Chapter 14

8 0 0
                                    

Dali dali akong umakyat ng rooftop nang matanaw ko ang isang lalakeng nakatayo roon

He's wearing our school uniform with his hoodie on

Nang marating ko ay agad akong sumigaw ng

"Sandali!"

Napalingon naman agad ito saakin at umatras ito ng bahagya

Muli ay ibinalik nito ang tingin sa itaas, palagay ko'y sa mga ulap

"Kung ano man ang binabalak mong gawin-"

"Mind your own business" pagpuputol nito sa sasabihin ko

"Whatever it is, please do not break your mom's heart" wika ko

Alam ko pagdating sa mga ganitong sitwasyon, you have to remind them about their loved ones

Kahit hindi ako sure if he's with his mom pero sinubukan ko paring banggitin ito

Tumingin naman ito saakin at mukhang prinoproseso niya ang sinabi ko

Humakbang ako ng ilang steps papalapit sakanya

"Nabasa mo na ba yung Notes on a Nervous Planet ni Matt Haig?"

Umiling naman ito saakin

"I will let you borrow that book one day" wika ko

Tumabi ako sakanya at kitang kita ko kung gaano kataas ang kinaroroonan namin

Bahagya akong pumikit at huminga ng malalim

Maya maya ay naramdaman kong hinila nito ang braso ko na naging dahilan ng pag atras ko

"You're too close" wika nito at tyaka ito tumingin sa dulo ng kinatatayuan namin

Liningon ko ito and I saw him how he removed his eyeglasses and wiped his tears at tyaka niya ito agad ibinalik nang mapansin niyang tumingin ako sakanya

He's still wearing his white hoodie

"Okay ka lang ba? Pwede akong maki-"

Ngunit hindi ko pa man natatapos ang mga salita ko ay agad na ako nitong tinalikuran

"I'm okay, Life just fucked me up" sagot nito at nagmadaling umalis

Ibinalik ko ang tingin ko kung saan siya nakatayo kani-kanina lang

Napansin ko ang isang phone na nakalapag

I picked it up and it was not even locked

The wallpaper is him with a brown dog, but his face was only showing half

I was about to open his gallery but I realized I'm about to invade his privacy so I closed it

I regret na hindi ko man lang siya nacomfort ng mas maayos

Let him borrow my book? Paano ko pa maipapahiram yung book sakanya

Napatingin ako muli sa cellphone na hawak ko

I hope this idea works

So I opened his phone camera and took a wacky selfie of me with a caption

I don't know what you're going through right now, but every downfall raises you to infinite heights, cheer up & stay alive! - Allison'

I also captured the clouds with his phone camera

Ano bang meron sa mga ulap na yan?

Mga ilang minuto rin nang maisipan kong bumaba na from the rooftop at ibinigay kay kuya guard yung mobile na hawak ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Genius, Do not Kiss Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon