Chapter 21: True Color

484 16 2
                                    

Serafina Eleanore's

Nandito ako ngayon at namimili ng mga vitamins kakauwi ko lang galing OB, okay naman daw ang baby at pinagsabihan lang ako paano ko daw aalagaan ang sarili ko at ang baby.

Ang bilis nga ng panahon, one week na agad simula ng malaman kong buntis ako.

"Narinig mo yun baby ha, iinom tayo maraming vitamins at kailangan natin kumain nang kumain kaya wag kang choosy sa food" natatawang saad ko.

Pero agad ding napawi ang ngiti ko ng maalala kong isang buwan at mahigit nalang nalalabi ikakasal na ang ama ng batang dinadala ko.

Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko, mas naging emosyonal ako pero sabi ni Doc normal daw yun.

Naglalakad na ako pabalik ng may maramdaman akong tumusok sa siko ko, at paglingon ko si Theo

At nawalan ako ng malay.

PAGKAGISING KO nasa isang malaking kwarto ako at nakatali sa upuan.

"Theo?" Sigaw ko.

Lumabas mula sa dilim si theo na may hawak na mahabang punyal. Kulay red siya na may crystal na clear sa pagitan ng talim at hawakan.

"Anong ibig sabihin neto?" Tanong ko.

"Hindi ko to ginusto sera, nahalata mo na kasi kaagad mga pakay ko at nalalapit na ang kasal. Hindi maaring mangyari ang kasal" saad niya at umupo sa harap ko.

"Anong--" he cut me off at nag ssh sign.

"I'm a vampire slayer sera, i need you so i can kill Lord Silvain" sabi ko na nga ba.

"Lahat ng pinakita ko sayong pag alala totoo yun, so before na maattach ako sayo ng tuluyan, kelangan magawa ko na to. I only need you for Silvain. I know he will be here any minute"

"Theo please wag" nagmamakaawa kong sabi habang tuloy tuloy ang luha sa aking mata.

"You don't know how cruel vampire is, sera! They kill, they destroy, they don't care about the other race or people. They don't care about you! Kapag lumakas sila, they can take over the world!" Sigaw ni Theo.

"Theo please" umiiyak ako habang nagmamakaawa kay Theo.

Ayokong may mangyari kay Silvain at sa anak ko.

Bumukas ang pinto at nagulat ako ng bumalibag si Theo sa pader.

Pumasok si Silvain, kulay violet ang mata niya at may kakaibang black aura sa paligid niya.

"You are finally here" natatawang saad ni theo habang natayo.

"You don't touch my life" saad ni Silvain habang papalapit kay Theo.

Tumayo si Theo at binato ang dagger at muntik itong tumama kay Silvain pero naiwasan niya.

Bumalik ang dagger sa kamay ni Theo, mukhang may something yung dagger, may sariling kakayahan.

Bago pa makalapit si Silvain ay agad binato ni Theo ang dagger pero sa balikat lang siya tinamaan at nagdugo iyon.

Humampas nanaman si theo sa pader habang papalapit si Silvain. Nang makalapit siya ay tinaas niya ang katawan ni Theo at nahihirapan itong huminga.

"You vampire slayers have the guts to do this, even though the only thing powerful about you is your daggers."

Nanlamig ang katawan ko ng maramdaman kong may kutsilyo sa leeg ko.

"S-silvain" napatingin siya sa akin at nabitawan si theo.

"Don't you dare" sigaw ni Silvain.

Nilapit ng nasa likod ko ang punyal at unti unting bumabaon.

The Vampire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon