Chapter 6

158 7 4
                                    

NAGING ABALA si Max sa nakalipas na tatlong araw.  Hindi rin siya nagpupunta sa opisina. O mas tamang sabihing umiiwas siyang magpunta roon dahil sa isang bagay. Dahil naguguluhan siya. His getting fond of Claire. At hindi niya gusto ang kakaibang pakiramdam na dala nito sa kanya. 

She's weird, old fashion nerdy woman who never listen to him. Kaya ipinagpasalamat niyang sa nakalipas na araw ay hindi ito tumatakbo sa utak niya.  Pero dahil may early meeting siya kaya naroon siya sa DSI building

 May meeting siya at eight thirty am. Pero alas siete y medya pa lang ay nasa office na siya. Nagpasya siyang dumiretso sa office cafeteria. He was starving. He only took sandwich and coffee. He was looking for a table when he saw Claire. Plano sana niyang iwasan na lang ito. Pero natagpuan niya ang sariling nakatayo sa harap nito. Abala ito sa pagkain mula sa dalawang tupperware na nasa harap nito. She was busy listening on something from her phone habang ang isang kamay nito ay abala sa pag-scroll ng nga picture nang event sa tablet nito.

 Ilang segundo na siyang nakatayo doon pero hindi pa rin siya nito napapansin. She took the tumbler on her side. Aktong iinum ito ng muntik na itong masamid ng makita siya.

"Can I sit here." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang paggala ng tingin nito sa paligid. As if she's afraid to get caught.

"Natatakot ka bang makita ng boyfriend mo na may lalaking  kang kasabay mag-almusal?"

"Wala ho akong boyfriend,nag-aalala lang ako na baka bigla na lang ako masalvage ng mga fans n'yo." Napalunok pa ito.

She's actually cute even without trying. Lihim na komento niya. Kaya sinaway niya ang sarili.

"Ang dami mo atang baon?" Puna niya. Her food looks tasty. And dumpling was his favorite.

"Dapat sabay kami ni Aya mag-almusal pero malelate daw siya. Kaya ako na lang kakain nito. Gusto mo Sir, "alanganing alok nito.

"Well, it looks edible."

"Kukuha ako nang extra plate,"pero bago po man ito nakatayo ay dinampot na niya ang ginagamit nitong chopstick. He took a slice of seaweed rice roll. Napatingin siya dito.

"Its good, where did you bought these?" Then he took the dumplings.

"Hindi ko binili 'yan. I prepared them myself." Nahihiyang pag-amin nito.

"Talaga, you still find time make this yourself. "He was enjoying it. At talagang masarap ang breakfast na dala nito. Hindi niya namalayang naubos na niya ang laman ng tupperware nito.

She unintentionally pout her lips as he scan the empty container. Pero mula kung saan ay parang larawan a harap niya na ang appear ang babaing ilang linggo na rin niyang hinahanap. Hindi niya maintindihan  why Claire keep reminding him of that woman.  Naisip niyang  baka dahil may mga mannerism si Claire tulad nang sa babaing 'yon.

"I'm sorry, you can have my sandwich, then" Gusto niyang matawa sa reaksyon ng mukha nito. Di na ito nakatangi ng ilagay niya sa kamay nito ang sandwich.

"Ang yaman-yaman mo pero parang di ka kumain maghapon ah." Anito saka binuksan ang sandwich. "Hindi ako mahilig sa tinapay kaya kainin mo na ito." Hindi niya maiwasang titigan ang tinapay na inaabot nito. Is she really that thoughtful? Wala pang babaing gumagawa noon sa kanya. "Okay lang naman naubos mo 'yon, Sir. Actually kalahati na nang dumplings ang nakain ko." Natatawang saad nito. Saka inilagay sa kamay niya ang sandwich.

Ang totoo wala pa talaga siyang kain mula kagabi. Dahil sobrang pagod siya, kaya nakatulog siya kaagad. But eating those delicious dumplings made him felt energized.

I Slept with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon