Chapter 9

463 8 8
                                    


"HI Sir,"Narinig niyang bati ni Ashley dito.  Papalapit siya lift nang mapansin niyang nag-uusap ang mga ito. "Salamat mga pala Sir  sa Pizza. Nag enjoy kami lahat sa office." Hinawi pa nito ang buhok halatang nagpapacute. Kaya napa-ismid siya.  Parang sarap hilahin nang  mahabang buhok nito.

"Your welcome."Tipid na sagot nito.

"Siya nga pala Sir, birthday ni Mama sa friday sana makapunta ka, hindi kasi makakapunta si Lola Juliane, sabi niya puwede daw  kitang i-invite kong 'di ka busy." Parang naririnde siya sa paraan ang pagsasalita nito.

"Well, will see, subukan kong isingit sa schedule ko." Parang nagliwanag naman ang mukha ni Ashley sa sagot nito. Saka mabilis na inabot ang invitation card dito. Mukhang hindi napansin nang mga ito ang presensya niya.  Mabilis na nilagpasan niya ang mga ito nang bumukas ang lift.

"Claire, may event ka mamaya sa El Grande." Anang ni Max na nakasunod na pala sa kanya. Para namang batang naghabol si Ashley para sumunod dito. Saka siya inirapan. Sa mata nito parang sinasabi nitong she can't read the lines.  Pero hindi niya ito pinansin. Max stand on her side.  Napagitnan nila ito ni Ashley.  Panay naman ang  ngiti nito dahil malapit ito kay Max.

Kapag nalaman nitong inaalok siya lalaking kinababaliwan nito nang kasal siguradong magwawala ito sa galit. Muling bumukas ang elevator sa second floor. Apat na babae ang pumasok. Dahil panay ang kuwetuhan ng mga ito. Wala atang nakapansin kay Max. Then another group enter the lift kaya wala siyang nagawa kundi ang umatras. Napasiksik siya sa dulo ang lift. Pero may kamay na humawak sa likod niya upang hindi siya  bumanga sa pader nag elevator. Parang nanigas naman siya nang madama ang mainit na palad nito. Kaya hindi niya naiwasang tingalain ito. Pero wala naman siyang nakitang reaskyon mula dito. 

Napangiti siya nang wala na sa tabi ni Max si Ashley mukhang  nasingitan ito nang malaking babaing pumasok. Abala ito sa cellphone nito kaya hindi nito napapansin ang katabing Boss nila. Mula sa kanyang peripheral vission ay kitang kita niya ang gusot ang mukhang si  Ashley.  Malamang kinukontrol lang  nito ang katarayan dahil sa presensya ni Max.

Hindi na man nagtagal ay nakarating sila sa floor nila. Pero dahil nasa dulo na siya kaya  nahirapan siyang dumaan.

"Excuse me ladies." Parang magnet na nagtigninan sa direksyon nila ang mga babaing sakay ng lift. Na halatang nagulat ang mga ito. Sinamantala siya 'yon upang makadaan. Naimagine na niyang magkakagulo ang mga babae dahil sa presensya ni Max. Kaya hindi niya maiwasang mapangiti.

"Grabe ka Claire hindi mo man lang ako hinintay." Reklamo ni Ashley sa kanya nang lapitan siya nito sa desk niya. Hindi niya nakitang lumabas ito nang lift kanina.

"Ah, akala ko may pupuntahan ka pa eh." Kibit balikat na saad niya dito.

"Hmmp--- kung makadikit ka kay Sir akala mo----"

"Excuse me siya kaya ang dumidikit sa akin." Gusto sana niyang sabihin. Pero pinili na lang niyang manahimik. Wala siyang panahon para makipagsikusyon dito. Inayos lang siya ang ilang gamit para dalhin sa event. Maaga gaganapin ang event kaya kailangan niyang pumunta sa hotel. Kailangan rin niyang dumaan sa storage roon para magdala nang ilang supplies na kailangan niya.

Nasa parking siya, habang isinasakay ng sevice car ang ilang gamit na dala niya. Nang bumukas ang elevator sa basement.  It was Max.  

"Sa akin ka na sumabay." Anang nito.  Kinausap nito ang service at sinabing sumunod na lang sa kanila. Napakamot na lang siya ang ulo at sumakay sa kotse nito.

"Should we have dinner together." Kunot noong napalingon siya dito. "Should I say  we should start dating." Muntik na siyang masamid nang sariling laway. Sila magdedate?

I Slept with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon