Chapter 1

32 2 0
                                    

Punong puno ng sigawan sa loob ng MPL PH venue matapos matalo ang Blacklist sa Game 1

 Maririnig mo ang ingay ng mga Raiders, ito ay ang mga sumusuporta sa RSG Slate na minsa'y naging MPL PH Champ na rin at sila rin ang MSC 2022 Champions kaya nama'y hindi nakakapagtaka na malakas talaga ang koponan na ito

At sa parte ng aming kinauupuan naman ay ang mga Agents, ang mga fans ng Blacklist International na hawak ng Tier One Entertainment.

"Allison, pwede ba ako tumayo dito? gusto ko na mag CR" wika ng katabi ko, siya si Celene na nakilala ko sa Agents page, we clicked and became friends.

Tinangka niyang tumayo pero pilit ko lang siyang pinaupo muli

"Mamaya na, magsisimula na yung Game 2 oh" tyaka ko itinuro yung stage

Lumingon naman siya doon at nakitang patapos na nga ang drafting

"Pero ihing ihi na talaga ako" sagot nito saakin 

Wala na rin naman siyang nagawa kundi sumunod

"Blacklist!!!!!"

"Kaya niyo yan!!!!"

Rinig na rinig mo talaga ang sigawan ng mga tao na gusto nilang manalo ang mga idolo nila at hindi rin nakakapagtakang isa kami ni Celene sa mga sumisigaw

Natapos ang laro na 2-0 ang resulta, RSG ang nanalo sa Series na to

 Nakakapanghinayang? Oo, ngunit sabi ko nga, hindi sa lahat ng pagkakataon ay Blacklist ang panalo

"Ok lang yun at least nakita ko si Edward" wika ni Celene habang pumipila kami upang makalabas na ng venue

"Buti ka pa, si Oheb nga walang paramdam kahit mag live man lang sana" sagot ko sakanya

Si Celene ay isang Edward Dapadap stan, na naglalaro sa pangalang Edward at kilala bilang Agent Zero dahil siya ang kauna unahang naging miyembro ng Blacklist. He is also known as Mr. Consistent dahil sa game plays niyang walang tapon kaya naman hindi lang isang MVP trophy ang naiuwi niya kundi dalawang tropeyo

Si Oheb naman ay ang bias ko. Oheb's real name is Kiel Calvin Soriano, he's playing in Gold Lane. Nabansagan siyang Filipino Sniper during their M3 run at siya nga ang nabigyan ng World's MVP title dahil sa larong ipinamalas niya kaso nga lang ay pahinga siya ngayon Season 11 kasama ni Hadji

Sino si Hadji Salik? Mukhang siya lang naman ang bias wrecker ng lahat, isa nang beteranong ML player. Sa galing ni Hadji ay nabigyan nga siya ng titulong KDA Machine dahil sa ganda ng stats niya during every game. Nakapag uwi na rin siya ng MVP trophy gaya nung dalawa and that's why they are called the MV3

"Ok lang na walang Oheb, pwede ka naman mamili muna sa Blacklist Academy ng susuportahan mo" wika nito pabalik

Ang Blacklist Academy ay isa ring koponan ng Tier One na naglalaro sa MDL PH. Isa itong Developmental League kung saan mahahasa ang husay at galing ng bawat manlalaro

"Cute yung Rindo" kako sakanya tiyaka ako kunwaring kinilig

Cute nga talaga yung Rindo pero mas bata siya saakin kaya ayoko namang maakusahan ng child abuse

"Mas cute kaya si Eyon, try mo kasi i-stalk twitter niya tyaka tiktok" sagot nito saakin habang sinesearch ang pangalang Eyon Usi sa social media nito

Agad ko namang inalis ang tingin ko roon sa phone niya

"Samahan mo ako sa CR" aya ko dahil ako naman ang nakaramdan ngayon 

"Sumabay ka na dapat saakin kanina, dalian mo antayin kita doon" tyaka niya itinuro kung saan mga pwedeng mauupuan

Hindi na kasi talaga napigilan ni Celene ang ihi niya kanina kaya inunti unti niyang tumayo makapunta lang ng comfort room

"Sige wait mo ako ha? tawagan mo ako kung saang parte ka nakahanap ng mauupuan" 

Tumango lang naman ito saakin kaya minadali ko na ring magpunta ng CR

Pagpasok ko ng isang hallway kung saan magkahiwalay ang CR ng Men & Women, isang pigura ang agad kong napansin na nakasandal sa pader na katabi ng pinto ng mga lalake 

 Nakalagay sa tenga niya ang isang headphones habang ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa bulsa ng kanyang pantalon

 Napatingin ito sa kinaroroonan ko ngunit nang biglang may lumabas na lalake mula sa Men's comfort room ay agad inalis nito ang tingin mula saakin na siyang dahilan upang madaliin kong pumasok sa pinto ng mga babae

I already expected na pupunta at manunuod siya ngunit hindi ko lubos maisip na magtatagpo pa kami sa isang awkward situation.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko, hinahanap na ako ni Celene

"Hello, papunta na ako dyan" sagot ko agad sa tawag niya

"Dalian mo te! dadaan pa tayo ng milktea!"

"Oo nga, wait lang anjan na" tyaka ako lumabas ng cubicle at ng pinto

"Nandito ako sa may-"

Hindi ko na narinig ang huling salita ng kaibigan ko bagkos ay napalaki na lamang ang aking mga mata dahil sa lalakeng nakaharang saakin

"Allison" malamig na wika nito kasabay ng pagtakip niya sa bibig ko

Mr. Genius, Do not Kiss Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon