Lily's Point of View
(Thalia Andres Stevens)
"Lily! Ano na? Walang balak kumilos?"
Huminga ako ng malalim saka walang ganang bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Nakakainis naman tong si Kelly.
"Hoy! nakita ko yun ah!"
Inirapan ko lang sya nang makita nya kong sinamaan ko sya ng tingin. Bago pumasok sa bathroom ay binelatan ko pa ang nakakaasar nyang mukha. Akmang babatuhin nya ko ng unan pero mabilis kong naisara ang pinto at narinig ko pa ang reklamo nya.
Natawa nalang ako. Kahit kailan talaga pikon ang babaeng yon. Pagkatanggal ko ng mga damit ko ay tumapat na agad ako sa shower.
Alas siete palang naman ng umaga bakit kaya ang aga naming umalis ng babaeng yon. Ito kasi ang unang araw namin sa pagiging 4th year college student sa Infinite University. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang pangalan ng university na pinag aaralan ko pero tanging kalokohan lang ang nasa isip ko. Parehong BSBA Major in Finance ang kursong kinuha namin ni Kelly. Sa katanuyan dapat ay Engineering ang kurso ng kaibigan kong yon pero may nangyari daw kaya hindi na siya doon nagtuloy.
Si Kelly Montefalco ay bestfriend ko since senior highschool. Matangkad sya, varsity ng basketball team, maputi, super rich at higit sa lahat poganda.
Poging-Maganda.
Lahat na siguro ng gusto ng isang babae ay nasa kanya na. Pwera nga lang sa ano.. alam nyo na. Hahaha. Pero kahit na wala siya non, mas maituturing naman na gentlewoman ang kaibigan kong yon. Ang downside nga lang ay may pagka babaero siya. Aminado naman daw siya doon.
at saka may palaging linya yan siya,
'Di bale nang walang dalawang bilog sa baba, Mas malaki naman ang nasa taas ko!'
At kapag sinasabi niya yon, sinusungalngal ko siya ng tsinelas. De biro lang, sapatos lang naman sinusungalngal ko sa kanya.
Isa kasing lesbian yang si Kelly. Ni hindi mo makikitaan ng kahit anong kilos lalaki yan. Minsan lang, Kapag trip niya. Pero sobrang tumal lang, Kahit nga naglalaro yan ng basketball dapat naka full make up at eyelashes pa yang babaeng yan eh. Mas maarte pa yan sakin na straight ha.
Yes, Straight ako.
At dahil nga doon kaya kami naging magka ibigan. Noong senior highschool kasi kami ay sinubukan nya kong pormahan pero agad ko syang binusted dahil alam ko sa sarili ko na wala sa ganung linyahan ang pagkatao ko. Wala naman akong problema sa mga nagkakagusto sa kapwa ko gender. Siguro ay di ko lang talaga feel makipag relasyon sa kapwa babae.
At yun nga.. noong una ay naging mapilit sya. Na sabi nya ay kaya nya kong baluktutin pero daliri nya lang naman ang binaluktot ko nang hawakan nya ako sa kamay nang walang permiso.
Simula non mas lalo syang naging makulit. Pero di na daw nya ipipilit ang feelings nya para sakin. Gusto nya nalang daw akong maging kaibigan. At pumayag naman ako. Bukod naman sa pagiging makulit ni Kelly alam ko naman na sincere ang pakikipag kaibigan niya. Mabilis lang naman daw siya maka get over sa feelings niya. Kaya naman simula senior high hanggang ngayong 4th year college ay magkasama na kami.
At sa kasamaang palad, heto kasama ko parin sya.. para syang linta kung makadikit sakin minsan. Hindi narin kami halos mapag hiwalay. Pero hindi ko naman yun nirereklamo. Ang totoo nyan.. nasanay narin ako na nasa tabi ko sya. Parang nagkaroon ako ng instant sister dahil sa kanya. Only child lang kasi ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/336203012-288-k430242.jpg)
BINABASA MO ANG
Dancing With The Psychopath (GL)
Misterio / Suspenso(GXG - MATURE 🔞 - DARK ROMANCE) For you, what is love? Is love happiness or sacrifice? A form of freedom or a prison? Is it right to love someone so much-even if that overwhelming love causes you to forget your own worth? Is it fair to use the phr...