CHAPTER 1

68 12 3
                                    

GABI na nang magising si Rai sa isang silid. Dahan dahan siyang bumangon habang kinukusot ang kanyang mata.

"Ayos ka lang ba iho?" tanong ng isang lalaking may katandaan na. Siguro ito ay nasa 50's na. Nakaitim itong alb robe na kadalasang suot ng mga prayle.

Tinitigan ito ni Rai at saka niya naalala ang pangyayari kanina. Muli siyang nakaramdam ng takot, "Gago, sino ka naman ngayon?! Si kamatayan?!" tanong niya rito at saka napabalikwas.

Nagulat ang matanda sa sinabi nito, "Aba ang batang ito! Mga kabataan talaga ngayon—" naputol ang sinasabi nito nang dumating ang isa pang lalaki na nasa edad kwarenta na.

"Father, gising na po ba ang ating bisita?" tanong ng lalaki na tila ba ay lay minister sa simbahan. Dala nito ang isang baso ng tubig.

"F-father?!" gulat na tanong ni Rai. "P-pari po kayo?" pagkukumpirma niya.

"Oo at hindi ako si kamatayan, susmaryosep kang bata ka. Matabil ang iyong bibig! Mangumpisal ka!" sermon niya dito.

"S-sorry po Father, pasensya na po kayo. Akala ko po kasi—"

"Tama na at baka kung ano pang kalapastanganan ang iyong masabi! Brother, pakihatid na itong batang ito palabas ng simbahan. Mukha namang ayos na ang pakiramdam niya." galit na sabi ng pari sa lay minister at saka umalis.

"S-sorry po ulit." mahiya-hiyang pagpapaumanhin niya.

"Ayos na ba ang iyong pakiramdam iho? Heto uminom ka muna ng tubig nang mahimasmasan ka." iniabot sa kanya ng lay minister ang tubig sa baso at naupo sa silyang katabi ng kama.

"Medyo okay na po ang pakiramdam ko. Salamat po."

"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Nakita ka naming walang malay sa gitna ng simbahan." pag-uusisa nito kay Rai.

"Ah, eh—" nagdadalawang-isip si Rai na sabihin ang totoo. Baka mamaya ay mapagkamalan siyang baliw nito. "Nahilo lang po ako." sagot nito.

"Gano'n ba? Kaya mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Opo, kaya naman na po."

"Sabihin mo lang kung hindi at maaari ka namang magpalipas ng gabi dito sa simbahan o kung may susundo sa iyo ay mas mabuti. Baka mag-alala ang mga magulang mo."

"Okay lang po ako. Saka wala pong susundo sa akin. Nasa ibang bansa po ang mga magulang ko." mula high school ay tanging kasambahay na lamang ang kasama ni Rai sa kanilang bahay. Ito ang nag-alaga sa kanya dahil nga sa busy sa business ang kanyang parents. Madalang kung makauwi ang mga ito.

"By the way, may nakita po ba kayong magandang babaeng nakaputing dress?" tanong ni Rai sa lay minister. Gusto niyang kumpirmahin kung totoo ba o guni-guni lang niya ang mga nangyari kanina.

"Magandang babaeng nakaputing dress? Hmmm. Parang wala naman iho. Ikaw na lamang ang natira doon kanina. Wala kaming nakitang iba bukod sa'yo."

Napatango na lang si Rai sa sinabi ng lay minister. Ngunit hindi pa rin siya kumbinsido. Hindi siya maaaring magkamali. Nagpakita si God sa kanya kanina. "Babae po ba si God?" tanong niya sa lay minister.

"Hmmm. Sa totoo lang ay hindi ko masasagot iyan pero sabi nila, God is one of us and He is always watching us. Who knows? Malay mo nakahalubilo mo na siya. God may be someone from the streets, the homeless, the beggar. God may also be a doctor, a lawyer or even yung teacher sa school mo. That is why we should always show genuine kindness kasi hindi mo alam baka mamaya si God na pala ang kausap mo."

"So, God may be a girl?"

"May be or may be not. Who knows? I haven't met God. Curious na curious ka ah. You read the bible?" tanong ng lay minister kay Rai.

I LIVED AS SHY [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon