Chapter 4

175 7 2
                                    


He massage his neck as he walked pass Claire. Sa totoo lang naasar siya sa sarili dahil hindi niya mapigilan lagi ang sariling hindi ito pansinin. But lately parang mas nagiging eager siyang nakikipagtalo dito.  It wasn't that his pissed or anything. Her expression just remind him of the woman, that keeps lingering on his thought. And even her scent feels so familar.

Pero sinaway rin niya ang sarili. It was too impossible. Masayado lang siyang pre-occupied lately kaya kung anu-anong naiisip niya.

Kaya dumiretso na lang siya sa restaurant ng hotel. Almost lunchtime na rin. At dahil sa pag-aalala niya sa kanyang abuela kaya nakalimutan na niyang mag-almusal. Kung hindi pa kumalam ang sikmura niya hindi pa niya mapapansin ang oras.

He was practically living at El Grande. Nasa top floor ang office-con-condo niya. Mas convenient yon kaysa mag-uwian niya from Ortigas to Tagaytay. Masyado siyang busy para doon.

Pagdating niya ay kaagad siyang inasikaso ng isa sa mga waiter. Sinabi lang niya ang usual order niya dito. Binuksan niya ang kanyang dalang tablet habang nag-aantay sa pagkain niya nang maagaw ang atensyon niya sa pag-uusap ng dalawang staff.

"Umalis na ba si Ms. Claire?" Tanong nang manager. "Sabi ko maglunch muna siya bago magpunta sa hall."

"Puntahan ko lang siya Ms. Jean." Bakas ang excitement sa tinig ng lalaking kausap nito. Parang bigla tuloy s'yang nairita.

Napatingin siya sa rolex watch niya. It was pass one pm. In just a snap. He found dialing Claire number on his phone. Dalawang ring lang at sumagot naman ito.

"Claire, pumunta ka sa restaurant ngayon na." Then he hung up. Alam niyang malakas ang boses niya dahil biglang natahimik ang paligid.

"Huwag ka nang pumunta Billy, tinawag na siya ni Sir."Dinig niyang sabi ni Jean sa kausap. Sa kung anong dahilan bigla siyang napangiti.

"Bakit pa niya susunduin si Claire, kung puwede niyang tawagan." Napailing pa siya. Hindi naman nagtagal ay dumating ito. Bigla siyang napalunok ng nasa harap na niya ito. "What the heck is wrong with me?" Lihim na sita niya sa sarili. Senenyasan niya ang waiter na gawing dalawa ang order niya. Kaagad naman itong tumango.

"Hinanap mo ako Sir?" Ang humahangos na tanong nito.

" Tumakbo ka ba?" Hindi niya napigilang itanong. Mukha kasing pinawisan ito. Kaagad naman nitong pinunasan ang sariling pawis sa noo.

"Ahm-- medyo lang ho." Asiwang sagot nito.   "Bakit n'yo ho ba ako pinatawag?"

He cross his arms and lean his back on the chair. Sa kung anong dahilan parang na-aamuze siya sa un-easiness nito sa harap niya. Hindi niya maiwasang mapangiti. Dumating ang order niyang pagkain. Halatang nagulat ito. Nang ilagay ng waiter ang pagkain sa harap niya ang order ng vegetable beef soup. Same as the one he has. Sige lang Max, ayaw mong pansinin pero ganyan ang ginagawa mo."

"Kumain ka na."Aniya dito na ikinatitig nito sa kanya. Her eyes where flooded with question. Pero hindi ito nagsalita. "Alam mo ba kung anong oras na? Mas nakikinabag ang kompanya kong dedicated at masipag ang empleyado. But that doesn't mean that you should neglect your self just because your busy." Sermon niya dito.

"Ganyan nga Max, ipahalata mong concern ka." Tudyo ng isang bahagi ng utak niya na kaagad naman niyang kinuntra. His just looking out for his employee's health.

"Kanina lang sinusungitan n'yo ako tapos ngayon." Mahinang reklamo nito.

"Natutuwa ka bang laging nakikipagtalo sa akin?" He was curious. "Oh mas gusto mong hindi ka pinapansin."

I Slept with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon