ding kumilos yung isa nitong kamay na may pag pisil pisil na saaking pwet at nararamdaman ko na ding unti unti na ding tumitigas ang kanyang pagkalalaki.





"Tsk. Matigas na naman" may halay kong bulong dito and kinagat ko yung isang tenga nito.





"Ano bang mahika ang mayroon ka Jello?" Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito at init ng kanyang hininga dahilan upang muli ko siyang halikan sa kanyang labi.




"Sige na. Ingat ka sa biyahe mo."




"Sigurado ka na ba? Pwede naman-"





"Hindi na. Celebrate with your family Nicolai tska baka may surprise din sila mom at dad mo saiyo." Sumimangot lang din ito saakin at muli akong niyakap ng sobrang higpit.






"I love you" ngumiti na lamang ako rito at hinalikan siya sa kanyang pisngi at ilang saglit din ay nagpaalam na ito saakin.





Kinuha ko din yung phone ko at nagchat dito na magchat saakin kung nakauwi na siya. Since na ako na ulet mag isa sa unit ko ay pumunta ako ulet sa pharmacy which is ako na muna yung mag pang gabi na sched. Hindi ko na din sinabi doon sa isa dahil alam ko namang di na uuwi iyon at sasamahan na lang din ako.





Mga Isa't kalahating oras din siguro ay nagchat na ito saakin at nagsend ng picture niyang nakikita ang kanyang abs at yung alaga niyang bakat na bakat sa suot niyang white bench na brief.





hahahaha, iyan na lang din yung nareply ko sa kanya then back to business na ko ulet. Medyo madami din palang nabili ng ilang emergency na gamot tuwing madaling araw.





Nakakaramdam na din ako nang antok at napagpasyahan kong bumili na muna ng ice coffee sa kalapit lang naming shop pero palabas na din sana ako ng pharmacy nang biglaang dumating si Kevin sa harap ko at may dala dala na itong dalawang kape at isang box ng donut.






"Na miss mo ko?" Ngumisi lang ako dito at agad nang lumapit sa kanya upang kunin yung donut na hawak hawak niya. Naupo na kami parehas at tila may gusto itong sabihin saakin na ayaw niyang malaman ko.





"Ano iyon?"





"Hmmmm? Alin ba?" Humigop na muna ako ng kape na binili niya bago tumitig sa kanya ng maigi.






"Nicolai" ngumisi na ito saakin at tila nababasa na niya ang nasa isip ko. Sa pagkakataong ito ay sinabi na niya saakin ang nangyayari kay Ivahn at ang ilang lihim nitong pagmanman saakin.





Alam ko nang step son ni Ivahn si Nicolai dahil sa ID na nakita ko mula rito at ganoon na din sa pitaka na mayroon sa kanya. Sa una ay di ako makapaniwalang mag ama ang dalawang nakakasama ko pero kalaunan ay mas lalong nagiging interesado ako sa palapit pang nangyayari.





Wala naman akong planong masama sa mag ama pero liban na lamang sa isa.





"May suspetsa na din si Veronica kung sino ka Jello kaya mag ingat ka kung ano man magiging sunod mong hakbang pero ano nga ba nais mong makuha mula sa kanila?"





"Wala pa sa ngayon Kevin pero ipangako mo na nasa tabi kita palagi." Hinawakan nito ang isa kong kamay at marahang pinisil pisil.






"Alam mo namang kaya kong ibigay din sayo ang buhay ko maprotektahan ka lang." Ngumiti ako ng bahagya sa sinabi nito saakin. Natanong din nito kung kakamustahin ko rin daw ba ang ama ng sinabi niyang boyfriend ko ngayon.





"Hindi ko naman masasabing boyfriend ko si Nicolai tsaka nagiging marupok kami parehas nito dahil sa kung ano yung mayroon saamin ngayon. Alam ko din namang di niya kayang  kalimutan ang Isang tulad ko yang amo mo kahit pa sabihing ayaw niya ako makita pero malapit nang muli kaming magkita ni Doc Laudencia"





"At ganoon na din sa asawa niya. Tsaka nakausap ko rin kanina si Ivahn na tila naging interesado ito sa nangyayari sa kanyang anak anakan knowing na matagal tagal niya din itong di kinakausap."






Siguro nga. Pero alam kong humahanap lang din ng paraan si Doc para makalimutan ako. Hindi rin naman ako naniniwalang nagiging interesado ito sa kung anong mayroon ngayon si Nicolai.






Maliban na lang din kung alam na niyang ako ang kinababaliwan ng anak niya ngayon.






"Sinong tatawagan mo?" Kinuha ko ang phone ni Kevin at agad na pinindot yung call button sa number na mayroon si Ivahn. Nanlaki din mata ni Kevin sa ginawa ko pero huli na din ang lahat dahil sumagot na ito sa tawag ko.





"Kevin. Bakit?"







"Ako ito Ivahn." Nanunuyo ang bibig ko sa pagbanggit ng kanyang pangalan at bukod pa rito ay ang lakas ng tibok ng puso ko.





"Bakit hawak mo ang phone ni Kevin?"






"Hindi mo lang ba ako kayang kamustahin doc?" Nang aakit ang boses ko na maski si Kevin ay parang umayos ng upo.






"Para saan pa? Wala naman na tayong dapat pag usapan"






"Siguro pero maghihintay ako sayo mamaya. Mag isa lang ako sa unit at bukod pa dito doc ay nilalamig ako. Ikaw doc, liban na lang kung ayaw mong si Kevin ang katabi ko sa malamig na madaling araw." Magsasalita pa sana ito nang agad nang kinuha ni Kevin ang phone ko at siya na ang kumausap sa amo niya.






Sa itsura palang ni Kevin ay alam kong pinapagalitan na ito kaya agad akong lumapit dito at ngumiti sa kanya. Alam naman na niyang ang ngiting ginawa ko ay gumawa na siya ng paraan kung paano pahupain ang isang Ivahn Laudencia.







Bumalik na ako sa counter ng nagsalita muli si Kevin.





"Expect mong pupunta na siya ngayon dito Jello"

Jello's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon