Serafina Eleanore's POV
Isang linggo na ang nakalipas ng magkita kami ni Silvain.
Iniisip ko ano ba namang laban ko sa prinsesa, una palang siya ang prinsesa tapos, maganda, malambing na medyo wild at sexy pa.
Siguro kung ikasal sila ni Silvain kahit ayawan niya sa una, eventually di niya din mahihindian yun kasi maganda at sexy, tsaka kelangan nila magka-anak.
"Anak, kain na" lumabas ako ng kwarto at agad bumaliktad ang aking sikmura ng maamoy ang pagkain.
Agad akong dumiretso sa lababo at sumuka.
"Okay ka lang?" Hinagod ni nanay ang aking likod.
"Anong nangyayari anak?" Tanong naman ni tatay.
Ang sinuka ko lang naman ay tubig.
"Okay lang po" nagmumog ako at kumuha ng tubig.
"Hindi ko lang po ata nagustuhan yung nakahain. Ano po bang ulam?" Tanong ko at nilapag ang baso sa lababo.
"Paborito mo to eh, paksiw na isda" sumilip ako sa ulam ng nakatakip ang ilong
"Oo nga ano" sagot ko.
"Baka nanibago lang nay kasi tagal ko din pong hindi nakakain ng paksiw sa mansion"
"Sabagay, may gusto ka bang kainin?"
"Wala po, lalabas nalang po muna ako" lumabas ako ng bahay at naglakad lakad.
Ngayon, pinakapaborito kong parte ng liebe ay ang katamtamang araw.
"How are you?" Napatingin ako sa naglalakad sa tabi ko.
"Theo" paano kaya siya nakalakad ng di ko napapansin?
"Yes, kamusta? Where's your lover?" Wow chismoso.
"Ano pinagsasasabi mo?"
Tumawa naman siya ng bahagya.
"Okay, let's play in denial here. As if hindi halata"
"Busy siya" yun lang ang sagot ko at naglakad na palayo.
Habang naglalakad ay napansin kong hiningal ako kaagad kahit lagi ko naman tong ginagawa.
Napaupo ako sa isang upuan di kalayuan.
Pinagpapawisan ako ng sobra, at parang umiikot ang mundo ko.
"Are you okay?" Tanong niya. Tumango lang ako pero hindi okay pakiramdam ko nahihilo ako.
"Sera!" Narinig kong sumigaw si Theo bago ako nawalan ng ulirat.
PAGKAGISING ko nasa hospitsl ns ako, may dextrose din.
Nakita kong tumayo si theo sa upuan at lumapit sa akin.
"Are you okay?" Tanong niya.
"Anong nangyari?"
"You passed out"
"Bakit daw?" Tanong ko.
"I'm still waiting for the doctor, they did some several tests including blood test, just to make sure" tumango ako.
"I'll get you some food" tumango ako at lumabas si Theo.
Pagkalabas niya ay ilang minuto dumating ang doctor.
"Hi"
"Hello po, ano pong nangyari?" Tanong ko.
"Well first, kulang ka sa nutrition, kulang ka sa food and water sa katawan kaya ka nagcollapse. Please take care of yourself, isipin mo pwedeng madamay yan, kasi if kulanh ka sa nutrition it can cause birth defects"
"Ha?"
"Birth defects like pag lumabas ang bata may sakit or may defect, at dahil lang yun sa kulang ka sa nutrition."
"Ano doc? Anong bata?" Tanong ko.
"Oh you didn't know? You are five weeks pregnant."
Five weeks?
Nabuo to nung nagpropose si silvain?!
"Sure ba to doc?" Tanong ko
"Yes, here's the list of vitamins you need to take and the recommendation to OB, please take care of yourself okay?" Tumango lang ako at napatingin sa hawak kong papel.
Maya maya ay dumating nadin si theo at may dalang pagkain.
"Ano sabi ng doctor?" Tumingin ako kay theo at bumuntong hininga.
"Kulang daw ako sa food and water intake" yun lang sinabi ko at tinabi sa bulsa ko ang papel.
"I see, kumain ka na buti may mga vegetables din akong binili"
"Why are you doing this theo?" Tanong ko habang naghahain siya.
"Because you're my friend"
"Really? Or may kailangan ka sakin?" Tanong ko
Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero ngumiti.
"Wala, ano naman magiging kailangan ko sayo?" Tanong niya.
Hindi ko alam kung napapraning lang ako, naalala ko kasi mga vampire slayers and suspicious ang pagiging close sakin ni theo.
Nilapit niya sakin ang takeout box kaya kumain na din ako. Para sa anak ko.
Pagkatapos namin kumain pinaubos lang yung dextrose at lumabas na kami ng hospital.
Buti na din na di niya tinawagan magulang ko or pinapunta ayoko mag alala sila.
"Serafina, take care of yourself" makahulugang saad ni theo at umalis na.
Pagpasok ko sa bahay mukhang tulog na ang mga tao kaya pumasok na ako sa kwarto.
Ano kayang magiging reaksyon ni Silvain pag nalaman niya
Matutuwa ba siya? Maiinis?
Tatanggapin niya ba?
Pero kahit ano mang gawin nila, ano mang maging reaksyon niya. Di ko pababayaan ang bata
Kung eto nalang ang magiging alalaala ko kay Silvain pag nawala na siya sa akin, tatanggapin ko.
Ang alam ko dalawang buwan nalang. Ikakasal na sila, magaanak at syempre di na ako kasama sa mga plano after non
Na-briefing naman ako ng maayos ni Silvain kaya kahit mahirap tanggapin, alam ko na.
Alam ko na kung saan ako lulugar.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Slave
VampirosAlleris Family. Isang sikat na pamilya sa buong syudad ng Liebe. Kilala sila dahil sa angking yaman ng mga ito at magagandang itsura ng mga ito, madaming naiinggit sa taglay nilang ganda at kagwapuhan. Ngunit sa likod ng kanila mababait at magagand...