TBI 01: Beginning

2.8K 79 2
                                    

[Chapter 1: Beginning]

Selene | Selvyna

'My beautiful pearl, Selvyna Catherine Adelaide Forger. Be brave for you are now alone. Be strong for what struggle may pass. Be fearless, firm, and stand for your rights. Protect yourself for now, and train arduously. When the time is nigh, take what is meant for you to own.

I love you, my little princess. Papa apologizes for this cruelty. This is the only thing I can protect you from them.

May you take what is rightfully ours, Selvy.'

I gasped for air as my eyes snapped open after my consciousness lit up. Malabo ang aking paningin kaya't hindi ko rin alam kung nasaan ako. The only thing that I am sure of is that my body aches like I've been slapped with something hard.

Dahan-dahan akong bumangon kahit hindi na maipinta ang aking mukha sa sakit na nadarama ko. Isali pa ang panginginig ng mga binti ko na para akong nagmula sa isang paralisadong estado.

When my vision began to clear, I immediately noticed the small room being filled with dry leaves hanging on the nipa wall. The bed felt like it came straight from a single hard molded wood. No pillows and blanket, or even a single piece of fabric. Kaya din masakit ang katawan ko dahil sa gaspang at tigas ng kama.

I tried to stand up but I couldn't control the trembling of my legs which made me feel hopeless relying on my locomotors. Pinagmasdan ko ang aking suot at halos wala na rin akong matinong saplot, na siyang dahilan kung bakit napamaang ang mga labi ko.

Malalaking dahon na pinagtagpi-tagpi at ginawang damit ang suot ko. May tela naman akong suot subalit tanging mga utong ko at ang ibabang parte ng aking katawan lamang ang tinatakpan nito. Para akong nasa sinaunang panahon kung saan wala pa silang sense of fashion. Ang lagkit ko rin tignan dahil sa pinaghalong langis at pawis. Tuyo ang aking buhok at parang ilang buwan ata itong hindi nasuklayan.

"Gising ka na pala, binibini."

Naipako ko ang aking tingin sa nagsalita. She was standing in front of the doorway of the room looking at me with no surprised emotions. Her wrinkled face shouts her age, and her sense of clothing seems more evolved than mine. Buong akala ko nasa sinaunang panahon ako, pero ang suot ng taong ito ay pang-moderno.

"Who are you?" I asked. My mouth gaped by how I heard my own voice. I don't know if I misheard it, but my voice seems like the tune of the waves under calm weather.

"Sasagutin ko ang tanong na gusto mong masagot pagkatapos mong magbihis. May mga damit ng anak ko sa loob aparador," saad niya at tinuro ang isang lumang aparador hindi kalayuan sa gawi ko.

She left the room while I stood there processing everything I am witnessing. Pagkatapos kong magpasya na sumunod sa sinabi niya, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at pinagmasdan ang buong kubo.

Most of the foundation was built on wood. Base na rin sa texture ng bahay ay mukhang matagal na itong naitayo. Maraming mga apparatus na pumupukaw sa kuryosidad ko subalit mas inuna ko ang paghahanap sa matandang 'yon. Namataan ko siyang nakaupo sa isang malapad na kahoy sa labas ng kubo. Nakikita ko rin ang dalampasigan mula rito kaya't mas lalong dumami ang mga tanong na gusto kong masagot.

Lumapit ako sa kanya. When she noticed my arrival, she tapped the flat surface as if she wanted me to sit, and so I did. Agad akong sinampal ng hangin at nilipad ang ilang hibla ng aking buhok.

"Malakas ang ulan sa gabing 'yon, isama pa ang hagupit ng alon kaya ka siguro napadpad dito." Her hands were busy piling some sort of beans that I don't know, while her eyes fixed on the shoreline. "Nag-aaway ang langit at karagatan, sa bawat bugso ng hangin ay dala nito ang malakas na sigaw ng kidlat, at sa bawat hampas ng alon ay parang nagwawala sa galit ang karagatan."

✓ | The Borrowed Identity (Fate's Transgression Series, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon