Chapter 8

10 1 0
                                    

He finished his breakfast faster than me kaya nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya while I'm focused with my food

"Do you think I'm gay?"

Bigla akong nabilaukan sa kinakain ko dahil sa out of nowhere na tanong nito

Parang kanina lang nagkwenkwento siya about their game against Gamelab & Echo

Agad naman niyang inabot saakin ang isang basong tubig na nasa harap ko

"Are you really this clumsy?" tanong nito saakin at tyaka niya pinunasan ang kung ano man ang nasa gilid ng labi ko

Inagaw ko naman sakanya yun para ako na ang magtuloy

"Grabe naman kasi mga tanong mo, pang out of space" sarkastikong sagot ko sakanya

Sino bang hindi mabibilaukan? Dahil lang naman sa salitang yan kaya tayo napahamak pareho sa Vietnam

"Hindi ko alam kung bakit akala nila bading ako? Is it because I don't act so masculine? Or masyadong clean yung ayos ko?"

Sa totoo lang ha, parang pinaglihi ka sa baby powder

"Basta ako hindi kita jinudge" tyaka ko binilisang ubusin yung pagkain ko

Napaka sinungaling mo Allison

"But I know about the dare" wika nito kasabay ng paglapit ng mukha niya saakin

"Darcy told me" tyaka siya ngumiti saakin

"If I rejected the kiss then it means I'm gay, so paano ba yan? Hindi nalang kiss yung nangyari saatin?" tyaka ito sumandal muli sakanyang upuan at ngumisi saakin

"Una sa lahat, close ba tayo? walang kapreno preno yang bibig mo ha" sagot ko rito

Natawa naman ito sa sinabi ko

May nakakatawa ba don?

"What if you act as my girlfriend?"

Napatingin naman ako rito ng masama

"Wala ka na ba talagang ibang mapagtritripan?"

Ngumisi lang ito muli saakin

"Marami naman dyan, pero ikaw yung nasa harap ko" tyaka ito natawa ng bahagya

"I'm kidding, pagod lang ako sa mga naririnig kong jowa ko si Hadji, besides my mom was also wondering" pagtutuloy nito

Napa rolls eyes nalang ako sa sinabi niya

"Tapos ka na ba? uwi na tayo? anong oras na rin kasi" sarcastic na sagot ko rito

"Ikaw lang naman yung matagal kumain, malala ka pa sa pusa ko" sagot nito saakin tyaka siya tumayo

"Pwede ba kitang sapakin, isa lang?"

"Try me"

"Iuwi mo na ako!" malakas pagkasabi ko rito

Lumingon lingon naman siya sa paligid

"Can you lower down your voice? mamaya inuwi kita sa bahay, tignan mo" pabulong na sagot nito

Seryoso ba talaga siya?

"So, manunuod ka ba ng next game namin?" wika nito habang nakatingin sa daan

"Game niyo nino?"

Tumingin naman ito saglit saakin at tyaka inilagay muli ang tingin niya sa daan

"Sa game lang talaga nina Momshoe ka updated no?" sagot nito saakin

Alam kong nasa Blacklist Academy si Oheb ngunit alam kong hindi siya naglalaro

"Slight lang, si Oheb ba maglalaro?" tanong ko rito

"Pahinga nga yun, bigyan mo naman siya ng break, kulit niyo ah " sagot nito saakin

"Parang masama magtanong ah?" sarkastikong wika ko rito

"Kulit kasi eh" wika naman nito pabalik

"Ano sa bahay na ba kita ibababa? dadaan pa ako ng bootcamp eh" tanong nito muli saakin

Quotang quota na to saakin, BI-BINGO na to eh

"Alam ba ng mommy mo yang pinag-gagagawa mo?" sagot ko sakanya

"My mom loves me, Al. She don't have any choice, hindi rin naman alam ng mommy mo"

Napagod na ako makipagbardagulan sakanya kaya nag isip nalang ako ng ibang maitatanong

"Si Rindo ba pinsan mo?" wika ko rito

"No, team mates lang, sabi nga nila magkamukha raw kami"

"Magkamukha nga kayo" sagot ko naman sakanya

"Lugi pa ako" wika naman nito pabalik saakin

Grabe yung self confidence ng isang Eyon Usi no?

"Iliko mo dyan" wika ko ng makita kong papasok na kami sa subdivision namin

"Nakikita ko sa waze, Al" sagot naman nito saakin

Napa roll eyes naman ako

Pagkaraan ng ilang oras na pagtitiis ko ay nakarating din kami

Inunlocked niya yung yung door ko kaya bumaba na ako kaagad ngunit hindi ko pa man naisasarado yung pinto ng sasakyan niya nang magsalita siya

"Isearch mo yung MDL PH sa facebook or youtube, manood ka, tignan mo kung gaano ako kagaling" wika nito saakin na mukhang nag eenjoy siya sa ginagawa niya

Napa roll eyes nalang muli ako

Hindi ko na mabilang kung ilang rolls eyes na ba ang nagawa ko ngayong araw

Isang Russel Aaron Usi ba naman ang kasama mo?

Agad kong isinarado yung pinto ngunit bigla niyang ibinaba yung window from the passenger seat in front

"And answer your phone when I call" pahabol na wika nito

Anong answer, paano niya nakuha ang---

"Teka! Eyon!!!!" sigaw ko rito ng bigla niyang pinaandar yung sasakyan niya at iniwan ako sa tapat ng bahay namin

Iniwan niya akong nagtataka kung papaanong napasakanya ang phone number ko?

Binigay ko ba?

Mr. Genius, Do not Kiss Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon