Chapter 4

17 1 0
                                    

Nakarating kami sa isang resort sa Batangas kung saan ay doon na rin kami magpapalipas ng gabi

"Room for 1, Sir?" tanong ng receptionist kay Eyon

"Please give us separate rooms, Miss" kako

Tumingin naman saakin ang lalakeng katabi ko at tyaka siya tumingin sa receptionist sabay ngiti

"Room for 1, Miss" sabay ngisi nito saakin

"Ako ang magbabayad" pahabol pa nito

"I can pay my room" sagot ko rito

"But, do you have your purse?" sagot naman nito pabalik saakin

Teka

"Nahulog mo yung bag mo so I asked one guard to give it to your friend, that lady you were with, ipinasabi ko na rin na 'wag siyang mag alala kasi dadalhin ka lang naman sa hospital"

"How dare you, yung phone ko?!" pagalit kong wika

"It's with me, chill" sagot nito at tyaka ito inabot saakin

10 missed calls from Celene

"Tawagan mo na, kanina pa yan tumatawag"

Kaya naman iniwan ko siya doon sa lobby ng hotel tyaka ako nag diretso sa may pool side nito

"Hello Celene?" wika ko nang sagutin nito ang tawag ko

"My God te! Ok ka lang ba? Nasa hospital ka pa ba? Saang hospital ka ba dinala? Pupuntahan kita" pag aalala nitong wika

"Okay lang ako, tyaka nasa bahay na rin naman ako, ikaw nasaan ka na ba? Nakauwi ka na ba?"

"Oo te, kanina pa, buti naman at ok ka na, diyosko! Magpagaling sis, napagod ka siguro pumila"

Napa roll eyes nalang ako kasi hindi naman talaga ako dinala sa hospital

"Oo, mag iingat ka rin ha, ano ibaba ko na, I need to rest" I lied tyaka ko binaba yung tawag

Paano ba ako uuwi nito na cellphone lang yung dala ko at isa pa, kasama ko ang Eyon na yun sa iisang kwarto

Hindi naman na bago, pero hindi rin ako lasing

Humiga muna ako sa may sunbed sa tabi ng pool at tyaka sinubukang umidlip

Hindi pa man ako nakakatulog ay naramdaman kong parang unti unti akong umaangat

Pagdilat ko ay hawak hawak na nga ako ni Eyon

Sa gulat ko ay ako na mismo ang bumaba at di ko na siya inantay na ibaba ako

"Ano ba talagang trip mo?" wika ko rito

Nagsimula naman siyang maglakad at gayon din ang pagsunod ko

"We have our keys, tatawagin sana kita kaso tulog ka na, so I tried to bring you inside"

"Pwede mo naman akong gisingin, trip mo ba talaga akong kidnappin?"

"It's not a kidnapping kung malaya ka namang nakakagalaw"

Inunlocked niya ang isang pintuan and he turned on the lights

"So saan ako matutulog?" tanong ko habang nakacrossed arms

"Why ask if you know where?" pag ngising sagot nito saakin at tyaka inilapag yung susi ng sasakyan niya somewhere in the room

"Stop!" Hindi ako natutuwa

"Now you sit" wika nito saakin at tyaka ako pilit na pinaupo sa kama

"Tell me why you suddenly left that night?"

"Whatever happened that night, it's just a mistake, pwede naman nating kalimutan, ano ka ba"

Pero sa totoo lang ay pinagpapawisan na ako

"It was never a mistake Allison, I just took your virginity with your consent and you took mine"

Mr. Genius, Do not Kiss Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon