Chapter 6

38 10 3
                                    

MABILIS na kumalat sa campus ang balita tungkol kay Rai at Shy. Marami ang natuwa dahil na parehas na sikat ang dalawa sa school nila. Sino nga bang mag-aakala na magkakatuluyan ang top student at school heartthrob?

Ang iba ay nainis lalo na ang mga babae na may gusto kay Rai. Gumawa pa ng haters club ang mga ito sa sobrang inggit kay Shy.

Rai and Shy exchanged numbers. Dumiretso si Rai sa gym ng school para sa practice ng varsity habang si Shy naman ay nagtungo sa building nina Gabby. Gusto sana niya itong makausap at makapagpaliwanag.

Sa ikatlong palapag ang room nina Gabby. She decided to use the elevator nang may makasabay siyang tatlong babae. Base sa suot ng mga ito ay miyembro sila ng cheering squad.

"Look who's here." banggit ng babaeng may lagpas balikat ang itim na buhok. May katangusan ang ilong, mestiza at naniningkit ang mga mata nito. Siya si Althea, cheerleader sa school nila na may malaking pagkagusto kay Rai. She is also the unica hija of the school owner. Kasama niya ang kanyang mga alipores na sina Eves at Gold na mga cheerleaders din.

Kasabay ni Shy na pumasok sa elevator ang tatlong babae. Walang kamalay-malay si Shy na siya pala ang pakay ng mga ito.

"You are the rumored girlfriend of Rai diba?" pag-uusisa ni Gold at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Hindi ito sinagot ni Shy. Bukod sa hindi niya ang mga ito kilala ay hindi rin siya ganun ka-sociable na tao para mag entertain ng tanong.

Bumukas ang pinto ng elevator sa ikatlong palapag. Palabas na sana si Shy nang harangin siya ni Eves, "Wow. May attitude ka rin pala." inis na sabi nito.

"Walang hindi pumapansin sa amin, lalong hindi ang isang tulad mo lang." Althea said and grabbed Shy. Itinulak niya ito papunta sa sulok ng elevator.

Shy was so surprised, "A-ano bang kailangan niyo sa'kin?" kabadong tanong niya sa mga ito.

Inilabas ni Gold ang gunting habang si Eves naman ay kinuha ang isang bote ng tubig mula sa bag nito.

"Hindi namin alam ang nagustuhan ni Rai sa'yo. Siguro nga top student ka but we are sure na hindi ikaw ang karapatdapat para sa kanya." Althea said at kinuha ang cellphone nito. "Girls, do it."

Sinira ni Gold ang damit ni Shy gamit ang gunting, nahagip ang buhok nito sa pagkakagupit, "Tama na, please!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Shy sa mga ito.

"This is fun!" masayang sabi ni Gold habang si Althea naman ay nirerecord ang kanilang ginagawa kay Shy.

Matapos sirain ni Gold ang damit ni Shy ay binuhusan naman ito ni Eves ng tubig, "Serves you right."

Ipinagpatuloy lang ni Althea ang pagrerecord kay Shy ng ilan pang minuto bago nila iwan si Shy sa elevator. Binalaan pa ng mga ito si Shy na gagawin nilang impyerno ang buhay nito kung hindi makikipaghiwalay kay Rai. Althea also reminded her that all girls na maiinvolve kay Rai not just her ay papahirapan nila.

Naiwan si Shy sa loob ng elevator. Mabuti na lamang at on going pa ang klase. Wala pang masyadong gumagamit ng elevator. She's hugging her knees while crying. Ano bang nagawa niyang mali? Tanong niya sa kanyang sarili. She is doing it for the sake of everyone around her. She only wants what is best for everyone especially the best for her best friend, Gabby.

Muling nagbukas ang pinto ng elevator, "S-shy?" Kilala ni Shy kung kaninong boses ito ngunit mas pinili niya ang hindi ito pansinin. Kung bakit ba naman sa dinamirami ng makakakita sa kanya ay ang taong iniiwasan pa niya.

"Anong nangyari sa'yo, Shy?! Sinong may gawa n'yan sa'yo?!" nag-aalalang tanong nito.

Hindi na nakapagpigil si Shy, she stood up and glared at him, "As if you care? Sarili mo lang naman ang iniisip mo diba. Now look what happened? Sana hindi na lang ako nakinig sa'yo!" muling tumulo ang mga luha sa mata si Shy. She can't help but ask herself, is this the consequences of her actions?

I LIVED AS SHY [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon