Chapter 05: Sick

1.5K 62 6
                                    

Serafina Eleanore Bernardino's POV

Tatlong araw na simula nung ball at maayos naman ang nangyari.

Naglilinis ako ngayon ng kwarto dahil uuwi ako sa amin. Nabigay na yung sahod ko kaya uuwi muna ako at pinayagan naman ako ni young master

Pagkatapos maglinis ng kwarto ay naligo na ako at nagbihis

Nakapagluto na din naman ako ng pagkain ni Young master

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Young master na nakasandal sa railings ng hagdan

"Young master?" lumapit ako sakaniya

"Kailan ka uuwi?" tanong ni Lord Silvain

"Bukas po"

"Okay" Umakyat na siyang muli at ako naman ay napailing tsaka lumabas ng mansion

Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay pwede naman lakarin kaso medyo malayo

Pagkarating sa bahay ay naabutan ko lang ang tatay na kumakain mag isa.

"Tay!" Lumapit ako sakaniya at nagmano

"Oh! Buti at napadaan ka?"

"Opo day off ko, Na saan si Tita Elisha?"

"Simula nung nagtrabaho ka eh - ayon! siya na yung nagtitinda sa palengke"

"Kumain na ba siya?"

"Di pa nga eh, ito ngang pagkain ko tuyo lang!"

"Oh sige susunduin ko si tita elisha tapos bibili ako ng masarap na pagkain"

"Sige at ako'y magsasaing" lumabas ako ng bahay at naglakad patungong palengke

Malapit lang naman palengke sa amin.

"Tita" Sigaw ko kay Tita Elisha, nasa bungad lang kasi yung maliit na pwesto namin.

Lumapit ako sakaniya at nagmano

"Tita, tama na muna yan. Ngayon lang ako makakauwi kaya sulitin na natin"

"Tita pa din no?" nagtatampong sabi niya, gusto niya kasi nanay tawag ko sakaniya eh nahihiya ako

"Hehe nay"

"Ayan! oh sige papabantay ko muna ito. Leng! pabantay naman to, bayaran kita mamaya" tawag ni nanay kay Lengay, Leni talaga pangalan niya lengay ang nickname niya

"Sige te elisha" hinubad ni nanay yung apron at gloves tsaka naghugas ng kamay

Hinawakan ko siya sa kamay tsaka kami lumabas ng palengke

"Bili muna tayo lutong ulam nay, kahit litsong manok"

"Ikaw bahala, nga pala - kamusta trabaho?" tanong niya habang naglalakad kami

"Okay naman po nay, mabait naman siya"

"Saan ka ba nagtatrabaho?"

"Diyan lang po nay — ay bili na tayo" pumila ako sa bilihan ng litsong manok at bumili ng isang buo

Mabilis lang naman at inabot na sa akin yung pagkain.

Sumakay naman kami ng tricycle pauwi.

Maganda si Nanay Elisha at mukhang batang bata, siguro kung mag aayos siya or basta yung hindi pang nanay na damit? Mapagkakamalan kaming magkapatid

Swerte ni tatay kay Nanay Elisha, ang bait na maganda at sexy pa. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ni Nanay kay Tatay

Hindi naman sa sinisiraan ko si tatay ah? pero hindi kasi siya kagwapuhan, common na yung itsura niya - ako kasi nagmana ako kay mama

The Vampire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon