Chapter 2

50 11 2
                                    

"SHY malelate ka na sa school." tawag ng Lola ni Shy dito. Nagmadaling mag-ayos si Shy at saka bumaba ng kanyang kwarto. Alas siete y media na ng umaga at thirty minutes na lamang bago mag-umpisa ang kanilang klase. Mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang kilos dahil may dadaanan pa siyang cupcake.

"'La, late na po ako. Di na po muna ako magbebreakfast." sabi niya habang nagsasapatos.

"Sige apo, kung makakain ka sa school niyo ay kumain ka para hindi ka magutom ha." bilin nito kay Shy.

"Opo La. Pasok na po muna ako." saka ito humalik sa pisngi ng kanyang Lola bago tuluyang umalis.

Lumaki si Shy sa pangangalaga ng kanyang Lola. Bata pa lamang kasi ito nang pumanaw ang kanyang mga magulang sa isang car accident. Mula noon ay Lola na niya ang nag-alaga at sumoporta sa kanya. Lumaking mahiyain ngunit malambing na bata si Shy at mahal na mahal nito ang kanyang Lola.

Sa school ay wala siyang masyadong kaibigan. Dahil na nga sa sobrang pagkamahiyain niya ay iwas siya sa mga tao. Pero gayunpaman ay isa siya sa top students sa kanilang school at di maiipagkailangang marami rin ang nagkakagusto sa kanya dahil na rin sa taglay niyang ganda.

At sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kanya ay isa lang ang lalaki na nakakuha sa kanyang atensyon. Palagi niya itong nakakasabay pagpasok ng gate ngunit dahil nga na-late siya ng gising ngayon ay mukhang hindi niya ito makakasabay.

Dumaan na muna siya sa cake shop na palagi niyang binibilhan ng cupcake para ipick-up ang kanyang order.

"Good morning, Shy." bati sa kanya ng may-ari ng cake shop. Dahil araw-araw syang bumibili ng cupcake dito ay kilala na siya ng may-ari. "Mukhang gustong gusto mo talaga ang cupcake namin dito ah." saad pa nito.

"Ah, opo. Masarap po kasi talaga." matipid na sagot niya dito, nahihiya talaga siya.

"Anak ko ang nagbebake nyan. Actually magka-schoolmate kayo."

"Talaga po?"

"Oo, pero sa culinary siya. Siguro magkaedad kayo." the thought piqued her interest. Gusto sana niyang itanong ang pangalan ng anak nito ngunit wala siyang lakas ng loob para makipag-usap ng matagal. She sucks at communication. "Ito, dinagdagan ko yan ng dalawa kasi regular customer ka naman dito. Enjoy your cupcake today." nakangiting sabi ng tindera dito at saka iniabot ang box ng cupcake.

"Salamat po." isinilid niya sa isang ecobag ang box ng cupcake.

"Welcome, Shy and see you tomorrow?"

"Opo, see you!" she gave her a smile at saka umalis.

Halos mag-aalas otso na nang makarating si Shy sa school at gaya nga ng kanyang hinala ay hindi niya nakasabay ang lalaking kanyang inaadmire. Pero okay lang naman 'yon sa kanya dahil araw-araw naman niya itong iniiwanan ng cupcake sa locker nito.

Bilang isa sa pinakamatalinong estudyante sa kanilang paaralan ay sisiw na sa kanya ang buksan ang locker nito. Nagawa nga nyang idecode ang password nito kaya naiipasok niya ang cupcake sa loob. At ngayong araw, gaya ng parati niyang ginagawa ay iniwan niyang muli ang cupcake sa loob ng locker nito.

Hindi rin niya alam kung kailan niya balak umamin dito. Natatakot din kasi siyang baka hindi siya gusto nito dahil sa lahat ng lalaki ay siya ang never nagpakita ng interes sa kanya.

Matapos n'yang dumaan sa locker room ay dumiretso na siya sa kanilang classroom. Wala pa ang kanilang professor kaya naman nakaligtas siya sa pagiging late.

Umupo na siya sa kanyang silya at saka nagbasa ng ilang pointers nang may kumatok sa kanilang silid.

"Nandyan ba si Rai?"

I LIVED AS SHY [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon