Chapter 8

204 5 1
                                    

"HI BABE, I miss you."Excited na salubong ni Aya sa boyfriend nitong si Denver.

"Sus, para namang isang taon kayong hindi nagkita." Nakokornihan siya sa dalawang 'yon.  Nagkasabay sila ni Aya pagpasok kanina sa entrance. Maaga raw ito para maabutan ang boyfriend nito.

"Ingit ka lang sa amin ng babe ko."Tudyo ni Aya sa kanya. "Teka, bakit dito ka sa office dumiretso imbis na sa bahay?"

"Ahm--" saglit siya nitong sinulyapan sabay iwas ng tingin. "may meeting ako kay Sir Max."

"Grabe talaga yang Boss natin, 'di man lang niya naisip na pagod ka sa biyahe.  Kawawa naman ang babe ko. Sige uwi ka na lang muna. Para makapagpahinga ka." Udyok ni Aya dito.

"Oo babe, kita na lang tayo sa bahay ha." Anang nito saka mabilis nang umalis.

"Anong problema ng jowa mo?" Kunoot noong tanong niya habang sinusundan ito ng tingin.

"Naku pagod lang 'yon. Halika na. Nagdala ka ng breakfast." Lambing nito. Inangat niya ang dalang lunch bag na ikinangiti nito ng maluwag. "The best ka talaga."


Bandang hapon ay ikinagulat nila ang pagdating ng ilang box ng pizza para sa meryenda.

"Kanino galing?" Kuryos na tanong ni Becky isa sa mga ka department nila.

"Kay Sir Max po para kay Ms. Ashley." Kaagad namang napatayo si Ashley at nilapitan ang messenger na may dala ng Pizza.

"Oh my---"kinikilig na turan ni Ashley. Hindi maiwasang makadama ng pagka-irita ni Claire ng sandaling 'yon. "Thank you Mang Alfred." Dinig niya ang bulong bulongan ng mga naroon. Na mukhang nagdedate na ang Boss nila at si Ashley.

"Pagkatapos niya akong utusang gumawa ng dumplings niya boung araw . May Ashley naman pala siya." Maktol niya. Kung 'di lang sa nangyari dito,  di talaga  niya ito sasamahan sa suite nito. Nakonsensya kasi siya. Dahil kahit paano alam niyang kasalanan niya 'yon.

"Hoy, nakasimangot ka d'yan?" Pabulong na saad ni Aya sa kanya.

"Of course not." Aniya saka bumalik sa puwesto at ipinagpatuloy ang trabaho niya. But for some reason hindi niya magawang magconcentrate.

"Ang suwerte mo naman Ash," si Mrs. Rivas.   Pero makahulugang nakatingin ito sa kanya. Saka ngumiti.

"Wala ito Ma'm I-share natin ang pizza para sa lahat." Para itong nagkaroon ng halo sa kabaitan. "Ah, Claire sa inyo na ito. Mamimigay rin ako sa iba." excited na turan nito. Sinong mag-aakala na lagi itong nagmamaldita sa kanya.

"Mukhang finally gumana na ang gayuma niya kay Sir Max. Good luck talaga kay Boss." Si Rachel na naiiling pa. "Tirahin na natin to. Baka magbago pa ang isip niya."

Wala siyang planong makikain sa pa-pizza ni Max kaya nagkunwari siyang busy. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Ikinagulat niya nang makita ang message dito.

"Parking Lot now!"

"Makapag-utos." Muling tumunog 'yon.

"In five minutes." Ano naman kayang ipapagawa nito sa kanya. 

"San ka pupunta?" Tanong ni Aya habang kumakagat nang pizza

"Sa magaling nating Boss."  Nag-paalam lang siya sa supervisor niya bago umalis.

Naabutan niya si Max na nakatayo habang nakasandal sa kotse nito. Para itong modelong nag-aantay na makuhanan ng larawan. Lihim siyang napalunok habang pinagmamasdan ito sa ganung ayos. Biglang lumukso ang puso niya nang salubungin nito ang mata niya. Saka ito ngumiti ng ubod tamis.

I Slept with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon