Chapter 5

200 6 1
                                    


"ALAM mo ba ang kumakalat na chika." Nanlalaki ang mata ni Aya sa kanya.  Namaywang pa ito sa harap niya na parang nag-aantay na magsalita siya. But she just look at her. Wala siyang hilig sa chika.  "So hindi mo talaga alam. Sa El Grande Hotel." Nalaman niyang ito ang ipinadala ni Mrs. Rivas para sa event na iniwan niya. Wala raw kasi si Ashley. Aya was also an event coordinator pero na promote ito  a year ago bilang purchasing assistant. Mas nauna naman itong pumasok sa DSI kaya expected na 'yon.

Umiling siya.  Pinalo lang nito ang braso niya. Saka lumapit nang husto sa kanya. Nalaman pala nito ang nangyari sa elevator at ang ginawa ni Max sa kanya.

"I had this feelings talaga na may something sa'yo ang Boss nating 'yon."

"Ano namang something?" Nagtatakang tanong niya dito.

"Na gusto na ni Sir Max, " isang tampal sa noo ang ibinigay niya dito.

"Oo, gusto niyang gawing mesirable ang buhay ko." Naiiling na saad niya saka muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa.

"Paano kung alam niya na---"

"Tumigil ka nga, ikaw lang at ang jowa mo ang nakakalam. Kaya malamang sa inyo lang manggagaling 'yon. Kaya please lang Aya. Dont  ever -----"

"Oo na, sinabihan ko naman ang my babes ko na sekreto talaga natin 'yon." Alam naman niyang hindi siya ipapahamak nito.  Umankto pa itong isiniper ang bibig.

"Pero iba talaga ang feelings k--- ouch."

"What's going on here?" Muntik nang tumalon ang puso niya nang marinig niya ang boses na 'yon. Nasapo pa niya ang dibdib nang nang lumingon siya dito.

"Hindi ka naman ba makahinga?" She was sure he sound worried pero dahil seryoso naman ito kaya malalang nagkamali lang siya.

"Ah sige, maiwan na kita ha. Sige ho Sir." Parang bulang biglang naglaho si Aya sa harap nila. Napakasama talaga nang babaing 'yon. Paano nito nagawang abandonahin siya nang ganun na lang.

"May kailangan kayo, Sir?" Saglit itong natigilan tila nag-isip.

"Ah wala naman, naisip ko lang na--- well kumustahin ka." Grabe, pagkatapos siya nitong kaladkarin sa  hospital kahapon at sinabi nang doctor na nagpanic lang kaya  hindi siya makahinga. Hindi pa pala ito naniwala. But at some point she find herself smiling at him.

"Mukhang okay ka naman."

"Okay lang naman kasi ako, ayaw mo lang maniwala. Masyado naman kayong nag-aalala sa akin." Muntik na niyang masampal ang bibig sa katabilan niya.

"Bakit naman ako mag-aalala sa'yo? Masyado ka naman assuming. Sumama ka sa akin." Anito sabay talikod.  Sa inis niya ay parang gusto niyang batuhin ito nang hawak na ballpen. Pero bigla itong lumingon kaya nagkunwari na lang siyang may hinahanap. Dinampot niya ang kanyang planner.

Nakita pa niyang kumaway sa kanya si Aya bago siya tuluyang nakalabas ng kanilang opisina.

"Saan tayo pupunta?"Nagawa niyang itanong habang sakay siya nang kotse nito. Pero lumipas na ang ilang sandali at hindi naman ito nagsalita.

The silence gave her the chance to still glance at Max. Seryoso itong nagmamaneho. Parang malalim ang iniisip.

"Alam kong guwapo ako, kaya hindi mo ako kailangan titigan nang ganyan." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin ng lingunin siya nito.

"Ang yabang!" She murmured.

"I'm hungry." Napalingon siya sa tinuran nito. Nalaman niya ditong 'di pa pala ito naglulunch, dahil busy ito sa meeting kanina. Hindi raw kasi ito nakakain noong lunch break. At alas dos na ang hapon. Sa isang restaurant sila nakarating. Buti na lang at walang gaanong traffic.

I Slept with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon