Chapter 2

20 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa isang tunog ng telepono, familiar yung tunog kaya alam kong cellphone ko ang nairirinig ko, may tumatawag saakin

Teka, ang pagkakaalala ko ay ang pagtakip ng pamilyar na lalake sa bibig ko

Agad akong napamulat nang magising ako sa realidad

"Ihinto mo nahihilo ako" wika ko nang makaramdam ako ng pagkakasuka

Hininto nito ang sasakyan sa tabi ng daan

Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga at agad naman nitong tinanggal ang seatbelt na nakakabit saakin

Nilingon ko ang paligid at mukhang nasa Tagaytay kami

Inunlocked nito ang pinto ko at nagmadali rin naman akong lumabas ng sasakyan upang sumuka

Dali rin itong bumaba upang alalayan ako at tyaka ito hinahagod ang likod ko upang maisuka ko lahat ng meron ako

"Oh" wika nito habang inaabot saakin ang tissue

Agad ko naman itong kinuha mula sakanya at pinunasan ang bibig ko at tyaka ako tumingin ng masamang masama sakanya

"Do not blame me" wika nito saakin at tinangkang lakarin ang pinto ng driver's seat pero agad ko itong hinarangan ng dalawa kong kamay

"Bakit ako nandito? Anong ginawa mo?" sagot ko sakanya

Ano bang nangyari? Bakit ko to kasama bigla?

"I didn't do anything" sagot naman nito pabalik saakin at tyaka niya ako nilagpasan

I saw him opening the door of the driver's seat at tyaka siya pumasok kaya agad rin akong sumunod ngunit sa likod ng driver's seat ako sumakay

"Hindi mo ako driver" agad na wika nito saakin habang nakalingon sa kinaororoonan ko

"Pwes, hindi mo rin dapat ako dinala dito" sagot ko

Inalis naman nito ang pagkakatingin saakin at sinimulang patakbuhin ang sasakyan

"Paano nga ba ako napunta dito?" pagtatakang tanong ko

"I asked some help from the security guards, sabi ko dadalhin kita sa hospital"

After mo akong patulugin? Nakuha mo pa akong dalhin sa hospital?

"Sino nanaman ba ang pinanuod mo don? si H2wo?" kalmado naman nitong tanong saakin habang ang bilis bilis na niya magpa takbo ng sasakyan

"Alam mo namang hindi ko bias si H2wo" sagot ko rito

Teka makikita ko na yata si San Pedro

"Eh di sino pala? may Mika Salamanca na yun" sagot naman nito saakin habang bahadyang natatawa

"Oh bakit? mas maganda ba saakin yun?!"

"Mas maganda ka" sagot nito kaagad saakin at tyaka niya biglang iniliko yung sasakyan na naging dahilan ng pagkahulog  ko mula sa pagkakaupo

"Papatayin mo ba ako ha Eyon?!"

"As if" agad naman na sagot nito saakin

Mr. Genius, Do not Kiss Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon