Serafina Eleanore Bernardino
Sa sobrang bored ko sabi ko kay nanay ako nalang magbabantay ng pwesto sa palengke
"Mars, isda kayo diyan" alok ko
May lumapit na ale at bumili ng isang kilong tilapia at agad ko namang pinaunlakan
"Salamat ganda" saad ko, parang nagblush naman yung ale at umalis
"Serafina?" napatingin ako sa tumawag sa akin
"theo?" nagtatanong kong saad kasi di ako sure kung theo name niya
"Yeah, nagtitinda ka pala dito. Ngayon lang kita nakita"
"Bakasyon ko kasi sa trabaho, stay in ako eh ngayon lang ako nakabalik dito. Ikaw wala kang trabaho ngayon?" Paliwanag ko
"Wala, if you don't mind gusto mong tulungan kita dito?" tanong niya
Napanganga ako ng litiral sa sinabi niya, I mean siya na mukhang anak mayaman na malinis sa katawan hahawak ng isda?
"sure ka?" tanong ko
"Yeah"
Napalingon ako sa paligid ng makitang madaming babaeng nakatitig sakaniya, mukhang makakakuha ako ng madaming customer ah
"Sige sige"
Lumapit siya sa akin at naghugas muna ng kamay at nagsuot ng apron, hinubad niya din yung coat niya at sinabit
Agad nagsidagsaan ang mga babaeng customer ng pumwesto na si Theo
"Hi pogi! Pabili naman ako ng isda mo"
"Sure, Ilan?" tanong ni theo
"Anong ilan?" takang tanong ko
"uhm i don't know how to do this sorry" natawa naman ako ng makita ang mukha niyang parang gulong gulo
"Per kilo, tanong mo kung ilang kilo tapos ilalagay mo diyan sa weighing scale - Dibale na ikaw nalang magtanong sakanila at magbalot ng isda ako na magkekwenta kung magkano at magkikilo"
Sobrang daming bumili at halos puro babae tinuruan ko naman si Theo magkaliskis para mapadali kami, mabilis din naman niyang natutunan ang bagay na iyon
Bago pa mag alas kwatro ng hapon ay ubos na lahat ng tinda namin
"Wow, ang galing mo theo!" I said and smile
"Thanks, magaling kasi mentor ko"
"Sus, nang bobola pa"
Niligpit na namin lahat ng gamit at hinatid niya ako malapit sa amin
"Thank you for helping me theo"
"No worries. Una na ako?"
"Sure sure thank you" nagulat ako ng lumapit siya sa akin humalik sa pisngi ko
Hindi naman agad ako nakakilos dahil puno ang dalawang kamay ko ng mga gamit
He flash his sweetest smile at tumalikod paalis
Ilang minuto lang akong nakatitig sa kawalannang may marinig akong tumikhim
"What a an asshole, leaving a woman after kissing her" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Young master
Agad kong nabitawan ang mga hawak kong balde at tumakbo palapit sakaniya
Tinanggap naman niya ako at niyakap ng mahigpit
I miss him, kahit na maguluhan siya kung bakit ako ganito ka clingy okay lang maiparamdam ko lang na sobrang miss ko na siya
"Young master"
BINABASA MO ANG
The Vampire's Slave
VampireAlleris Family. Isang sikat na pamilya sa buong syudad ng Liebe. Kilala sila dahil sa angking yaman ng mga ito at magagandang itsura ng mga ito, madaming naiinggit sa taglay nilang ganda at kagwapuhan. Ngunit sa likod ng kanila mababait at magagand...